MFALC Chapter 23: Enemy Strikes

14.1K 436 34
                                    

Chapter 23


Pabalang na isinarado ni Cassie ang kanyang inupahang kwarto at pabalik-balik na naglakad sa gilid ng kanyang kama.

"I have to figure out, how to get Tyron away from that woman." inis na sambit nito habang kinakagat pa ang kanyang mga kuko sa sobrang pag-iisip.

Bigla na lang napasabunot ng kanyang buhok si Cassie, dahil sa frustration na kanyang pinagdadaanan ngayon, "Argh!" iritable pang anas nito bago kinuha ang kanyang gamot na Antidepressants sa night stand.

Napaupo ang dalaga sa kama habang hawak-hawak ang kanyang gamot. Iniisip niyang maigi kung dapat pa ba niyang inumin ito, dahil para kay Cassie ay normal na ang kanyang sistema ngayon. Sadyang mahal lang niya si Tyron kaya't tumataas na naman ang lebel ng kanyang pagka-depress,

"Relax Cassandra, you're just thinking too much kaya ganito ang nararamdaman mo." pagpapakalma nito sa kanyang sarili bago ipinikit ang mga mata para huminga ng malalim.

Nang iminulat ni Cassie ang kanyang mga mata ay ngumiti lang ito ng napakatamis, saka hinubad ang suot niyang white sleeve. Naisipang ayusin ng dalaga ang kanyang sarili para humingi ng tawad kay Tyron.

"Sweetie," tawag ng dalaga habang kumakatok sa pintuan ng unit na inupahan ni Tyron. "Tyron open the door please." pakiusap pa niya rito.

Ilang minuto rin ang itinagal ng pagkatok ni Cassie nang bigla itong bumukas ng pagkaluwang-luwang. Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil ibang tao ang naabutan niya roon, "N-nasaan si Tyron?" aniya rito habang palinga-linga sa loob ng kwartong iyon.

"Maam sorry po pero nagcheck out na po 'yung guest, tatlong oras na po ang nakakalipas." magalang na saad ng housekeeper sa dalaga.

"I don't believe you! Wag mong itago si Tyron." mapangahas na bulyaw ni Cassie saka tinabig ang babaeng nakaharang sa pintuan.

Nagmamadaling tinungo ni Cassie ang loob ng hotel room ni Tyron, ngunit wala siyang nakita ni isang bakas na magtuturo sa binata. Sinunod nitong buksan ang balcony at sa huli ay inilang hakbang lang ng dalaga ang banyo sa pagbabaka-sakaling masilayan ito, pero walang Tyron na sumalubong sa kanya.

Bagsak ang balikat na lumabas ng banyo si Cassie bago naupo sa kama na hinigaan ni Tyron. Hinaplos ng dalaga ang puting kobre kama, na parang inaalala ang imahe ng binata na natutulog.

Nasa ganoong isipin si Cassie nang biglang marinig niyang nagsalita ang housekeeper na naglilinis doon, "Maam, ayos lang po kayo?" nag-aalalang sambit nito kaya mabilis itong tiningnan ng dalaga ng masama.

"Who are you, to ask me that stupid question? Hinihingi ko ba ang opinion mo. Ha?!" singhal ni Cassie rito bago tumayo sa kanyang pagkakaupo.

"S-sorry po Maam." natamemeng sambit nito saka yumukod bilang paghingi ng pasensya.

"Tsss..." mataray na saad ng dalaga saka tuluyang lumabas ng unit.

Nagmamadaling bumalik si Cassie sa kanyang hotel room at muling isinara ang pinto ng pabalang, "Aaaahhhhh..." nakakakilabot na sigaw ng dalaga habang papasok ito sa loob ng kanyang inuupahang silid.

Mabilis nitong tinungo ang gilid ng kama bago sinabunutan ang kanyang buhok, "You can't do this to me, Tyron!" saka pinaghahampas ang unan doon. "You can't leave me, you can't!" galit na galit na anas ni Cassie bago pinag-gugulo ang kanyang hinihigaan.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon