Pictorial

8K 203 10
                                    


NAPAPAYAG din ni Arhkei si Deejay na magpakuha ng ilang shots sa loob ng studio nito. Makalipas pa ang higit kalahating oras ay nagbibiyahe na sila papunta sa isang private cemetery.

“Why here?” Tanong ulit ng lalaki. “I’m just curious.”

“Dito kami laging nagtatambay ng best friend ko. I find the place so peaceful and perfect.”

“Peaceful, yeah, since patay lahat ang nandito. But perfect?” Natawa ito. “Anyway, a beautiful face like yours would look perfect anywhere.”

Umakyat yata lahat ng dugo sa mukha niya dahil sa papuri na iyon.

Matapos mai-set up ng assistant nito ang mga kakailanganin nila ay pinababa na siya nito sa SUV na dala nito.

She was wearing a black tube dress na hanggang tuhod lang ang haba. Hapit ito sa bawat kurba ng katawan niya. Ang maputing hita niya ay lumitaw mula sa slit sa gilid.

“Stand right there... Tagilid ka nang kaunti. Taas nang kaunti ang mukha. Kaunti pa.” Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang baba niya. “Like this, baby.”

Napigil niya ang paghinga niya nang maramdaman ang hininga nito sa pisngi niya.

“Relax. Mukha kang nagle-labor.”

Inis na sinulyapan niya ito. Nagulat pa siya sa kislap ng camera. “Hey!” Patuloy sa pagkislap ang camera. “Pwedeng lumayo ka nang kaunti? Sobrang close up naman 'yan.”

“I'm the photographer, remember? I know what I'm doing. All you have to do is project in front of the camera.”

Pagkatapos ng tantiya niya ay ilang dosenang shots, pinagpalit siya nito ng damit.“Saan ka pupunta?”

“Sa banyo.”

“Pagbalik mo dito ay pawisan ka na. Masisira ang make-up mo.”

“Saan pala ako magbibihis?”

“Sa loob ng van.” Nang akmang magpo-protesta siya ay dinugtungan nito ang sinabi. “We see semi-naked women all the time. It's part of our job. Sawa na kami sa ganyan. So don't worry, hindi ka namin sisilipan.” Tinalikuran na siya nito.

“Nude photos ba?”

  Nag-playback ang sinabi ni Virus noon sa isip niya. Inis na pumasok siya sa loob ng sasakyan.

Ang sumunod na outfit niya ay puting gown na almost see through ang tela. Tapyas-tapyas ang layered na laylayan nito at tirante lang ang straps. Nang hilahin niya ang zipper nito sa likod ay nag-stuck up iyon. Natakot siya na baka masira niya ang manipis na tela kaya itinigil niya ang paghila. Sumilip siya sa pinto ng van.

Lumingon si Ahrkhei sa kinaroroonan niya. “Done?”

“Sumabit yata ang tela. Hindi ko maisara ang zipper,” alanganing sagot niya.

“Let me do it. Alam kong may utang akong gown sa ‘yo, pero huwag mo namang sirain ‘yan.”

Nilapitan siya ng lalaki. Nang lumapat ang mga daliri nito sa damit ay pinigil niya ang paghinga. “Naipit ang tela.” Hinila nito ang zipper pababa, pero ayaw din. “Wait.” Sa pakikipagbuno nito sa zipper at tela ay hindi naiwasan na mapadikit na naman ang mga daliri nito sa balat niya.

Naibuga niya ang inipong hangin. “Iba na lang kaya ang suotin ko?”

“I like this one.” Isa pang hila nito ay naayos din nito iyon sa wakas. Ang palad nito ay lumapat sa likod niya para ayusin ang nagusot na tela. Tumagos ang init ng kamay nito sa manipis na lining ng suot niyang damit. “There. Okay na.”

Am I seducing him or he is the one seducing me? Which is which? Talo yata ako sa larong ito.

Pinatayo siya ni Ahrkhei sa ilalim ng malaking puno. Ang mga tuyong dahon nito ay nagkalat sa bermuda grass.

“Take off your shoes.” Nilapitan s'ya ng lalaki. Nagulat siya nang iangat nito ang big curls niya at inipit sa malaking pin sa buhok niya. Ang ilang hibla ay muling bumagsak sa balikat niya. “You look like a fairy.”

Napakislot s'ya nang haplusin nito ang pisngi niya. Bumaba pa ang mga daliri nito sa leeg niya. Gumapang ang kilabot sa katawan niya. Napalunok siya kasabay ng paghugot naman ng lalaki ng malalim na paghinga.

“So enchanting.”

Tumikhim siya at dahan-dahang inilayo ang sarili mula dito, bago pa nila parehong makalimutan na bukod sa daan-daang puntod sa paligid, may isang buhay na nilalang na nakatanghod sa kanilang dalawa ngayon.

Umatras si Ahrkhei at sinimulang i-focus ang lens ng camera nito. “Raise your hands in the air, like you're catching raindrops. Good. Look up.” Panay ang kislap ng camera nito. “Brush your fingers through your hair...Perfect! Now turn around. Lingon sa kaliwa. Now walk... ‘Know what? You are a supermodel in the making.”

Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay, bagay na hindi nakaligtas sa camera nito. Hindi na siya magtataka kung isang dosena ang babae nito. Bukod kasi sa looks ay very much talented pa ito sa larangan ng flirting. Poor Cherry!

Nakatatlong palit pa siya ng damit at ilang palit ng view bago nagpasyang magligpit ng mga ito.  Malapit nang magdilim sa paligid nang lumabas sila ng sementeryo.
Pagbalik nila sa studio, tinanong niya ang clerk nito. “Magkano ang babayaran ko?”

Si Ahrkhei ang sumagot. “Saka ka na magbayad, kapag tapos na. Give me two days, then balik ka dito para piliin ang mga gusto mong ipalaki. Just fill up this form completely, please.” Iniabot nito ang isang papel sa kanya. “And write your complete name, if you don’t mind.”

Habang sinasagutan niya ang form ay napapataas ang isang kilay niya. “Kailangan talagang ilagay ang address?” tanong niya dito.

“Para alam namin kung saan ide-deliver ang frames mo.”

“Kukunin ko na lang dito.”

“Okay.” He shrugged his shoulders. “Ilagay mo ang contact number mo para matawagan ka namin kung may problema.”

So, hindi isi-nave ng lalaki ang numero niya. Para siyang tanga na hintay nang hintay sa tawag ng surot na ito!

Bombahan kaya kita ng insecticide?

Pangalan ng ate niyang si Denice Joyce at ang middle name nilang "Roque" ang inilagay niya doon. Hindi siya dapat ma-trace ng lalaking ito pagkatapos ng mission niya dito. Paglabas niya ng studio, nakatanggap s'ya ng text mula dito.

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz