Confrontations

7.1K 193 9
                                    

Chapter Nine

KINABUKASAN ay sinadya ni Deejay si Ahrkhei sa shop nito. It had to be done now. Hindi na niya matatagalan ang ganito. Para siyang loka na naghihintay ng tawag nito. Kahit pa ano ang maaaring sabihin nito sa kanya, she had to know.

Pagpasok niya sa shop ay binati agad siya ni Marie. Tinawag nito si Ahrkhei mula sa loob ng office nito. Paglabas ng binata ay halatang nagulat ito nang makita siya.

“Bakit ka nandito?” diretsong tanong nito. “'Di ba't sinabi ko naman sa 'yo na huwag kang pupunta dito?”

“Gusto kitang makausap tungkol sa ating dalawa.”

Naihilamos nito ang isang palad sa mukha nito. Sinulyapan nito si Marie na patay-malisyang nagsusulat sa may wooden table sa gilid.

“Look, I'm sorry kung hindi ako nagpaparamdam lately. I just wanted to have some time to think.”

“You already had five days. Haven't you come to any definite decision yet?”

“It’s not that easy. This is a serious family matter, Deejay. Hanggang maaari ay ayaw ko nang maulit ang gulo sa pamilya namin.”

"It's so easy, Ahrkhei, just let me know if this is over.”

Hinagod nito ang batok. “Let's talk about this somewhere else, okay? Hintayin mo ako, may tatapusin lang ako sandali sa loob.” Nagbalik ito sa loob ng opisina.

Umupo siya sa mahabang settee. Hindi siya mapalagay. Kumakabog ang dibdib niya sa dalawang dahilan: ang makaharap ulit ang binata, at ang tension na nararamdaman sa susunod na sasabihin nito.

Bumukas ang pinto at may pumasok mula doon. Napatayo siya nang makita si Cherry, kasunod nito ang babaerong Virus.

“Ano'ng ginagawa mo dito?” galit na sabi ng babae nang makita siya nito. “Ang kapal ng mukha mong magpunta dito. Ilusyonada! Karlo said, he doesn’t know you. Kaya kahit ano pang kasinungalingan ang sabihin mo ngayon, hindi na ako maniniwala.”

“Nagsasabi ako ng totoo. Bakit hindi mo tanungin si Marie?” Itinuro niya ang babae na napatayo sa kinauupuan nito.

“Ano ang nalalaman mo dito, Marie? Totoo ba ang sinasabi ng babaeng iyan na may relasyon sila ni Karlo?”

“Ma'am?” kabadong sagot ng babae. “Hindi ko po alam. Basta ang natatandaan ko lang po, nagpunta dito si Miss Deejay noon, hinahanap si Sir Karlo dahil magpapa-pictorial daw po siya.”

“Oo nga! Natatandaan ko na. Ikaw ‘yong babae sa party na naghahanap kay Karlo,” singit naman ng Virus.

Hinarap siya ni Cherry. “See? Ikaw ang haliparot na habol nang habol sa boyfriend ko. Ano pa ang sasabihin mo ngayon para sirain ang relasyon namin? Na magkasama kayo ni Karlo kagabi? Sorry, pero hindi na ako maniniwala diyan. When you said you were with Karlo, he was actually with Borjie the whole time. And Borjie here can testify to that. Kaya lumayas ka dito bago ko mabura ang pagmumukha mo. At huwag ka nang magkakamali na makipagkita pa ulit sa fiancé ko.”

She was outnumbered here. There was no one to support her claim. Lalong hindi na niya iyon inaasahan mula kay Ahrkhei. She was so ready to walk out from here. So much for wanting to get closure. This was so definitely more than a closure.

Sa puntong iyon bumukas ulit ang pinto at may pumasok na isa pang lalaki doon. Sinalubong ito ni Cherry at kinapitan sa braso na akala mo'y ano mang sandali ay may hahablot dito.

“Now, Karlo, this dirty slut is here again. Ngayon mo sabihin na walang katotohanan ang lahat ng sinabi niya,” hamon ni Cherry sa lalaki.

Napanganga si Deejay doon. Napako ang mga mata niya sa lalaking bagong dating. Halatang nabigla ito sa tagpong dinatnan nito. Hindi ito nakapagsalita. Nanatili lang itong nakatitig sa mukha niya.

What the… Saang planeta galing ang lalaking 'to? Sino 'to?

  Ngayon lamang niya ito nakita. Sa height at physical features ay hindi ito nalalayo kay Ahrkhei. He was also over six feet tall, with an athletic body that most women drool after. Mas moreno nga lang ito, at hindi ito nagtataglay ng mga matang katulad ng kay Ahrkhei. At tinawag ito ni Cherry na…

“Karlo?” wala sa sariling sabi niya. Ngayon ay luminaw sa isip niya ang isang bagay. Ito ang Karlo na boyfriend ni Cherry. Ito din ang sinasabi ni Ahrkhei na kapatid nito. Napailing siya ng wala sa oras dahil sa natuklasan.

  Natuon ang tingin ng lahat sa kanya. Iba yata ang naging dating ng reaction niya. Lumilitaw na hindi siya makapaniwala dahil sa harap-harapang denial ni Karlo sa kanya, when in fact, that was an expression of shock and disbelief.

  “Karlo!” galit na tawag ni Cherry sa lalaki. “Bakit hindi ka makasagot? I knew it! You are really having an affair with that woman!” Pinaghahampas nito ang braso ng lalaki.

  Inawat nito ang nobya. “Cherry—”

“Ano ang ibig sabihin nito, Karlo?” Galit na tinig ni Ahrkhei mula sa bungad ng opisina nito ang nakapagpalingon sa kanilang lahat dito.

Nagulat ang mga ito sa nakikitang galit sa mukha ni Ahrkhei. Everybody here was clueless. Siya lang ang bukod-tanging nakakaintindi sa nangyayari sa paligid.

“Have you been doing it all over again?” tumaas ang boses ni Ahrkhei. “You are trying to steal my girl again!”

Napasinghap ang lahat. Lumipad ang tingin ng mga ito kay Karlo, na halatang hindi makapaniwala sa mga pangyayari. “You two are lovers?”

Humakbang si Ahrkhei palabas ng counter. “Like you don’t really know.”

Napaatras si Karlo. Itinaas nito ang dalawang kamay. “This is all a mistake, Ahrkhei.”

“Hell, yeah! You know that it's a huge mistake, but you keep on doing it, asshole!” Dumapo ang kamao nito sa mukha ng kapatid.

“C’mon, man!” Sapo ni Karlo ang panga nito.  “I'm engaged. Why would I do that?”

“Because you're a jerk! Pinatawad kita sa ginawa mo noon, but never again this time!”

“I swear, I've never touched your woman.  I would never do that again.”

“Talagang hindi ka na makakaulit!”

Doon pa lang nakabawi sa pagkabigla si Deejay. Mabilis niyang inawat si Ahrkhei nang akmang susuntukin nito ulit si Karlo.

  “Stop! Nagsasabi siya ng totoo, Ahrkhei. This is not Karlo's fault.”

Nilingon siya ni Ahrkhei. “Then whose fault is this? Totoo ba ang mga sinabi ni Cherry? You've been telling lies para sirain ang relasyon nila? Sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo? Which one is true?”

  Technically, almost everything she told Cherry was true, or so she thought, until this shocking revelation. 

“My God, Deejay, for the past five days, I've been trying hard to convince my Mom that I've found the right woman. Gusto kong ayusin ang lahat bago ako humarap ulit sa ‘yo. This is so important to me. You are so important to me that I just can’t simply choose my family over you. But what is this?” Naihampas nito ang mga kamay sa ere.  “I thought...”

Shit! This was all so messed up! How could she be so stupid? Ano ang isasagot niya kay Ahrkhei ngayon? That his mom was right all along? Na ang lahat ay planado, at dahil sa katangahan niya ay nadamay pati ito? Na napagkamalan lang niya ito na si Karlo? Na kaya lang siya nakipagrelasyon dito ay para isakatuparan ang mission nila ni Gelo? Magagawa ba niyang traydorin si Gelo sa harap ng mga taong ito? No way! Besides, kahit ano pang sabihin niya ngayon ay lalabas pa rin na manloloko siya. She might as well take all the blame.

“I'm sorry, Ahrkhei. I've always been attracted to Karlo. I must admit, siya talaga ang hinahanap ko sa party nang gabing iyon. But after we kissed... Well, I really felt something for you. I did, Ahrkhei. But when I saw Karlo again...”

Umiling siya. “I'm sorry. I'm a little bit confused with what I feel right now. I didn't mean to hurt anyone.” Binalingan niya si Cherry. “Walang kasalanan si Karlo dito. This is all on me.”

Mabilis ang mga hakbang niya palayo sa lugar na ‘yon.

  💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

Hearts Never Lie (Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido book 3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang