Best Friends

26.1K 325 20
                                    

A/N
  Do you believe in love? In destiny? Fall in love with Ahrkhei and Deejay as they go through the journey that will lead them to happy-ever-after.

  This is the 3rd in a collaboration series of 12 books. Every book is a stand-alone. The only point of connection is the Party of Destiny, where each character was an attendee.

  This is my first Reader's Choice seal. Medyo malalim kasi ang pinaghugutan, kaya buhay na buhay ang emotion. Seriously, I hate cheaters 🤣, but I do love Ahrkhei. 😉 😍

  Enjoy reading, guyz. And don't forget to hit the vote! 😘

🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋

Chapter One

NAKAPANGALUMBABA si Deejay habang pinanonood si Gelo na palakad-lakad sa harapan niya. Kung hindi lang niya ito kilala mula pa noong mga batang paslit pa sila ay pagdududahan niya ang pagkalalaki nito.

"Ano'ng problema, Gelo? C'mon, nahihilo na ako sa'yo."

"Remember Cherry?"

"Yyup. How can I forget her? Your first love, right? Napano?"

"She keeps on talking about this guy named Karlo."

"So? I keep on talking about you, too." Ibinagsak niya ang katawan sa mahabang couch sa sala. Cherry again!

"She said she likes him."

"Oh, I like you, too."

"Deejay!"

"What?"

"Seryosong usapan 'to." Umupo ito sa tapat niya. "Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Cherry."

"Alam ko, pero alam rin ba n'ya? Hindi naman ako si Cherry, pero bakit sa akin ka lagi nagtatapat ng undying love mo para sa kanya? 'Di ka pa ba tapos mag-practice?"

"I can't tell her."

"Why not?"

"Paano kung kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin? What if-"

"Hindi mo malalaman hanggang hindi mo sinusubukan. You are wasting precious time. Kung noon mo pa ginawa 'yan, noon ka pa sana may jowa at hindi ka dito tumatambay 'pag ganitong weekends."

"Nagsasawa ka na ba sa akin?"

"You know I love you, but you're kinda annoying, seriously!"

"Ano'ng gagawin ko?"

Bumangon siya at tinitigan ito nang diretso sa mga mata. "Wala ka bang naintindihan sa sinasabi ko sa'yo for the last two years? Paulit-ulit na lang, Gelo. Akala ko ba Cum Laude ka? Nakakabaog ka na, ha! Paano ka magkaka-gf kung ganyan ka? Promise me na sa Lunes ay magtatapat ka na kay Cherry, or else ako na ang gagawa n'on!"

"Okay, I promise."

"Good. Now mag-order ka na ng pizza 'cause I'm starving."

Ganoon sila ni Gelo. Daig pa nila ang tunay na magkapatid kung mag-away. Pero mahal niya ito. Ito kasi ang tagapagtanggol niya sa mga bully sa paaralan noong kamukha pa n'ya si Bugs Bunny dahil sa malalaking ngipin n'ya at sa mahahaba at payatot n'yang binti at braso.

Ang Tita Rosanna nito na matandang dalaga ang tumayong guardian niya mula nang mag-migrate ang Mommy n'ya sa Amerika noong nakaraang taon.

Matanda si Gelo sa kanya ng dalawang taon. Mula nang magtapos ito sa kolehiyo ay nakapasok na ito bilang chemist sa isang kilalang pharmaceutical company. Dito nito nakilala si Cherry, ang nag-iisang babae na nagpatibok sa pihikang puso nito.

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Where stories live. Discover now