Kabanata 10

4.8K 165 6
                                    

KABANATA 10

Wearing such a fabulous gown. I entered the hall together with my Tito Victoire. Nakamask kami at walang bahid ng emosyon ang aming mga mata. Sumisigaw ng kapangyarihan ang aming tindig at aura. Napatingin sa'min ang karamihan ng banggitin ang pangalan ng unibersidad at pangalan ni Tito. Hindi binanggit ang akin dahil hindi rin naman kailangan.

Naglakad kami palapit sa table na may pangalan ng Unibersidad at magkatabing umupo. Naramdaman ko rin ang pagtatakip ni Tito sa likod ko gamit ng buhok ko. Sumisilip ata ng bahagya ang Clan Insignia na nakatattoo sa may likuran ko.

"Have you prepared for your sword performance?" Bulong sa'kin ni Tito at inabutan ako ng champagne.

"Yeah, nagpractice ako bago magprepare kanina" sagot ko at uminom ng kaunti.

"You need to impress them. We need so much investors dahil iniisa isa na ang mga nag invest sa'tin." Bilin nito.

"I know, I'll impress them I assure you Tito. Miski ikaw mapapanganga sa sword dance ko" I winked. Mukha naman itong nakahinga ng maluwag at tinapik tapik ang balikat ko.

"Hawak mo sa mga oras na 'to ang lahat Tricia, I trust you"

Nagthumbs up ako at itinuon na ang atensyon sa stage dahil nagpunta na sa gitna ang host ng event na 'to.

"Good evening everyone, this Annual Universities Headmasters' Meeting Party will not be accomplished without all of you. I would like to thank all of the Headmasters who brought one of their students.. Ang event na 'to ay para sa mangyayaring Chaos Emperial Ranking sa Chaos University. Na lalahukan ng mga mag aaral na manggagaling sa iba't ibang unibersidad. Mangyari ay tumayo si Headmaster Victoire upang ipaliwanag ang mangyayari"

Nilingon ko si Tito at nginitian, tinanguan niya ako at ninenerbyos na ngumiti pabalik bago siya tuluyang tumayo at maglakad paakyat ng stage.

Agad na ibinigay ng host ang mikropono kahit halata sa mukha nito ang pagkabigla.

My Tito cleared his throat and reveal a sheepish smile

"Hello, I'm Headmaster Victoire who recently take over the Chaos University two years ago. I myself didn't know how I agreed to the Chaos Emperial Ranking that will happen one month from now. Because, the Chaos Emperial Ranking that my University used to have is only for CU students. This year's CER is kind of unusual for all of us I guess." huminga ito ng malalim at ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Ang CER ay irarank ng bawat kasaling Unibersidad at ang mangunguna na manlalaro ng bawat Unibersidad ay magkakalaban sa final match at ang mananalo ay ang tatanghaling Emperor or Empress hindi lang ng Chaos University. Kundi lahat ng unibersidad na kasali. Inaasahan ko rin ang kooperasyon ninyo dahil hindi maiaayos ang mangyayaring patimpalak kung wala ang kooperasyon niyo at gusto ko nang magpasalamat ngayon. Sana ay pagpalain kayong lahat. Salamat" mahabang sabi ni Tito na nasundan na malakas na palakpakan.

Ibinalik na ni Tito ang mikropono ang bakas parin ang nerbyos sa kanyang mukha ng bumalik sya sa tabi ko. Tinungga pa nito ang laman ang champagne niya at nanlalaki ang mga matang huminga ng malalim.. Ang oa ah?

"Nagawa ko."bulong niya at tiningnan ako.

"Halos malubog ako sa kinatatayuan ko kanina, grabe makatitig yung matatandang headmasters parang..parang kakainin ako ng buhay" nanlalaki ang mata niyang sabi.

"Nagawa mo naman, tumigil ka sa kakaganyan tito mukha kang ewan" ngumiwi ako kaya't napasimangot ito.

"Ikaw kaya magsalita sa taas ng stage, tingnan natin kung di ka nenerbyusin, jusko kang bata ka"

"Sanay ako sa ganun noh, madalas kaya ako magspeech pag dumadalaw ako sa Dome" sagot ko at mayabang na ngumisi sa kanya.

"Edi ikaw na, pagbutihin mo lang talaga yung sword performance mo mamaya at uumbagin talaga kita pag di ka umayos"

"Umbagan mo na 'ko Tito, parang tinatamad na ko" asar ko sa kanya

"Aba't talagang!" tinawanan ko lang ito at nakinig na sa mga sinabi ng host. Andami nitong checheburetche na sinasabi. Yung mga nagagawa ng ibang university na halos lahat ay wala sa CU. Nanadya ata ang host na 'to.

Kesyo mas maganda raw ang proyekto ng ganitong university dahil andaming pananim na hawak dahil nakatirik sa bundok ang unibersidad. Nahiya naman yung CU na nasa ere diba?

Ilang minuto pa ang lumipas at oras na para sa mga performance ng mga estudyanteng dala ng mga headmaster. Hindi ko alam kung para san ang performance talaga na 'to bukod sa paghakot ng mga investors na dumayo at hindi naman headmasters.

Walong Headmasters at doseng investors na naimbitahan ang narito at walong mga estudyante din ang magpeperform kasama na 'ko.

"Anong katana dala mo?" tanung sa'kin ni Tito habang nanunuod ng performance nung taga Urk Universidad.

"Yung dalawang naarbor ko sa tauhan mo kanina. Di ko dinala yung akin dahil makikilala ako" sagot ko. Ang katana ko o mas kilala sa tawag na Yin at Yang ay kilalang kilala bilang pangunahing sandata ko sa bawat laban at pagpatay na gagawin ko. Nagdadala ako ng baril kapag tinatamad ako sumaksak at maglaslas ng buhay.

"Buti naman.. Anung tingin mo sa isang 'to? Mukha bang malakas?" Tito asked and point his fingers on the performers direction. Matiim ko yung tiningnan..

"Mahina at ang tigas ng katawan" usal ko. Nagsasayaw kasi ang performer ng isang japanese traditional dance. I don't know what its called. Basta sayaw.

Walang kasing tigas ang katawan at halatang napilitan lang sa pagpeperform.

Ng matapos ito ay may pumalakpak parin naman.

"Next. Chaos University"

Tumayo na 'ko at kinuha ang dalawang katana sa may lagayan. Inalis ko rin ang heels na suot ko bago pumunta sa may gitna.

"Ready"

Pumikit ako at idinipa ang dalawang kamay ko na may hawak na tig isang katana. Huminga ako ng malalim at muling binukas ang mga mata ko.

"Go"

Nang tumugtog ang violin ay agad akong umikot habang nakadipa parin. Ikot ko pa sa kamay ko ang dalawang katana bago ito ibaba. Nang huminto ang violin ay agad kong ipinosisyon ang katana na nasa kanang kamay ko sa harap ko at ang isa ay nasa likuran ko.

Pumikit akong muli at sinimulan na ang sayaw na inihanda ko ng magsimula uling tumugtog ang violin na sinabayan na ng ritmo ng flute. The song and my dance is kind of emotional kaya't ganun din ang emosyon na iginuhit ko sa'king mukha.

"Do you love swords?" someone asked when he saw me playing a sword. I nodded and lift my sword.

"I.. Trijara love swords and I would be a knight!" the kid me announced..

May mga alaala na nagfflash sa utak ko habang sumasayaw ako at dinadagdagan nun ng kahulugan ang bawat paggalaw na gagawin ko. Sa pagkakataong ito ay ramdam ko ang pag iisa ko at isinasayaw ang laman ng bawat alaalang umuukilkil sa utak ko.

Notorious Queen (C)Where stories live. Discover now