MFALC Chapter 3: Jealousy turns into Sensuality

23.2K 724 100
                                    

Chapter 3


Biyernes nang tanghali, panay ang tawag ni Amara sa kanyang asawa na si Tyron. Wala kasing pasok ang mga bata ngayon, kaya't naisipan nilang magpunta sa Mall.

Ilang beses pa niyang sinubukan tawagan ito, ngunit hindi man lang nag-abalang sagutin ni Tyron ang kanyang tawag,

"Gano'n ba siya ka-busy, para hindi man lang niya makita na tumatawag ako?" aniya habang nakalagay pa rin ang cellphone sa kanyang tenga.

Naisipan pa niyang tawagan ito sa opisina, at ilang ring lang ang kanyang pinaghintay bago may maarteng sumagot sa kabilang linya.

"Anderson's Office..." maarteng sagot nito sa telepono.

Alam ni Amara na si Ginger ang sumagot nito, wala siya sa mood na magtaray sa dalaga, kaya naman napairap na lang siya sa kawalan.

"Hello... Can I talk to Mr. Anderson, please." magalang na usal ni Amara rito, na kahit kumukulo ang dugo niya sa babaeng suman na iyon ay mas pinili niyang magpaka-pormal.

"I'm sorry Maam, but Mr. Anderson is busy at the moment." maarteng saad nito sa kanya.

"Gaano ka-busy?" biglang tanong ni Amara rito.

"Excuse me?" wika ni Ginger sa pinaka-matinis na boses nito.

Nagpanting ang tenga ni Amara sa pamamaraan nito nang pagsagot sa kanya, ngunit wala siya talaga sa mood na makipagtalo rito kaya diniretso na niya ang dalaga.

"Ang sabi ko, gaano ba ka-busy ang boss mo para pati asawa niya ay hindi siya pwedeng maabala?" iritable niyang sambit dito.

"Sorry po Maam Amara, bilin po kasi ni sir Tyron na hindi po sila pwedeng istorbohin ni Miss Stephanie."

Nang marinig ni Amara ang sinabi ni Ginger, agad kumulo ang dugo niya dahil mukang ibang bagay ang pinagkaka-busy-han ngayon ng kanyang asawa.

Kilala niya kung sino si Stephanie Herrera, isa ito sa anak ng kanilang investor sa kumpanya. At isa rin ito sa babaeng nagkakandarapa sa kanyang asawa.

Pilit sinasabi ni Amara kay Tyron na may gusto ito sa kanya, ngunit hindi naman binibigyang kulay ito ng kanyang asawa dahil magkaibigan lang daw sila ni Stephanie.

Napabalik na lang si Amara sa realidad nang marinig niya ang boses ni Ginger sa kabilang linya, "Maam Amara, hello..."

"Yes, I'm still here. Sige iti-text ko na lang si Tyron..." hindi pa natatapos ni Amara ang kanyang sasabihin nang biglang mamatay ang linya ng telepono.

Inis niyang inihagis sa kama ang kanyang cellphone saka hinalukipkip ang kanyang mga braso, "Ano na naman ang kailangan ng haliparot na 'yon?!" iritable niyang saad sa hangin.

Naisipan niyang tumuloy na lang sa Mall para mawala rin ang kanyang stress, stress sa isipin tungkol kay Tyron at kay Stephanie. Bago pa sila tuluyang makaalis, pinadalahan muna ni Amara nang mensahe ang kanyang asawa.


To: MyBabe ❤️

Babe, punta lang kami ng mga bata sa Mall. Hindi ko na sasabihin na sumunod ka na lang kung gusto mo, dahil mukang busy'ng busy ka naman ngayon sa ka-MEETING mo.


Pagkapadala niya ng mensaheng iyon, mabilis niyang isinilid sa kanyang bag ang cellphone saka lumabas ng kwarto para puntahan ang kanyang mga anak.



My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon