The Choice

7.2K 181 17
                                    

Chapter Eight

DALAWANG araw na ang lumipas, hindi pa rin nagpapakita ulit si Ahrkhei. Nag-aalala na sina Deejay at Gelo. They had reached this far, tapos ay mauuwi lang din sa wala?

Ang kaba nila ay nagkaroon ng basehan. Pag-uwi ni Gelo nang gabing iyon ay lugung-lugo ito sa ibinalita nito sa kanya.

“She's engaged. Karlo already proposed to her.”

“What? Sinabi niya ‘yan sa ‘yo?”

“No. Narinig ko lang sa mga kasamahan namin.”

“Imposible 'yon. Baka nagkamali ka lang ng dinig.”

“I saw the ring.”

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang mga sandaling iyon.
Awa ba para kay Cherry, dahil wala itong malay kung anong klaseng manloloko ang mapapangasawa nito? Pakikiramay ba kay Gelo, dahil sa malaking kabiguan nito? O ang pagkabigla, dahil sa matinding kirot na nararamdaman niya sa puso niya dahil sa nalaman?

She had lost the battle. Hindi na lang pride niya ang pinag-uusapan dito ngayon. She could feel the sharp pain deep inside her heart.

Ahrkhei had finally chosen the other woman. Gusto niyang isipin na malaki ang impluwensiya ni Mayreen sa naging desisyon ng binata. Dahil sa totoo lang, before that day, nararamdaman niya na may laban siya kay Cherry. Because of the way Ahrkhei made her feel special when they were together. It was as if he really meant all of it.

  Bakit pa siya ipinakilala ni Ahrkhei sa Mommy nito, kung wala itong balak na seryosohin siya? Bakit hindi na lang si Cherry ang inuwi nito sa Tagaytay? Akala nga niya, nang mga oras na iyon ay nakapili na si Ahrkhei, at siya ang napili nito. Pero nasira ang lahat nang kumontra ang mahal na reyna.

Nanlalambot na napaupo siya sa sofa. Parang may nakabara sa lalamunan niya at hindi siya makahinga. Ayaw man niyang aminin, pero sa loob ng dalawang araw na hindi nagparamdam si Ahrkhei, daig pa niya ang namatayan. Gusto niyang tawagan ang lalaki, pero pinigilan niya ang sarili. Natatakot kasi siya sa maaaring sabihin ng binata sa kanya. At eto na ngayon ang kinatatakutan niya.

She felt like she was torn into a million pieces. Ano ang nangyari? Why was she feeling this way? Ano ang kinalaman niya sa nalalapit na pagpapakasal ni Ahrkhei kay Cherry? Ang dalawang iyon naman talaga ang magnobyo, at saling-pusa lamang siya.

Hindi ba dapat ay si Gelo lamang ang nagluluksa ngayon? But why did she feel like she was dying inside? It was so clear now, she had come to love the guy in a molecular level. Losing him now caused every particle in her body to fall apart.

“We have to do something, Deejay. Kung hindi ka nagtagumpay na agawin si Ahrkhei kay Cherry, then we have to do a drastic move.”

“Ano ang gagawin ko?” She wanted to laugh and cry at the same time. Deep inside her, umasa siya sa isang malaking kabaliwan.

How could she fall for a cheater? Hindi ba malaking katangahan ang tawag doon? Inililigtas nga niya si Cherry mula sa lalaki, ngayon ay nagpabiktima rin siya dito.

Ang tanong... Kung nagkataon na siya ang pinili ni Ahrkhei at binitawan nito nang tuluyan si Cherry, matatanggap ba niya ito? Kaya ba niyang magtiwala sa isang katulad nito na manloloko? Oo nga't babaero at manloloko ito, pero kung siya ba ang pipiliin nito, patatawarin ba niya ito at kalilimutan na lang ang lahat? After all, nauna naman si Cherry sa kanya. At lalabas na siya pa ang magaling na mang-aagaw.

“Kailangang sabihin mo kay Cherry ang tungkol sa inyong dalawa ni Ahrkhei.”

Humugot siya ng malalim na hininga. Kaya ba niyang harapin ang babaeng karibal niya sa lalaking minamahal? Kung noong karibal pa lang niya ito sa atensyon ni Gelo ay hindi na siya interesadong makilala ito, ngayon ay hindi na niya talaga gustong makita man lang ang babae.

“Iyon na lang ang paraan. Para si Cherry na mismo ang humiwalay sa lalaking 'yon.”

“Both Cherry and Ahrkhei would hate me forever. Paano mo maaatim na kamuhian ako ng babaeng mahal mo? We are best friends, Gelo.”

“Hindi naman niya kailangang malaman ‘yon ngayon. In time ay mapapatawad ka rin niya. Iisipin niya na biktima lang kayo pareho.”

Napabuntonghininga siya sa itinatakbo ng sitwasyon. Tama ba ang ginawa nila ni Gelo sa panunubok sa relasyon ng dalawang iyon? It was all so complicated now. Hindi na biro ito. They were engaged!

  “Paano pala kung nakahanda naman si Cherry na patawarin at tanggapin ulit si Karlo, sa kabila ng pagiging two-timer nito? Love conquers all, kahit gaano pa kabigat iyon.”

“Well, in that case, siguro ay sila nga talaga ang para sa isa't-isa. Wala na tayong magagawa doon. But at least, we have tried our best.”

💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

INABANGAN ni Deejay si Cherry sa paglabas nito galing sa trabaho. Huminga siya nang malalim bago niya ito nilapitan. Hindi kataka-takang mabighani sina Gelo at Ahrkhei sa babae, dahil bukod sa maganda ay sexy pa ito.

“Are you Cherry?” lakas-loob na tanong niya dito. Kailangang ipakita niya na mas malakas siya dito. She had to play confident para paniwalaan siya ng babae.

“Yes. Do I know you?” takang tanong ng babae.

“I'm Karlo's girlfriend.”

Tumaas ang mga kilay ng babae. “I beg your pardon?” mataray na sabi nito.

“We met at the Party of Destiny. And we've been dating since then.”

Natawa nang nakakaloko ang babae. “You must be joking. I am Karlo's fiancee.” Buong pagmamalaking itinaas nito ang daliri na may suot na engagement ring. “And we’ve been together even before that stupid party happened.”

In that moment ay gusto na niyang umatras at tumakbo. So it was true! Ahrkhei proposed to this effing tigress! Ito ba ang babaeng gusto ni Mrs. Mayreen Salvador para sa anak nito? She was definitely more decent than this woman!

“A ring on your finger.” Tumango-tango siya. “Napakadali lang tanggalin ‘yan, and then the engagement will be considered off. That easy, Cherry. So don't be so sure about it. Hindi panghihinayangan ni Karlo ang halagang ipinambili niya sa singsing na 'yan, as long as patuloy ka niyang magagamit to let off steam. And do you know exactly why he has to do that? Dahil hindi niya iyon makuha sa akin. See? I have something that you don't have.”

Humugot ng malalim na hininga ang babae. Namutla ito sa sinabi niya. She obviously hit something.

“He already introduced me to his Mom. We spent the last weekend in their ancestral house in Tagaytay. That's why I was devastated nang matuklasan ko ang tungkol sa iyo. I'm really trying to understand why he's been doing this to me. I know he is a man. May mga pangangailangan siya at kahinaan. But I thought our set up was okay, na walang sex hanggang hindi kami ikinakasal. He could have told me na hindi niya kaya na walang ganoon. I could have given myself to him.”

Umiling si Cherry. Sunod-sunod ang buga nito ng hangin. “Hindi totoo 'yan! Hindi magagawa ni Karlo sa akin 'yon.” Tumulo ang luha ng dalaga.

She felt genuine pity for her. Hindi niya ito gustong saktan nang diretsahan. But she just couldn't stop now. Hindi nga ba't ito ang puno't-dulo ng mission niya? Ang iligtas ito mula kay Karlo. Cherry deserved someone better. Gelo could love her much better.

“Iyan din ang akala ko. But, there you are. No wonder na ayaw niya akong isama sa out of town projects siya, because all the while, he was with you.”

“No. Imposible ang sinasabi mo.”

“How can it be impossible? Kasama mo ba si Karlo sa lahat ng oras? Nasaan siya kapag wala siya sa tabi mo? Nasaan siya noong buong araw ng Sabado hanggang Linggo? He was with me in Tagaytay, Cherry! Anong kasinungalingan ang paalam niya sa ‘yo?”

Doon na napahagulhol ng iyak ang dalaga. Tumakbo ito palayo sa kanya.

Nang maiwan siya mag-isa ay hindi rin niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. Hindi siya dapat pumayag sa plano na ito. Now she just had her first major brokenheart. And unlike Cherry na may isang Gelo na tatakbuhan, siya ay ano?

  Say hello to one galloon of coffee crumble icecream, Deejay!

  💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Where stories live. Discover now