MFALC Chapter 16: Ginger's strange act

17.3K 561 72
                                        

Chapter 16


AMARA's POV:

Nang malaman ko ang lahat tungkol sa kalokohang ginawa ni Tyron, pinarusahan ko agad ang loko-loko kong asawa. As my punishment for his foolishness, one month siyang hindi matutulog sa kwarto namin at hindi niya ako pwedeng yakap-yakapin at halik-halikan.

Halos dalawang linggo siyang natutulog sa guest room. Pero sa dalawang linggong lumipas na hindi ko siya nakakasama, parang hinahanap-hanap ko naman ang mga yakap at amoy niya.

"Haaaayyy... It feels so empty without him." saad ko sa hangin bago malalim na napabuntong hininga dahil miss ko na talaga si Babe, lalo na 'yung mga halik niya sa aking balat na hinahanap ng buo kong sistema.

"Argh! What the heck, Amara?!" I grumbled myself while staring at the ceiling.

Para na akong baliw na nagsasalita mag-isa dito sa kwarto namin ni Tyron. Simula nang magbuntis ako, palagi na lang ako nakahiga sa kama. Ewan ko ba, hindi naman ako bedridden pero ang lintik na katawan kong ito palaging gustong humilata.

Tumagilid na lang ako pakanan, kung saan nakapwesto si Tyron kapag kami ay natutulog. Hinaplos ko pababa ang bedsheet na parang ini-imagine ko na katabi ko siya ngayon.

Hindi pa ako nakuntento at mabilis kong kinuha ang unan niya para mahigpit itong yakapin, "Ang bango, amoy na amoy ni Babe." nakangiti kong sambit habang patuloy sa pagsinghot ng unan ng aking asawa.

Kung gaano katagal kong hindi nakakatabi si Tyron sa kama, ay ganoong katagal ko ring hindi pinapalitan ang punda ng aming unan.

"Bakit ba? Eh sa gusto ko ang amoy niya eh." nang maisatinig ko iyon ay bigla akong natauhan. "Pupuntahan ko si Babe." turan ko sa aking sarili bago nagmadaling pumunta sa banyo para maligo.


*****

Mabilis ang naging pag-aayos ko, dahil gusto ko na talagang makita si Tyron. Akala ko ay kaya ko siyang tiisin ng isang buwan, pero susme akala ko lang pala 'yon. Para na akong mababaliw ngayon, dahil gustong-gusto ko na siyang mahalikan at mayakap ng sobrang higpit.

Mabilis kong tinungo ang elevator at ilang minuto ang lumipas bago ko narating ang office pad ni Babe.

"Good Afternoon po Maam." bati sa akin ni Ginger saka ito tumayo para i-assist ako sa office ni Tyron.

Sinenyasan ko lang ito na 'wag maingay dahil gusto kong sorpresahin ang asawa ko, kaya mabilis itong tumango bago naupong muli sa kanyang kinauupuan.

Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng opisina ni Tyron, bago ko marahang itinulak ang pinto. Nakita ko ang aking asawa na seryosong nagbabasa ng mga papeles sa kanyang lamesa. Hindi nito napansin ang aking presensya, dahil nakatutok ang atensyon nito diretso sa kanyang ginagawa.

Hindi ko na naman siya inistorbo pa, kaya't dahan-dahan akong naglakad papunta sa couch para maupo roon. Natatawa na lang ako ng palihim, dahil halos sampung minuto na akong nakaupo sa loob ng opisina niya, pero hindi pa rin namamalayan ni Tyron ang presensya ko.

Naka-crossed legs lang ako habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng aking asawa. Nagulat na lang ako nang biglang mapabaling ang paningin niya sa kinauupuan ko. Promise, kitang-kita ko kung paano nagulat ang gwapo nitong mukha at napa-second look pa kung tama ba ang nasisilayan niya. Hahaha!

My First and Last Crush ✔️Where stories live. Discover now