MFALC Chapter 12: Realization

17.6K 669 40
                                    

Chapter 12


Ilang araw naging mailap si Amara sa kanyang asawang si Tyron. Hindi na lang nila ito pinapahalata sa kanilang mga anak, dahil na rin sa pag-aalala na baka maapektuhan ang kalooban ng mga ito kapag nalaman na sila'y nag-aaway.

Nasa ganoong pag-iisip si Amara nang biglang makarinig siya ng pagkatok sa pintuan ng kanyang opisina.

Tok! Tok! Tok!

"Come in." walang ganang saad ng dalaga habang nakahalumbaba sa kanyang office table.

Narinig niyang bumukas ang pintuan ngunit hindi man lang nag-abala si Amara na balingan ang taong pumasok doon.

"Ate Amara, nandito po si Maam Cin.." hindi na natuloy ni Jackie ang kanyang sasabihin nang biglang bumungad doon ang kanyang kaibigan.

"Hoy bes, ano na?" maingay na bungad ni Cindy nang makapasok sa kanyang opisina.

"Bes, what are you doing here?" kunot noong tanong ni Amara rito.

"Hala siya... Grabe ka Amara Grace ha, nakalimutan mo na ba?" namimilog ang mga matang sambit ni Cindy.

"H-ha? Ang alin?"

Napatampal na lang si Cindy sa kanyang noo bago sinagot ang katanungan ng kanyang kaibigan, "Grabe ka! Ngayon po kaya tayo lalabas nila Jefra't Bianx. May amnesia 'te?" sarkastikong saad nito saka tinaasan ng kilay ang kanyang kaibigan.

"Shoot!" bulalas ni Amara sa hangin. "Oo nga pala, nawala sa isip ko bes." aligagang wika naman ni Amara saka nagmadaling ayusin ang kanyang mga gamit.

Sandaling pinagmasdan ni Cindy ang ikinikilos ni Amara bago ito muling nagsalita, "Hoy bruha, huminto ka nga muna sa ginagawa mo't magkaliwanagan tayo." anito saka hinalukipkip ang mga braso.

Napatigil naman si Amara sa kanyang ginagawa bago nilingon ang kanyang kaibigan. Alam niyang kahit kailan ay wala siyang maitatago rito, dahil parang pinagdikit na ng panahon ang kanilang mga bituka.

Humugot muna ng malalim na hininga si Amara bago ito matamlay na umupo sa kanyang itim na swivel chair, "Tyron and I, are not in good term." malungkot niyang sambit sa kanyang kaibigan bago yumuko.

Hindi naman agad nagsalita si Cindy sa mga narinig nito, alam niyang malalim ang pinaghuhugutan ni Amara kaya nagsalita na lang siya nang,

"Naku bes, masarap pag-usapan 'yan kapag may tama na ng alak. Kaya ano pang hinihintay mo? Ayusin mo na ang sarili mo nang mapuntahan na natin ang mga baklush sa Diamond Bar." mahabang litanya nito saka may itinipa sa kanyang telepono.


To: Jefra-D-Kagandahan

Hoy bakla, papunta na kami ni bes. Mukang kailangan nito ng madibdibang usapan.

Segundo lang ang lumipas nang biglang sinagot ni Jefra ang kanyang mensahe.

From: Jefra-D-Kagandahan

Oh no no no baklush, not again? Oh siya gora na kayo ditey nang masimulan na ang seremonyas. Haha!

Napapailing na lang si Cindy sa mensaheng kanyang natanggap bago binalingang muli ang kanyang matalik na kaibigan, na ngayon ay nakatingin na pala sa kanya, "Ready?" nakangiting saad lang nito kay Amara at tanging tango lang ang isinagot nito.


My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon