Last Shot

7.7K 216 12
                                    

Chapter Eleven

MAKALIPAS ang apat na buwan ay nagbalik si Deejay sa Pilipinas dahil sa isang okasyon na hindi niya matanggihan. Ikakasal na ang dating boss niya na matandang bruha. Imagine that? Nakahabol pa ito sa huling biyahe. Akalain ba niyang may jowa pala ito? Ang mas malaking tanong ay paanong nakatagal ang jowa nito?

Dahil sa sobrang kasungitan ni Matilda Mendoza ay wala tuloy itong maituring na totoong kaibigan. Kaya ang entourage nito ay binubuo ng mga kasamahan nito sa trabaho. Isa siya sa kinuha nito para maging bridesmaid.

Hindi rin siya makapaniwala ngayon na ang nabingwit ng babae ay isang mayamang biyudo na may isang anak na babae. Sa malawak na hardin mismo ng mala-mansion nitong tahanan gaganapin ang kasal at reception.

Dahil matanda na ito, ang napili nitong motif ay pang-matanda din- kulay lumot. Ang gown ng mga abay ay simple lang ang yari. Gawa iyon sa silk, tube ang bodice at hapit sa katawan. Mula sa balakang ay pa-balloon na ito at may haba na hanggang itaas lamang ng tuhod.

Niyuko ni Deejay ang sarili. Nakulangan yata sa sukat ang gown niya kaya lumitaw ang mahahabang binti niya. Hawak ang long stemmed white rose, kumapit na siya sa kanyang partner at humakbang na sila sa mahabang aisle na sinabugan ng white petals papunta sa harap ng makeshift altar.

Nang mapatingin siya sa unahan ay nasalubong niya ng tingin ang isang lalaki na titig na titig sa kanya. Nakatayo ito sa tabi ng groom.

Holy shit!

Nobody told her na si Ahrkhei ang best man sa kasalan na ito. Bakit ba hindi niya nakita ang pangalan nito sa invitation? Nanlambot ang mga tuhod niya. Kung hindi pa siya nakakapit nang mahigpit sa lalaking katabi niya ay baka tuluyan na siyang bumagsak.

Nag-iwas siya ng tingin. Hanggang sa makarating siya sa harap ay ramdam niya ang mga mata ng lalaki na nakatitig sa kanya. Hanggang sa matapos ang seremonyas ay panay pa rin ang sulyap nito sa kanya, as if trying to catch her gaze again. Nanatiling diretso ang tingin niya sa mga ikinakasal.

Naglaro pa muli ang tadhana. Akalain mong sa dami ng mesa sa malawak na lawn na iyon ay doon pa siya napabilang sa kinaroroonan ng best man at maid of honor? She tried to ignore the stinging bite of jealousy. Sa buong duration ng reception ay hindi hiniwalayan ni Ahrkhei ang babae. The way he held the woman's hips made her heart weep. She used to be in that woman's place. She used to feel Ahrkhei's protective arms around her.

Sinabi ng dating kasamahan niyang si Leila na nanggaling si Ahrkhei sa hospital noon at natuklasan na nito ang lahat tungkol sa totoong pagkatao niya. Pinilit siya ni Gelo noon na umuwi, para harapin ang lalaki, pero natakot siya. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag kay Ahrkhei sa paraang maiintindihan nito kung bakit niya nagawa iyon. Lalo pa't natuklasan na nito ang lahat ng kasinungalingan niya.

"So, you are Deejay, right? Sorry, hindi ka kasi nakapag-attend ng rehearsals. I'm Monica, the only daughter of the groom," pagpapakilala ng maid of honor.
The woman had a genuine friendly smile on her lovely face.

"Oh. Hi," tipid na sagot niya dito. Saglit na nagtama ang mga mata nila ni Ahrkhei nang sulyapan siya nito.

"Tita Matilda said, you were her best employee. It was such unfortunate that you left them so suddenly."

She seemed nice. Maybe this woman was really good enough to be with Ahrkhei. Maybe she deserved him a lot better.

"Maybe she's on the run," komento ni Ahrkhei na ikinalingon ng babae dito.

"What do you mean?"

Ahrkhei shrugged his shoulders like the way he used to do. "You said she left suddenly. Baka may pinagtataguan siya." Tinignan siya ni Ahrkhei nang diretso, pero blanko ang ekspresyon ng mukha nito. "Or maybe, true love struck her, and she just decided to run away with the man. Love makes you unpredictable, you know."

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Where stories live. Discover now