MFALC Chapter 20: Cassie's Return

14.6K 453 95
                                    

Chapter 20


Nagising ang ulirat ni Amara nang maamoy nito ang paboritong pabango ni Tyron. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at nangunot ang kanyang noo, nang makitang abala ang binata sa pag-aayos ng kanyang gamit para isilid sa isang travel bag.

Mumukat-mukat na bumangon ang dalaga sa kama bago nagsalita nang, "Babe, where are you going? Maaga pa ha." anito sa pagitan ng kanyang paghihikab.

Maagap naman siyang nilapitan ni Tyron bago humalik sa noo ng dalaga, "I have an early flight today, Babe." usal ng kanyang asawa bago bumalik sa pag-aayos nito.

"Flight?" mabilis na sagot ni Amara habang nakakunot ang kanyang noo.

"Yes Babe, we have an urgent conference in Cebu with Mr. Acosta."

"Cebu? Bakit parang biglaan ata?" pagtatanong pa ni Amara rito, kaya't napatigil si Tyron sa kanyang ginagawa.

"Babe, kagabi lang din ako na-inform sa office. My flight is scheduled at seven in the morning, so I have to leave early." turan ng binata habang nakatuon ang atensyon sa kanyang ginagawa.

"Do you need any help?" pagtatanong ni Amara dahil kita niya kung paano basta-basta isinalansan ng kanyang asawa ang mga damit nito sa travel bag.

"Okay lang ba?" pagtatanong nito bago tiningnan ang kanyang asawa.

"Silly, syempre naman. Look at these, parang mga basahan na basta na lang kinuyumos. Haha!" natatawang saad ng dalaga nang paluhod itong lumapit sa dulo ng kama.

Inayos ni Amara ang mga gamit ni Tyron, habang nakupo lang itong pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanyang asawa.

"Paano na lang ako kung walang Amara sa buhay ko." lambing ng binata saka ito niyakap sa bewang.

"Sus! Nambola pa si Mr. Anderson." nakangiting sambit nito saka hinawakan ang mukha ni Tyron na nakasiksik sa kanyang leeg.

"I love you, Babe."

"I love you too... Come on, baka malate ka sa flight mo." ani Amara saka muling itinuloy ang kanyang ginagawa.

Mabilis namang natapos ang mag-asawa sa pag-aayos ng gamit ni Tyron. Nasabi kasi nito na isang linggo ang conference na magaganap sa Cebu, kaya't kinailangan nitong magdala ng extra clothes.

"I will go inside, Babe. Take care of yourself, okay?" malambing na turan ni Tyron bago niyakap ng sobrang higpit si Amara.

"I will miss you, Babe." sagot naman nito bago niyakap din ng mahigpit ang kanyang asawa.

"Me too Babe, I miss you already." saad ni Tyron bago humiwalay sa pagkakayakap sa dalaga. "Just get yourself busy while I'm not around. I love you." dagdag pa nito bago hinalikan ang kanyang asawa ng sobrang tamis.

"S-sige na, baka malate ka pa sa flight mo." natatawang wika ni Amara sa pagitan ng kanilang mga halik.

Mabilis namang humiwalay si Tyron rito bago nagsalita nang, "H'wag na kaya ako tumuloy? Hindi kita kayang iwan eh." nakangising usal nito habang nakayakap ang mga braso sa bewang ng dalaga.

"Hahaha! Loko, sige na. I love you." ani Amara bago tumingkayad para gawaran muli ng halik ang kanyang asawa sa labi.

"Alright, bye Babe. I love you." wika nito bago naglakad patungo sa glass door ng departure area. Bago pa man tuluyang makapasok sa loob si Tyron, ay mabilis nitong nilingong muli si Amara bago nakangiting kumaway rito, tanda ng pamamaalam sa kanyang asawa.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon