The Target

8.1K 241 15
                                    

Chapter Three

DALAWANG araw na ang lumipas pero wala pa ring natatanggap na tawag or text man lang si Deejay mula sa estrangherong lalaki na nakatagpo niya sa party. Well, sabi nga nila, “if in 24 hours he doesn't call you, he's not that into you”.
Pinagsamantalahan lamang ng higanteng surot na 'yon ang mga labi niya.

Para mabawasan ang matinding inis at disappointment ay ibinaling na lang niya sa ibang bagay ang atensyon niya.

Time to get back to her mission. Naririndi na rin kasi ang utak niya sa katatawag ni Gelo para kumuha ng updates.

Paglabas niya ng hapong iyon ay dumiretso siya sa photo shop. Pagpasok pa lamang niya sa glass door ay nakaramdam na agad siya ng kakaibang vibes sa paligid. May lumabas na lalaki mula sa isang pinto. Nakatutok ang atensyon nito sa hawak nitong papel.

Hello, Karlo!

Pinraktis na niya ang sasabihin niya sa lalaki. Pero umatras ang dila n'ya nang mag-angat ng mukha ang lalaki at magsalubong ang mga mata nila. Halatang nagkagulatan pa sila nito pareho.

“Hey!” Tinitigan muna siya nito na parang tinitiyak kung tama nga ang nakikita nito. “Hi!”

“It's you!”

“Ahm, yeah, it's me.” Ngumiti ito ng alanganin. “How did you know where to find me?”

“I didn't,” mabilis na sagot niya.

Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to. Feeling n'ya hinanap ko s'ya? 

“Actually, I'm here to see the photographer.”

“I am the photographer.”

Napanganga siya sa sinabi nito. “You?” Itinuro pa niya ito ng daliri niya. “You are the photographer?”

“Yeah.” Yumukod ito sa harap niya “Renz Karlo, at your service, Ma'am.”

“Ohmigosh,” wala sa sariling bulong n'ya. Naalala niya ang sinabi ni Virus.

"Ipinasa ni Karlo ang camera niya sa akin, all in the name of booty call."

“Ilan ang photographer ninyo?”

“Dalawa kami, but trust me, I'm better than the other one.” Naggalawan ang mga kilay nito kasabay ng pilyong ngiti. You know, mala-Chace Crawford lang naman ang dating at itsura nito.

Dalawa ang photographer ng Snap Shots. Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ilang beses niyang nakita at nakasama nang gabing iyon sa party. Ibig sabihin lang, mula umpisa ay para siyang tanga na sunod nang sunod sa may hawak ng camera, na wala palang iba kundi si Virus, habang ang totoong Karlo ay sunod naman nang sunod sa kanya. Funny! At ang mas nakakatawa: Siya, as in siya, ang “booty call” na tinutukoy ni Virus na pinagka-busy-han ng lalaking ito, hanggang sa makatanggap ito ng “emergency call” daw sa loob ng banyo na dahilan lang nito para takasan siya. Dahil hinahanap na ito ng latest nitong si Cherry.

Karlo is the perfect man. Perfect, indeed!

“Renz Karlo,” madiing pag-uulit niya sa pangalan nito.

Kumunot ang noo ng lalaki. “'Something wrong with my name?”

“Oh, nothing! Actually, it's a nice name, but I prefer to call you Ahrkhei.”

Isang pilyong ngiti muli ang sumungaw sa mga labi nito. “The names that match. Suit yourself, honey.”

Nag-init ang mga pisngi niya sa gustong ipahiwatig ng lalaki.

“Ma'am!”

Sabay silang napatingin ni Ahrkhei sa babaeng lumabas mula sa studio.

“Akala ko hindi na kayo babalik. Papa-pictorial na kayo? Tamang-tama, nandito pa si Sir—”

“Ako na ang bahala dito, Marie,” putol ni Ahrkhei sa sinasabi ng babae. “Sabihin mo kina Borjie na puwede na silang umalis, nasa venue na ang kliyente. Maiiwan na lang ako dito.” Binalingan siya ulit ng lalaki. “So, pictorial, huh? I can’t believe that this is just a coincidence.”

“Yeah, you call this destiny, right?”

He chuckled. “Halika doon sa loob ng office. Pumili ka ng package na gusto mo.” Itinuro nito ang pinto na pinanggalingan nito kanina. “So, where do you want to do it?”

“What?” Bigla siyang nagdalawang-isip. Kaya ba niyang mag-pose sa harap ng lalaking ito? Kung tignan pa lang siya nito ay nanginginig na ang baba niya, paano pa s'ya ngingiti sa harap ng camera? ‘Wag na lang kaya? Pero sayang naman, pagkakataon na niyang ma-capture ang kagandahan niya habang sariwa pa s'ya, at si Gelo s'yempre ang magbabayad n’on. Isa pa, ang sabi ni Virus ay kailangan n’yang pumila, pero dahil napagsamantalahan na ng lokong ito ang mga labi niya, on the spot ay isasalang siya nito.

Akalain mo ‘yon? Hindi na pala niya kailangang mag-effort para akitin ito. Wala pa nga siyang ginagawa ay nakuha na niya ang atensyon nito… at nakuha na rin nito ang kahinaan niya. Ganoon ito kabagsik.

Gusto niyang manlumo sa nararamdamang disappointment. Ang inaasahan niyang lovelife ay isa lang palang malaking pantasya. No wonder na hindi na ito nagparamdam after the party. It was now confirmed. This guy was a certified cheater, liar, playboy, womanizer and everything. She knew that first hand now dahil nabiktima din siya nito. Ngayon ay hindi na siya makokonsensiya sa ipinapagawa ni Gelo sa kanya. Dapat lang talaga na iligtas niya si Cherry mula sa lalaking ito, ‘cause she deserved someone better than this brute.

And I also deserve someone better than this pig! Get this mission done and over with… super fast! 

“Saan mo gustong gawin ang pictorial? Dito sa studio or somewhere else?”

Anywhere, but not in a confines of a small room again, dahil ngayon pa lang ay halos maubusan na siya ng hininga. “Ahm... sa sementeryo.”

Napataas ang kilay ng binata. “You're weird, Deejay. Bakit sa sementeryo?”

“Bakit? Gusto ko doon. Ano'ng pakialam mo?”

“Okay.” Ngumiti na naman ito nang nakakaloko, saka umiling.

Pagkatapos niyang makapili ng pinakamahal na package ay tumayo na ang lalaki. “Are you ready?”

“For what?”

Natawa na ang lalaki. “Magpapa-photo shoot ka sa sementeryo, right? Tamang-tama, let's catch the golden hour. Do you have your wardrobe? Make-up artist?”

“Kailangan pa 'yon?”

“Of course. Meron kami, if you want. Lipat tayo sa studio.”

“Hindi ba ako mangangati sa mga damit na ‘yon?”

“Don’t worry, kagagaling lang ng mga iyon sa laundry house. But if you want, puwede naman nating i-reschedule ang photo shoot mo. Magdala ka ng sarili mong mga damit.”

“Hindi na. Ngayon na lang.”
Sumunod siya sa lalaki.

💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗

For you, ErmieTrosio😘
Thanks for following

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Where stories live. Discover now