Backseat

8K 211 9
                                    

Chapter Five

NAKULTA na naman ang pag-iisip ni Deejay sa pangungulit ni Gelo.
"Pilitin mo siya na isama ka sa Puerto Galera."

"Naman, Gelo! Ano ang magagawa ko kung si Cherry talaga ang gusto niyang isama sa out of town project n'ya?"

"Marami!"

"Ako ba, eh talagang gusto mong mapariwara? Akala ko ba best friend kita?"

"No, no, no! Deejay, I wasn't referring to that! I just know kung gaano kabagsik ang convincing power mo, bakit si Karlo lang ay hindi mo mapasunod?"

"Well, because si Karlo ay hindi uto-utong katulad mo." Dinampot niya ang cellphone at idinial ang numero ng heartthrob.

"Hello," sagot nito matapos ang maraming ring. Sa paraan ng paghinga nito ay halatang kagagaling lang nito sa isang makapugtong-hiningang aktibidades at hindi pa ito tuluyang nakakabalik sa reyalidad. Napakagat siya sa hintuturo niya.

"Ahmm, did I... Did I interrupt something?"

"No, baby. It's okay. Katatapos lang namin. Ahm, just a second, I need to catch my breath."

And then, mother of all holy cows! May boses ng babae na nangibabaw sa background.
"Honey, come back here! I'm not done with you yet!"

Naitakip niya ang palad sa bibig n'ya. No wonder wala s'yang panama sa Cherry na 'to. Para pala itong tigre pagdating sa kama.
Mabilis niyang pinutol ang linya at nilingon si Gelo na kunot-noong nanonood sa kanya.

"What?"

"'Di ba pwedeng humanap ka na lang ng ibang mamahalin? Baka hindi mo kayanin ang Cherry na 'yon, friend!"

"Bakit?" Dinukot nito ang cellphone, pumindot-pindot doon at itinapat iyon sa tainga nito.

"Ano'ng ginagawa mo?" Nanlaki ang mga mata niya.

"I'm calling her."

"Huwag, bakla!" Inagaw niya ang cellphone nito. Just in time para marinig niya ang recorded message prompt para sa voice mailbox ng babae. Pinindot niya ang end button at hinarap ang kaibigan. "Do you know how awkward it is na makaistorbo ka sa isang napakainit na-"

"Stop! I can't take this anymore, Deejay."

Napangiwi siya at tumango. "I promise, gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang holiday spree ng dalawang iyon."

********************************

WALANG tigil ang kakukulit ni Deejay kay Ahrkhei sa telepono."Saan ka sa long weekend?"

"Babe, 'di uso sa aming photographers ang holidays and weekends. In fact, 'yon ang busiest days namin."

"I see... So, saan ka nga this coming Friday n'yan?"

Saglit itong nanahimik bago sumagot. "May photo shoot kami na gagawin sa Puerto Galera."

"Wow!" Kunwari ay nagulat pa siya sa sinabi ng binata, when in fact ay dalawang araw na nila pinoproblema ni Gelo kung paano mai-intercept ang lakad na 'yon.

"Candidate sa beauty pageant ang kliyente namin. Gusto niyang i-post sa lahat ng klase ng social networks ang pictures n'ya, to gain popularity and media support."

"Ows? Galing naman! 'Di pa ako nakakita ng actual pictorial ng mga celebrities."

"Wannabe pa lang iyon, babe. Mas maganda ka pa nga d'on, at wala namang pinagkaiba iyon doon sa ginawa natin dati, except the location, of course." Natawa pa ito sa ka-wierdohan niya.

"Ibig sabihin, you will also dine out with her after the session," she said pointedly.

"That's part of the package. Kasama ang food, accommodation and fare sa babayaran niya."

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Onde histórias criam vida. Descubra agora