Sleepover

7.6K 212 5
                                    

Chapter Six

PAGBALIK ni Ahrkhei mula Puerto Galera ay ilang araw naman itong hindi nagpakita kay Deejay. Text at tawag lamang ang ginagawa nito.

Ayon dito, busy ito sa business ng ama nito sa Makati. Pero alam naman nilang pareho ni Gelo na abala lamang ito sa ibang babae. Ilang tawag na ba niya ang hindi nito nasasagot nitong nakaraan, lalo na kapag gabi?

Eksaktong isang linggo ang lumipas bago niya ulit nakita si Ahrkhei sa harap ng gate nina Gelo. Kahit malaki ang tampo niya dito, hindi niya natiis na hindi ito harapin. He looked haggard, pero guwapito pa rin.

“Saan ka nagtago?” mataray na salubong niya dito.

“I’m sorry, baby. I told you, I’ve been too busy. Nagka-problema kasi sa customs. I had to see and talk to the broker, since my Dad is still in L.A. Na-delayed tuloy ang mga deliveries ng goods. Tapos nagkasakit pa bigla ang isang driver.”

“Don’t tell me na ikaw na din ang pumalit sa driver?”

Ngumiwi ito. “Nope. I can’t drive a truck bound to North, honey. But, yes, ako ang nag-drive ng van around Metro Manila. Hindi ko maipagkatiwala iyon sa mga kargador. Imagine, naging delivery man ang boyfriend mo for two days?”

Boyfriend? Now, why did that sound so pleasing to her ears?

“What exactly did you deliver?”

“Assorted items. From food to shoes, bags and gadgets. May import/export business ang Daddy. Sa Makati ang warehouse at office niya. I used to work full-time for him.”

“And the photo shop?”

“That’s mine. Binuksan ko iyon four years ago, para sa amin ng kapatid ko. Gusto ko siyang bigyan ng desenteng trabaho, hanggang kaya na niyang tumayong mag-isa.”

“Sounds like a responsible brother.”

He shrugged his shoulders. “He’s enjoying his black sheep title so much, so I have no choice but to be the nice one. Anyway, I’ve got this whole weekend clear, so I can get to spend it with my girl.”

Kinabig siya nito at hinagkan sa mga labi. “How about going to Palawan tomorrow?”

“Tomorrow? Kumusta naman ang work ko?”

“Hindi ka ba puwedeng mag-leave? May kapalitan ka naman sa duty, ‘di ba?”

“Puwede, pero ayoko.”

“I thought you want to go somewhere with me?”

“Nagtampo na ako.”

“Come on, baby, babawi ako sa ‘yo ngayon. We can—”

“Bakit hindi mo na lang ako isama sa bahay mo?”

Tinitigan siya nito at tinaasan ng kilay, na para bang ang sinabi niya ay isang malaking kahibangan.

“You... You wanna go to my place?” paniniyak nito.

“Yeah. Why not? Are you hiding something from me?”

He chuckled. “Bakit hindi mo agad sinabi?”

********************************
KULANG na lang ay paliparin ni Ahrkhei ang kotse pauwi sa bahay nito. Two-storey house iyon sa isang tahimik na subdivision. Very masculine ang over-all structure at interior nito. Typical bachelor's house.

“Nice place.” Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng first floor, saka siya tumingala sa itaas.

“Puwedeng umakyat?” Bago pa nakasagot ang lalaki ay nasa gitnang baitang na siya. Dinaig pa niya ang prospective buyer kung mag-inspection sa bahay nito.

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Where stories live. Discover now