Feud

7.5K 188 1
                                    

Chapter Ten

ISANG linggo na ang lumipas pero hindi pa rin matanggap ni Ahrkhei ang nangyari sa kanila ni Deejay. Kinausap niya nang masinsinan si Karlo. Pilit niya itong pinapaamin kung ano ang namagitan dito at kay Deejay. Kahit anong gawin niya ay pinaninindigan ni Karlo na hindi nito kilala si Deejay, at wala itong natatandaan na nagkrus ang landas ng mga ito.

“According to Cherry, Deejay claimed na isinama ko siya sa Tagaytay at ipinakilala kay Mommy. You, of all people, know that I wouldn’t do that. She was definitely lying.”

“Wait… I brought her home to meet Mom. Why would she say…”

“Because she was hell-bent on destroying my relationship with Cherry. I don’t know, bro. I swear, hindi ko siya kilala. Even if I do, hindi ko gagawin iyon kay Cherry. Hindi na ako ang dating Karlo. Ahrkhei, eleven years na ang nakalipas. Kahit ganoon ang nangyari ay masasabi ko, na malaki ang naging epekto ni Raquel sa akin,” pag-amin ni Karlo.

  “I didn’t mean to hurt you back then. Hindi ko gusto na magkagalit kami nina Mommy at Daddy. I loved her, kaya ko nagawa 'yon. Binitawan ko ang lahat ng bisyo. Nagpakatino ako. Natuto ako na magbanat ng buto, para lahat sa kanya. She was the first and last woman na minahal ko ng ganoon. I was really devastated when I lost her.”

Sa nakalipas na mga taon ay ngayon lamang nila napag-usapang magkapatid ang tungkol sa nakaraan. It was too painful on Karlo’s part. Nakakatawang isipin, dahil siya ang naagrabyado doon, kung tutuusin.

Nasa ikalawang taon lang sila sa kolehiyo noon. Nakatira silang magkapatid sa isang condo unit sa Quezon City. Simula pa naman nang magbinatilyo sila ay mahigpit na nilang ka-kompetensya ang bawat-isa pagdating sa mga babae. Pero wala lang sa kanila iyon, sa katunayan ay nagpapalitan pa nga sila ng babae nang mga panahong iyon. Until he met Raquel. First year college ito sa isang maliit na unibersidad sa Maynila. Madalas ay isinasama niya ito sa condo. Si Raquel lamang ang nagtagal na babae sa kanya ng ilang buwan, at masasabi niya na minahal niya talaga ito.

One weekend ay isinama nila si Raquel sa Tagaytay dahil kaarawan ng Mommy nila. Raquel occupied the same room na tinulugan ni Deejay noon. After midnight ay naisipan niyang puntahan ang dalaga sa kuwarto nito, dahil alam niyang tulog na ang Mommy niya nang mga oras na iyon. What he saw really shocked him. He caught Karlo and Raquel on the act. They were in throes of passion, kaya hindi siya agad napansin ng mga ito. Sa bugso ng galit ay sinugod niya si Karlo at pinagsusuntok, hanggang sa malugmok ito sa sahig. Nagising ang lahat ng tao sa malaking bahay dahil sa mga ingay.

“You filthy asshole! Paano mo nagawa ito? You can have every fucking bitch in the world, bakit pati si Raquel ay pinakialaman mo?”

“She loves me,” buong pagmamalaking sagot nito. “Go on, ask her.”

“You seduced her! You fucking stole my girl!”

“Ahrkhei, magpapaliwanag ako…” mahigpit ang kapit ni Raquel sa kumot na itinakip nito sa hubad na katawan.

“What is there to explain?” Kulang na lang ay kaladkarin niya ang babae pababa sa malapad na kama.

“What is happening here?” Nakatayo si Mayreen sa bungad ng guestroom. Nasa likod nito ang ama nila na nakahawak sa magkabilang balikat ng ginang.

“Ask that asshole!” duro niya kay Karlo.

“Ahrkhei!” sita ng ama nila.

“What is this, Karlo? Wala ka na bang alam gawin kundi maghatid ng sakit ng ulo?”

“Wala naman akong ginawang maganda para sa inyo. Puro na lang si Ahrkhei ang tama.”

“Karlo! Don’t you dare talk to your mother like that!” Sobrang bait ng ama nila. Madalang lang ito magsalita, pero kapag nagalit ito ay manginginig ang lahat ng tao sa paligid.

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Where stories live. Discover now