MFALC Chapter 13: Forgiven

18K 629 57
                                    

Chapter 13


Kinabukasan, nagising si Amara nang maramdaman niya ang mainit na hangin na humahalik sa kanyang leeg. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, para maisaayos ang paningin sa liwanag na diretsong tumatama sa kanyang mukha.

Pilit pinalinaw ng dalaga ang kanyang paningin hanggang sa ito'y tuluyan nang makamulat. Ramdam niya na may mabigat na bagay na nakadaghan sa kanyang tiyan at mga hita kaya mabilis niyang binalingan ito. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita ang gwapong mukha ng kanyang asawang si Tyron, na mahimbing na natutulog habang mahigpit na nakayapos sa kanyang katawan.

Dahan-dahang iniaalis ni Amara ang braso nito na nakadagan sa kanyang tiyan, ngunit sa tuwing tatangkain niyang gawin iyon ay mas lalo lang humihigpit ang pagkakayapos nito sa kanya bewang.

"Haaaayyy..." buntong hininga ng dalaga bago tumingin sa kisame para makapag-isip.

Lingid sa kaalaman ni Amara, ay lihim na palang pinagmamasdan ni Tyron ang kanyang magandang mukha. Napangiti ito ng palihim dahil hindi nangahas ang dalaga na tanggalin ang kanyang braso na nakayapos sa tiyan nito.

Nagkunwari pa si Tyron na magtulug-tulugan, para maging malaya ang sarili sa pagsiksik ng kanyang mukha sa leeg ng kanyang asawa. Sinadya pa niyang gawaran ng mumunting mga halik ang leeg nito para makita kung galit pa ito sa kanya.

"Hmmm..." mahimig na tinig ang tanging kumawala sa lalamunan ni Amara, kaya't agad naman itong sinamantala ng binata.

Nagpatuloy si Tyron sa paggawad ng mumunting mga halik sa leeg ng dalaga, nakita niya na nasisiyahan ito sa kanyang ginagawa kaya't mas pinagbuti pa niya ang paghagod sa leeg nito gamit ang kanyang mga labi.

"Oohhh..." ungol ni Amara dahil ramdam niya ang mainit na palad ni Tyron na humahaplos sa kanyang balat, hindi niya namalayan na mabilis na palang naipasok ng binata ang kamay nito sa loob ng kanyang puting kamison kaya't malayang-malaya ito sa paghagod ng kanyang tiyan.

Mas lalo pang napasinghap si Amara nang umangat ang kamay ni Tyron sa kanyang kaliwang dibdib. Ramdam niya ang mainit na palad nito na patuloy sa paglalaro nang tuktok ng kanyang bulubundukin, kaya naman napapikit na lang ang dalaga ng mariin para labanan ang namumuong init sa kanyang sistema.

"Babe..." namamaos na bulong ni Tyron sa kanyang punong tenga, na dahilan para magtaasan lahat ng balahibo niya't mapabalik sa kanyang katinuan.

Mabilis na iniahon ni Amara ang kanyang sarili sa pagkakahiga bago nagpasyang bumangon na nang tuluyan sa kanilang kama. Ngunit nang tangkain niyang tumayo ay mabilis siyang hinablot ni Tyron dahilan para mapasigaw ang dalaga ng husto.

"Ahhh!" buong lakas ng sigaw ni Amara at naramdaman na lang niya na napaupo siyang muli ngunit sa pagkakataong iyon ay sa kandungan na ng binata, bago mahigpit na ipinulupot ni Tyron ang mga braso nito sa kanyang katawan. "T-Tyron ano ba." inis na saad pa niya rito habang pilit na kumakawala sa mga bisig nito.

Hindi naman agad sumagot ang binata, bagkus ay mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanyang asawa bago ipinatong ang kanyang baba sa kanang balikat ni Amara,

"Babe... Hear me out first, pretty please." malungkot na usal ng binata habang mahigpit na nakayakap sa nagpupumiglas niyang asawa. "I miss you." malambing na dagdag pa nito.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon