Chick Boy

8.1K 213 8
                                    

NAKARINIG si Deejay ng putukan mula sa labas. Inayos niya ang sarili. Itinapat niya ang basang damit sa hand dryer sa dingding hanggang sa matuyo iyon. Nandoon pa rin ang mantsa, pero hindi na kasingtingkad ng dati. Muli niyang isinuot ang maskara.

Narinig niya ang closing remarks ni Lolo Kupido. Nagmamadali siyang lumabas ng banyo. Karamihan sa mga taong nandoon ay naglalabasan na ng malaking function hall. Nakipagsiksikan siya sa mga ito.

Aabangan niya si Karlo sa labas. Kailangang makita niya ulit ito. Kahit man lang maibigay niya ang pangalan at numero niya dito ngayong gabi.

Mabuti naman at nahuli niya rin ang lalaki sa tabi ng photobooth. Nakasukbit pa rin ang DSLR camera sa balikat nito, pero tinanggal na nito ang itim na maskara. Tinitigan muna niya ito mula sa malayo bago niya ito nilapitan. Tumaas ang isang kilay niya sa nakikita, bumaba, at tumaas pa ulit. Hanggang sa huli ay napabuntonghininga na lamang siya.

May itsura naman ang lalaki. Matangkad ito at mukha namang disente at malinis. Ito ang nagustuhan ni Cherry? Puwede na rin. Pero hindi ito papasa sa panlasa niya. Kung siya ang tatanungin, she would definitely choose Gelo over this guy.

Nang maalala pa niya ang mukha ng lalaking umangkin sa mga labi niya kanina ay napailing siya. Kung ihahambing ang lalaking ito kay Ahrkhei, he would not be even close to good enough.

Nilapitan niya ang lalaki. Huminga muna siya nang malalim bago siya tumikhim.

Nilingon siya ng lalaki. Ang interest na ipinakita nito sa kanya kanina ay nawala na ngayon. Siguro ay dahil marami na itong nakilalang babae ngayong gabi.

Ibinigay niya ang pinakamatamis at kaakit-akit na ngiti na ilang gabi na niyang pina-praktis sa harap ng salamin. “Hi.”

“Hi,” tipid na sagot nito. Umubo-ubo ito nang ilang beses na parang nag-aalis ng kati ng lalamunan. “Excuse me. Sinipon yata ako sa sobrang lamig ng aircon sa loob,” sabi nito na sinundan pa nito ng pagsinghot. Kaya naman pala parang nag-iba ang boses nito ngayon.

Napanganga siya bigla. Nalamigan lang ng kaunti, inubo’t sinipon na? Holy shit! Don’t tell me na may tuberculosis pa ang lalaking ito?! Akala ko ba ay perfect si Karlo? Angelo!! Letse ka, ano ito?

Naisara niya ulit ang bibig niya bago pa siya makasagap ng virus mula dito. Pasimple siyang umatras. Tinanggal niya ang suot na maskara at ipinaypay iyon sa harap ng mukha niya.

Tinignan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa.  Nang bumalik sa mukha niya ang tingin nito ay nakaplaster na ang matamis na ngiti nito sa mga labi. “Yes, Miss Sexy…and Beautiful?”

'Langya na ‘yan, sinusumpong na nga ang kati ng lalamunan, uunahin pa rin ang kati ng katawan? Pig!

“I’m looking for Karlo.”

Kumunot ang noo nito. “Why?”

“Magpapa-photo shoot sana ako.”

Ngumisi ang lalaki. “Nude photos ba? Kasi kung hindi, kailangan mo munang pumila. Madami kasing naka-schedule na projects ngayon.”

Nagpanting ang tainga niya. Bastos! Manyak na lalaki! 

“I didn’t know that you are into pornography! Kilala pa naman ang pangalan mo. Shame on you, Karlo!”

Napaatras ang lalaki. “Oopps! Hindi ako si Karlo, okay?”

“Then who are you? Si Karlo ang official photographer dito, ‘di ba?”

“Yeah, right. Actually, ako ang in-charge sa video coverage, pero napilitan ako na ipasa ang video cam sa assistant ko, dahil ipinasa ni Karlo ang camera niya sa akin, all in the name of ‘booty call’. You know, that ‘call for sex’ thing—“

“I know what it is.” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang hindi pala ito ang hinahanap niyang Karlo. Thank goodness!

Nagkamot ito ng ulo. “Talaga bang hindi mo kilala si Karlo? Akala ko ay isa ka sa mga chicks niya.”

“Do I look like one of them?” nameywang siya sa harap nito.

Tinignan siya ulit ng lalaki mula bumbunan hanggang talampakan. “Eii, yeah,” tumango-tango ito. “Except for the eyebrows.” Itinuro nito ang mga nakataas niyang kilay. “Allergic si Karlo sa mga tensyonada, kaya medyo ibaba mo ang mga ‘yan.” Ngumiti ulit ito nang matamis.

“So, where is he now?” 

“Pagkatapos ng Kiss of Destiny ay umeskapo na siya. Tawag kasi nang tawag ang latest niya.” Umiling ito. “Karlo is really a magnet for hot chicks. Anyway,  tyempuhan mo na lang siya sa shop, bandang hapon ay nandoon siya basta walang project. Pero kagaya nga ng sinabi ko, pipila ka sa kanya. Kung gusto mo, ako na lang ang kukuha ng pictures mo. Magaling din naman ako.” Sinundan nito iyon ng kindat.

Argh! Akala ng magnified virus na ito ay cute siya? “Never mind.”

Tinalikuran niya ito. Kung nagkataon na ito nga si Karlo, sorry ka na lang Gelo, hindi siya tatagal ng kahit fifteen minutes lang sa lalaking ito.

WHAT HAPPENED?” salubong agad ni Gelo kay Deejay.

“Hindi ko na siya nakita ulit. Bigla na lang siya nawala.” Ikinuwento niya dito ang nangyari, puwera ang tungkol kay Ahrkhei at ang kissing scene nila nito. Baka batukan siya ni Gelo kapag nalaman nito na inuna pa niya ang kakirihan niya.

“Pagkatapos daw mismo ng Kiss of Destiny ay umalis na si Karlo. Nasa loob pa ako ng toilet n’on.”

“Nagsayang lang pala tayo ng oras.” Nagkamot ng ulo si Gelo. “Nilamok ako dito tapos wala naman palang nangyari.”

Doon siya napangiti ng lihim. Oh, you are so wrong! And the party was not a waste of time at all.

Sino ba ang mag-aakala na dito niya matitikman ang tamis ng unang halik, at mula pa sa estrangherong iyon? It happened so unexpectedly.

Nagpapasalamat siya ngayon na nagkatagpo sila ni Ahrkhei bago pa siya mapasubo sa impaktong Karlo na 'yon.

Ang mission niya: Akitin si Karlo... Sa kuwento pa lang ni Virus kanina ay mukhang mabilis ang Karlo na ito sa mga babae. Paano kung bigla na lamang siya nitong halikan o hipuan? Malamang lamang ay mangyayari ang ganoon. Pero hindi! Hindi siya papayag. Lalo na kung ang Karlo na ito ay photo copy lang ng Virus na ‘yon!

Hay! Bakit kasi kailangan pang sumabay ang mission na ito?

Ngayon pa nga lang ako magkakaroon ng lovelife!

😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Where stories live. Discover now