Baby Ahrkhei

7.5K 215 2
                                    

“WAKE UP, babe.”

Biglang nagmulat ng mga mata si Deejay nang maramdaman ang mainit na hininga sa tainga niya. Bumangon siya bigla. Nilingon niya ang binata. Nakaligo na ito at nakapagbihis. “Anong oras na?”

“Seven. Let's have breakfast. Kumakalam na ang sikmura ko.”

Bumaba siya sa kama at nagpunta sa banyo. Malapit na siya sa pinto nang magsalita si Ahrkhei.
Nilingon niya ito.

“Kung alam ko lang na ganyan ang itsura ng babaeng kayakap ko sa higaan? I swear, hindi ko siya patutulugin magdamag.”

Nakahiga patagilid ang binata sa malapad na kama habang pinagmamasdan siyang maglakad.

Mabilis siyang nagkulong sa banyo. Paglabas niya ay nakaligo na rin siya, pero nawawala ang mga damit niya na isinabit niya sa loob ng banyo kagabi, kaya napilitan siyang lumabas na nakatapis lang ng tuwalya.

Nilingon siya ni Ahrkhei. Nakahiga pa rin ito sa kama, nakaunan sa mga braso nito. “Are you trying to seduce me? Usapang malinaw.”

“Nasaan ang mga damit ko?”

“Nasa washing machine. I'm sorry na hindi ko na nahintay 'yong suot mong...” Ngumiti ito nang nakakaloko. “Anyway, your panty shield is in the cabinet, right?”

Bumangon ito, kumuha ng mahabang puting t-shirt sa closet at ibinigay iyon sa kanya. “I think you should bring some of your stuff here, para next time you sleep over ay hindi mo ako tinutukso ng ganyan. Really, sweetheart, mornings are not the best time to do that.” Gumuhit ang discomfort sa mukha nito.

Napamulagat siya sa sinabi nito, pero mas minabuti niyang magbihis muna bago pa mapigtas ang control nito sa sarili. Paglabas niya ay hinarap niya ang binata. Pero naiilang pa rin siya dahil panay ang sulyap nito sa mga binti niya. “Give me a sweat pants or anything to cover my legs.”

“Thank you for a little consideration for my agony.” Dumukot ito ng jogging pants na de-tali at ibinigay nito iyon sa kanya.

“Gusto kong makita ang condo unit mo.”

“My what?”

Willing ito na bigyan siya ng space sa closet nito? Aba! Natitiyak niya na bukod dito, may safe haven ito na pinagdadalhan nito ng mga babae nito.

“Why would I need a condo unit, eh may sariling bahay naman ako?” Natatawang tanong nito. “Oh, you mean, kung saan ako nagii-stay sa Makati? It’s my Dad’s place. One day, isasama kita doon. Kain na tayo. Nakapagluto na ako ng breakfast.” Inakay siya nito palabas ng silid

“Nagluto ka na? Bakit ang aga mong nagising?”

“Most photographers are early risers. Hinahabol kasi namin lagi ang sunrise at before sunset.”

“Why?”

“Those are what we call the golden hours. The best time to take photos.”

“I see.” Nahiya naman siya bigla sa sarili niya. Siya ay laging sinisikatan ng araw sa higaan. Kahit isang putahe ay wala siyang alam na lutuin. Kumakain lang siya lagi sa labas or nakikikain lang siya kina Gelo.

Dapat yata ay mag-practice na siyang maging ideal wife ngayon pa lang. Nakakahiya naman kay Ahrkhei kung ito pa ang magluluto ng pagkain nila. 

Teka, tama ba 'yong naisip niya? Saan galing ang ideyang magiging wife siya ng lalaking ito? Bigla niyang natutop ng palad ang bibig.

Tumaas ang mga kilay ni Ahrkhei. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. "What? Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?”

Fried rice lang naman iyon na may sangkap na maliliit na hipon, butil ng mais, carrots at greenpeas. Ang ulam ay tapa at longaniza. Pero para na rin siyang kumain sa paborito niyang restaurant.

Nilagok niya ang pineapple juice sa harap niya. “Nasamid ako.”

“Wala ka bang pasok ngayon?” Tanong nito.

“Day off ko. Pero uuwi na ako kapag ready na ang mga damit ko.”

“Mamaya na.”

“Hindi ka ba hahanapin sa studio?”

Ngumiti ito. “Pabayaan mo sila doon. I'd rather be on house arrest with you today.”

Ipinakita ni Ahrkhei ang mini-photo gallery nito. Ibat-ibang sizes ng frames ang nakasabit sa dingding. Puro litrato ng magagandang tanawin, kadalasan ay mother nature. Ang iba ay kuha pa sa ibang bansa.

“I love to travel around, with my camera as my sole companion.”

“Really? Like I believe you.” Tumaas ang isang kilay niya.

Natawa si Ahrkhei. “Bakit ba parati ka na lang tamang hinala?”

“These pictures are awesome. See that flying eagle? You captured it perfectly. Litaw ang buong katawan nito.”

“'Just a matter of good timing and perfect angle.”

“Yeah. How about the photos of your pretty models? Come on, show them to me.” Nilingon niya si Ahrkhei na nakatayo sa likuran niya. “I just seriously hope na wala akong makikitang nude photos dito.”

Si Ahrkhei naman ang nagtaas ng kilay. Hinila siya nito papunta sa likod ng partition na iyon. “You mean, these photos? And this particular model?”

Napanganga siya sa nakita. Mga larawan niya ang nakasabit sa dingding. There was this one close up shot na nakabuka ang bibig niya at nakataas ang isang kilay. Hindi kasama ang ilang larawan dito sa mga pagpipilian na ipinakita ni Ahrkhei sa kanya noon.

“And by nude photo, do you mean this one?” Lumapit ang lalaki sa larawan niya na nakatalikod noong gabi ng party. Half body photo, exposing her nape, bare back, round hips and full behind. “The most sensual photo I’ve ever seen. My brother had captured the graceful sway of your hips perfectly.”

“Bakit nandito ang mga pictures ko?” takang tanong niya.

“Balak ko sanang i-display ang iba diyan sa studio, but I changed my mind. Call me possessive, but I can’t share your photos with others.” Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. “I don’t want them to fall in love with your beauty.”

She was speechless. How could a cheater look so freaking sincere and convincing at this very moment?

He gave her the most passionate kiss they had ever shared so far. Nang bumitiw ang lalaki ay nagbuntonghininga ito. Nakapinta sa mukha nito ang discomfort.Namumutla ito at pinagpapawisan. “I’m sorry. I think I’m gonna be sick.”

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Where stories live. Discover now