Realization

7.9K 227 22
                                    


NAPAISIP si Ahrkhei. Kung totoong walang naging ugnayan si Karlo kay Deejay ay malaki ang chance na maayos pa niya ito. Naalala niya ang sinabi ni Deejay bago ito umalis noon.

"I really felt something for you."

He believed that. The way Deejay took care of him when he was sick, the way she kissed him and responded to his touch, the way she checked on him every now and then, and the way she got jealous with other women… They had to mean something.

"I am so confused with what I feel right now."

Confused. Ibig sabihin ay hindi rin ito sigurado sa nararamdaman nito para kay Karlo. Ibig sabihin ay kasalukuyan nitong tinitimbang kung sino sa kanila ni Karlo ang mas gusto nito. Maybe she's got a big crush on Karlo, pero mas malaki ang chance niya, dahil nakasama siya ni Deejay sa loob ng higit dalawang buwan.

He got the chance to kiss her and hold her. She slept in his arms four times. Kung katulad ni Raquel noon ay hindi rin naramdaman ni Deejay kung gaano ito kahalaga sa kanya, ipaparamdam niya ito ngayon.

  Maybe Deejay thought that she was just one of the women he went out with casually. Maybe she thought she had no future with him. Siguro hindi niya ito nabigyan ng sapat na panahon, dahil naging abala siya sa trabaho lately. Babawi siya ngayon dito. He would make her realize kung sino ang mas dapat nitong piliin. He couldn't just give up on her.

  No one had ever made him feel like this.  Only Deejay could make him feel completely lost in her kisses alone. Even without the sex part, just having her around made every moment count. Only Deejay could make his day complete just by hearing her voice over the phone. And only Deejay could make him feel so helpless and miserable like this.

  He had made up his mind. Ipaglalaban niya ang dalaga. Hindi siya titigil hanggang hindi ito tuluyang nagiging kanya.

********************************

PINUNTAHAN ni Ahrkhei si Deejay sa bahay nito. Nakailang pindot siya sa doorbell bago may nagbukas ng pinto. Isang babae na may edad na ang sumalubong sa kanya sa gate. Sa porma nitong mini skirt at plunging neckline ay hindi ito mukhang kasambahay. Pero walang nabanggit si Deejay na may kasama itong ibang kamag-anak sa bahay bukod sa Kuya Gelo nito.

“Magandang umaga po, Ma'am. Nandiyan po ba si Deejay?”

“Hindi pa siya bumabalik, pogi.” Ngumiti ito nang matamis.

“Ahm, pumasok po ba siya sa trabaho?”

“Nagresign na siya sa ospital.”

“Ospital? Akala ko po ay private caregiver siya ng isang matanda?”

“Caregiver? Ano'ng malay ng batang iyon sa pag-aalaga? Sus! Medtech siya dati diyan sa, ano na nga ang pangalan ng private hospital na 'yan sa bayan?”

“Medtech,” tumango-tango siya. Another one of her lies. “Hindi ko po makontak ang numero niya.”

“Teka, bakit mo hinahanap si Deejay? Ikaw ba ‘yong naniningil sa kanya? Naku, hijo, huwag mo namang idemanda si Deejay. Kawawa naman. Ayun nga at sumama kay Gelo sa Singapore.”

“Ho? Singapore?”

“Oo, kaya kahit magkano pa 'yang utang niya ay mababayaran ka rin niya sigurado. Ginagawan na nga nila ng paraan. Ewan ko ba kasi sa mga batang iyon kung anong kalokohan ang napasukan at nabaon sa utang ng ganyan.”

Tinitigan siya ng matanda nang diretso. “Magkano ba ang utang niya? Milyon ba? Naku, susumpungin ng alta presyon ang Mommy niya kapag nalaman ang mga kalokohan niya dito. Masyado kasing na-spoiled kay Angelo ang batang iyon.” Umiling-iling pa ito.

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Where stories live. Discover now