MFALC Chapter 24: Mending

13.9K 510 102
                                    

Chapter 24


Nang marating ni Tyron ang kanilang tahanan ay mabilis itong pumasok sa loob at nagmamadaling dumiretso paakyat sa kanilang silid. "Babe!" tawag ng binata nang buksan niya ang pintuan.

Kinabahan si Tyron dahil hindi niya nasilayan ang kanyang asawa roon. Kaya't mabilis niyang ginalugad ang bawat sulok ng kanilang silid, sa pagbabaka-sakaling makita si Amara roon.

Bagsak ang balikat na napaupo ang binata sa kanilang kama, bago sinubukang tawagang muli ang dalaga. Sa pagkakataong iyon ay mabilis itong sinagot ni Amara, ngunit walang narinig na kahit anong salita si Tyron mula rito.

"B-babe..." alanganin niyang bungad kay Amara, dahil pinapakiramdaman niya ang timpla nito ngayon.

"Hmmm..." tanging sagot ng dalaga kaya napaiyak ng todo si Tyron nang marinig ang malambing na tinig na iyon ng kanyang asawa.

"B-babe... Where are you? Nandito na ako sa bahay, gusto kita makita please. Hayaan mo akong magpaliwanag, walang nangyari sa amin ni Cassie..." sunod-sunod na turan ni Tyron habang lumuluha. Hindi na niya naituloy ang kanyang mga sasabihin dahil mabilis siyang sinagot ng dalaga nang,

"I'm here at Tyarra's room." mahinang sambit ni Amara sa kabilang linya bago nito pinutol ang linya.

Nagmamadali namang tinungo ni Tyron ang silid ng kanyang anak at nabungadan nga niya roon ang kanyang asawa na nakaupo sa tabi ng higaan ng natutulog nilang anak.

Walang ganang nilingon naman siya ni Amara nang maramdaman nito ang kanyang presensya, bago muling ibinalik ang atensyon sa paghaplos ng buhok ng batang si Tyarra.

Alanganing lumakad naman papalapit dito si Tyron bago huminto sa gilid ng kama sabay sabing, "B-babe... Can we talk?" usal niya sa kanyang asawa habang matamang tinitingnan ito. "There's nothing going on between me and Cassie. Hindi ko alam na nando'n..." hindi na naituloy ni Tyron ang kanyang sasabihin nang bigla siyang balingan nito.

"Do we still need to talk about it, Tyron? Hindi ka pa ba nagsasawang mag-explain sa akin?" mataray na saad nito bago tumayo sa kanyang pagkakaupo para talikuran ang kanyang asawa. "Kasi ako sawang-sawa na ako sa mga paliwanag mo." dagdag pa nito bago muling balingan ang binata.

Mabilis namang lumapit dito si Tyron bago hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga, "Babe... Naaalala mo ba, I promise you that I will never hurt you anymore. Kaya maniwala ka naman sa akin please. Walang nangyari sa amin ni Cassie, hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa kwarto ko." lumuluhang turan ng binata habang pilit hinuhuli ang paningin ng kanyang asawa.

Tinapunan naman ito ni Amara ng masamang tingin at biglang nanlambot ang kanyang puso, dahil kitang-kita niya sa mga mata ni Tyron ang paghihirap, paghihirap dahil sa pagsisisi at pagsusumamo nito.

Hindi na namalayan ni Amara na biglang lumuluha na rin pala siya, dahil sa kanyang nasisilayang sakit mula sa binata, "Tyron... Hangga't maaari ayokong pagdudahan ka, pero kitang-kita ng mga mata ko sa video kung paano ka pinaghahalikan ni Cassie. Kaya paano mo ako mapapaniwala na wala kang ginawang kasalanan, kung alam naman natin na dalawa lang kayo ng babaeng 'yon sa kwarto mo?" humahagulgol na saad nito bago pwersahang binawi ang kanyang mga kamay rito.

Mabilis lumakad papalabas ng kwarto ni Tyarra si Amara para dumiretso sa kanilang sariling silid. Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang maleta, para isilid doon ang kanyang mga damit.

My First and Last Crush ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon