Closure

6.8K 171 6
                                    

INAASAHAN ni Deejay na susugurin siya ni Ahrkhei, or mumurahin kaya sa telepono, pagkatapos ng ginawa niyang confrontation kay Cherry. Pero dalawang araw pa ang lumipas ay wala pa rin siyang narinig mula sa lalaki.

She looked like a vampire now. Maputla, nangingitim ang paligid ng mga mata, takot sa liwanag ng araw. For the past two days, she spent her days and nights curled on her bed. Pati mga tawag ni Gelo ay hindi niya sinasagot. Hanggang sa lusubin na siya nito sa silid niya.

“Hey, best friend, what's up? Ano na ang balita kay Cherry?”

“Until now ay hindi pa rin siya pumapasok sa trabaho.”

“Until now ay hindi pa rin tumatawag si Ahrkhei. Maybe the two of them have already kissed and made up, and now they are somewhere in the middle of the Carribean sea.” Isinubsob niya ang mukha sa malaking unan.

Lumapit si Gelo sa higaan. “Bakit hindi ka lumalabas? Wala ka bang trabaho?”

“I'm on indefinite leave.”

“What's wrong, Deejay? Tawag ako nang tawag sa 'yo, you are not answering the phone.”

“Ano pa ba ang dapat kong gawin, Gelo? I did everything to help you. Wala na akong maitutulong sa puntong ito. If I go out of this room, baka barilin ako ni Ahrkhei. So mas mabuti pa na magtago na lang ako dito at hintayin mo na lang si Cherry na tumakbo sa mga bisig mo at umiyak sa mga balikat mo. If it doesn't happen, then sorry for both of us.”

Hinila siya ni Gelo paharap dito. “Ano'ng nangyayari sa ‘yo, Deejay? I should be the one mourning right now, not you.” Kumunot ang noo nito. “Oh, no! No,no,no, Deejay! Don't tell me that you, too, fell for that bastard!”

“Well, it looks like it.”

“No. Katulad ni Cherry ay attracted ka lang sa kanya.”

“I don’t think so.”

“How can you say that you love him, eh, kailan lang kayo nagkakilala?”

“Ano'ng nakapagtataka d'on? Kung ang bacteria nga ay oras lang ang incubation period sa katawan ng tao—”

“He is not a damn bacteria, okay? He’s a liar, a cheater. How can you be so stupid? I've warned you already...”

“Yeah, but the heart wants what it wants. It simply just doesn't follow any rule, Gelo. You just can't tell it to back off and love someone else instead. You, of all people, should know that.” Pumatak ang mga luha niya.

“Oh, Deejay. Kung alam ko lang na magkakaganyan ka...” Ikinulong siya nito sa mga bisig nito. “Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi kita dapat isinali sa problemang ito. Ngayon ay pati ikaw nasasaktan.”

“We are friends, right? You jump, I jump! We will watch each others' back, no matter what. And as of this moment, we are both idiot and so freaking pathetic. Let's drink to that!”

Humantong nga sila sa sala. Hawak ang tig-isang bote ng beer sa kamay, inumpisahan na nila ang kanilang movie marathon.

Ipinagtapat niya kay Gelo kung paano sila unang nagkakilala ni Ahrkhei. The way he flirted with her and kissed her on that very same night. Ang dahilan kung bakit siya nakumbinsi na ituloy ang mission na iyon.

“I need to see him, Gelo.”

“Para ano? Magmakaawa sa kanya na balikan ka niya? Deejay, kahit pa ikaw ang piliin niya, magagawa mo bang magtiwala sa isang lalaking katulad niya?  Once a cheater, will always be a cheater, tandaan mo 'yan.”

“I need closure. Kahit pa laro lang ang lahat ng ito, I still need that so I can move on.”

💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon