Chapter 5
Matapos ang tatlong araw na pagbabakasyon ng Pamilya Anderson sa Batangas, bumalik na ulit sa kani-kanilang normal na gawin ang mag-asawang Tyron at Amara. Ganoon na rin ang kanilang mga anak na kakahatid lang ni Amara sa eskwelahan.
Nagmamaneho na ngayon si Amara papunta sa kanyang Bake Shop na pinangalanang Three Ty's Pastelerya. "Haaayyy... Nakakaantok naman ang araw na 'to." walang gana niyang sambit sa hangin saka isinandal ang kanyang likod sa driver's seat.
Naghihintay si Amara na umusad ang mga sasakyan sa kanyang harapan dahil naabutan sila nang red sign ng stop light. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakaton ay biglang may malakas na impact ang sumalpok sa likurang bahagi nang kanyang sasakyan.
Mabuti na lang at naka-seatbelt ang dalaga kaya hindi nangudngod ang kanyang mukha sa harapan nang windshield, "What the?!" singhal ni Amara saka napahawak sa kanyang sentido.
Mabilis siyang bumaba ng kotse saka tumakbo patungo sa likod na bahagi nito, para makita na rin kung gaano kalaki ang damage na naidulot nang impact na iyon sa kanyang sasakyan.
"Shoot!" iritable niyang anas habang tinitingnan ang tail light at rear fog light nang kanyang sasakyan na nabasag. Bahagya rin nayupi ang likod na bahagi nang kanyang sasakyan kaya't mas lalong uminit ang ulo ni Amara dahil dito.
Bigla namang napabaling ang dalaga sa kanyang likuran nang marinig niya ang boses na nanggaling doon, "Miss are you okay?" punong-puno nang pag-aalalang sambit nito at saka lang ito nilingon ni Amara.
"Do you think this is oka..." hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang makita ang itsura ng lalaking kausap niya ngayon.
Matangkad ito at medyo maputla ang balat, katamtaman lang ang laki nang pangangatawan at muka itong modelo dahil sa tindig ng binata na hindi pangkaraniwan.
"Miss..." anito at iwinagayway pa ang kamay sa mukha ni Amara dahil sa kanyang pagkakatulala.
Napakurap-kurap naman ang dalaga sa iminustra nito bago nagsalita, "I'm sorry, ano nga ulit 'yung sinasabi mo?" wala sa sariling sambit ni Amara habang nakakunot ang kanyang noo.
"Ahmm, about your car... Here's my calling card," saka iniabot kay Amara ang isang tarheta. "Tawagan mo ako para mapag-usapan natin kung paano ang payments na gagawin sa damage ng kotse mo. I'm really really sorry miss, nagmamadali lang talaga ako."
Hindi naman alam ni Amara kung paano magrereact sa binata dahil sa bilis ng pananalita nito. Naramdaman na lang niya na kusang iniabot ng binata ang calling card nito sa kanyang kamay saka nagpaalam muli,
"I'm really sorry miss, tawagan mo na lang ako." At nang akmang tatalikod na ito ay saka lang nakapagsalita si Amara.
"Gano'n-ganoon lang 'yung mister..." pambibitin niya rito saka binasa ang tarheta. "Mr. Cabrero?" nanlalaki ang mga matang saad niya rito, na dahilan para muli siyang balingan ng binata.
"What do you mean?"
"Anong what do you mean? Paano ako makakasigurado na hindi peke ang calling card na ibinigay mo sa akin?" pagtataray niya rito saka hinalukipkipan ng mga braso.
Bahagyang napatawa naman ang binata sa itsura ni Amara ngayon, kaya muli itong nagsalita, "Look Miss, hindi kita tatakbuhan okay? Totoo 'yang calling card na ibinigay ko sayo at nakalagay diyan kung saan ang address nang business ko. Pero para mas makasigurado ka, just give me your number para matawagan kita." matipunong usal ng binata saka pilit inaabot kay Amara ang cellphone nito.

YOU ARE READING
My First and Last Crush ✔️
Romance(COMPLETED) Sequel of TYMARA's Love Story. Book 1: Crush at First Sight (Completed) Book 2: My First and Last Crush (Completed) Hanggang saan mo kayang magtiis, alang-alang sa kapakanan ng iyong pamilya? ⚠️Note: Do not read this story, if you ha...