Landscape

9.3K 227 4
                                    


MINSAN pa ay inangkin ni Ahrkhei ang mga labi ni Deejay, at minsan pa ay ipinadama niya dito kung gaano niya ito kamahal. Pagkatapos ng mainit na sandali ay ibinagsak niya ang sarili sa kama at kinabig niya si Deejay sa dibdib niya.

  "When I first saw you, I knew you’d be trouble. A ball of fire wrapped in the sexiest package I’ve ever glimpsed. And I’ve always known that you would blow my mind the moment I take you,” he said with a sigh. “I used to have a heart, Deejay, but you stole it away.”

“Your heart?” Nilingon siya bigla ng dalaga. Nasa magandang mukha nito ang pagkabigla. “You mean that?”

“Why? Nakakagulat ba ang sinabi ko? I have never lied to you, Deejay, never. I have loved you from the moment I saw you. And even when I found out that you were a big liar, it didn’t help me to forget you. So don’t ever leave me again.” Hinagkan niya ulit ang babae para pawiin ang insecurity sa mukha nito.

“Sinabi ni Gelo ang lahat ng alam niya tungkol sa ‘yo. Mula nang ipinanganak ka, at nang mamatay ang Daddy mo. Ngayon ay alam ko na kung bakit favorite hangout n’yo ang sementeryo.” Kinuha niya ang palad ng dalaga. “Meron akong dapat ipaliwanag sa ‘yo.”

Ikinuwento niya kay Deejay ang history nila ni Karlo. Ipinaliwanag niya dito ang totoong dahilan kung bakit ayaw niya itong isama sa mga lakad niya na kasama si Karlo. Naisip niya na kung noong una pa lang ay nagkaharap na ang dalawa, nalaman sana agad ni Deejay na walang katotohanan ang iniisip nito sa kanya, at hindi na sana sila nauwi sa ganoong misunderstanding.

Hinila niya ang camera sa ilalim ng kama. “I am a landscape photographer, Deejay. Magagandang tanawin lang ang kinukuhanan ko. I don't do pictorials, until you came to the studio. Portrait photography is Karlo’s specialty, back-up niya lang ako. Nasa studio rin siya n'ong araw na iyon, but I just couldn’t let him take your photos.”

  Itinaas niya ang camera sa ere at itinapat iyon sa kanilang dalawa ng dalaga habang magkatabi silang nakahiga sa ibabaw ng malapad na kama.

“What are you doing?” natatawang tanong ni Deejay. Inayos nito ang kumot na nakatakip sa hubad na katawan nito.

“Catching precious moments.” Kumislap ang hawak niyang camera. Nakailang shots pa siya bago niya iyon ibinaba at ipinakita niya kay Deejay ang mga kuha. “You are so beautiful.”

Ang pansin ni Deejay ay wala sa LCD display ng camera. Nakatuon ang mga mata nito sa strap, sa nakasabit na singsing doon. Imposibleng hindi nito iyon mapansin, dahil kumikinang ang malaking diamond sa white gold engagement ring.
Bumangon si Deejay at itinapis nito ang kumot sa katawan nito.

“What’s wrong?”

“Is that your camera?”

  “Yeah. Why?”

  “I think you left something there.”

“You said you love me and you want to be with me.” 

“I do, but—”

“Say that again on our wedding day.”

Nagbuga ng hangin ang dalaga. “Are you proposing to me?”

“Yeah.”

“Seriously?”

“Absolutely. You’re my girlfriend. Can’t I propose to you?”

“You’re in your boxer shorts and I’m practically wearing nothing underneath this sheet, and you’re proposing to me?

He shrugged his shoulders. “I can remove them and propose to you again.” He said naughtily.

“Silly. Can’t we do this over a romantic dinner somewhere?”

“Uh-ah,” umiling siya. “Wala akong balak na lumabas ng bahay na ito. I just got you back and I intend to have you for myself the whole night.”

“I’m starving,” iwas nito.

“Deejay!” Bumangon siya sa kama. “Ipagluluto kita, but you have to say yes first.”

“Wait a minute, sinabi rin ba ni Gelo na allergic ako sa sandok at kaldero?”

“He also told me that you are so moody, unpredictable, fickle-minded, sensitive, and all other synonyms of those words. So if you say yes now, I swear, I’m gonna marry you the soonest time possible.”

Kinuha niya ang singsing at nilapitan ang dalaga. “I know I need to get down on one knee.” Kinindatan niya ito bago lumuhod sa harapan nito. “Marry me, Deejay.”

“You’re not even asking me if I want to. You are actually telling me to marry you. Ganyan ka ba talaga?”

“I’m not really giving you much choice here, babe. It’s either you marry me soon or you marry me later, pero hindi ako papayag na bumalik ka sa Singapore.”

“Paano ang Mommy mo?”

“Wala pa siyang alam sa nangyari. Lagi ka niyang itinatanong, I keep on saying that you’re just fine.”

“Kailangan mong sabihin ang totoo sa kanya. Paano niya matatanggap ang mga kasinungalingan ko?”

“You saved Karlo from the wrong woman, Deejay. Kahapon lang ay nalaman ni Karlo na nagkaanak pala si Cherry at sixteen. Iniwan niya ang bata sa lalaki. Noong maghiwalay sila ni Karlo, sabi niya ay in love siya kay Gelo, pero ang totoo, nakipagbalikan pala siya sa ama ng anak niya. Imagine that? They were engaged, but she never told Karlo about her past.”

Napanganga si Deejay sa narinig. “I can’t believe that.”

“Me, too. Imagine Karlo’s shock when he found out about it.”

“Bakit hindi niya alam? Yeah, sexy at perpekto si Cherry, pero kapag nanganak ang isang babae, something in her body would definitely change.”

“My brother is an idiot, now I’m really certain of that.  Back to us...”

“Paano kung hindi pa rin ako matanggap ng Mommy mo?”

“It’s my life, babe. My life, my choice. And I choose to marry you.”

“Okay.”

“Okay, what? Are you saying yes now?”  

“Yes, I will marry you, pervert!” Lumuhod din ito sa harap niya at hinagkan siya nang mariin sa mga labi.

“Yes! I am so in love with you, lady.” Isinuot niya ang singsing sa daliri nito bago sila sabay na tumayo. “Stay in bed. Just give me a few minutes.”

“Saan ka pupunta?” takang tanong nito.

“I will cook dinner, remember?”

“How about, ‘I give myself to my fiance again, then order food later'? What do you think?”

“Oh, I definitely love that idea!” Binuhat niya ito at inihagis sa gitna ng kama. “I’m gonna make a baby first.” Sinundan niya iyon ng pilyong ngiti. “Mommy doesn’t want a bastard, so it means, we’re getting married soon.”

❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣❣


Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon