galawangbabae

67 9 0
                                    

1. As a writer, ako 'yong writer na walang natatapos dahil sa sobrang rami ng ideas, lumilipat-lipat sa kabilang story at nawawalan agad ng gana sa iniiwan na story. Pero ako rin 'yong writer na hindi susuko. Gusto ko ang pagsusulat at, siguro, someday matatapos ko rin lahat ng 'yon. Kapag gusto mo ang isang bagay, dapat binibigay mo ang lahat ng kaya mo kasi gusto mo 'to, eh. Hindi mo naman makakamit ang gusto mo kung hindi ka maghihirap.

Pero, minsan kasi, kahit gusto mo, dapat pinapahinga mo pa rin ang sarili mo. Hindi naman minamadali ang mga bagay-bagay, kaya mo 'yan, hindi mo kailangan ipilit kung hindi mo pa kaya sa ngayon. Mas maganda kung ipunin mo muna ang ideas mo, ibuo ang characters, ibuo ang climax, at alamin ang mga mali, tama, pangit, at maganda sa isusulat mong story. Kapag nawalan ka ng gana sa pagsusulat nang magpahinga ka, ibigsabihin hindi malakas ang pagkakagusto mo sa magsusulat. Don't be too slow, don't be too fast, you'll get there soon.

As myself, well, I hate people who breaks promises. Hindi mo naman kailangan magpromise kung alam mong hindi ka sure na magagawa mo. O matutupad mo. I love books, my favorite books(series) are A Series Of Unfortunate Events books, and Percy Jackson books. I love BTS and ASTRO. I love music. One time, I cried because of a headset, it's the only thing that takes me away from the real world. I love singers, Charlie Puth, Meghan Trainor, Camilla Cabello, Ariana Grande, Bruno Mars, etc. I like writing stories. I'm very lazy (today I don't feel like doing anything). Madali akong mainis pagdating sa mga bagay na importante sa akin.

2. Message for myself: Don't give up. Embrace all your ideas. You'll get there. You have a little more time.

For my co-members: 'yong iba po sa inyo, may mga story na isinusulat kaya I'm so proud. Publish man o hindi, tapusin niyo po, ah? Hehe. Alam ko pong kaya natin ito! Someday po, 'yong mga books niyo/natin magiging rank 1 na lang bigla. Don't give up po, every co-members in WWG will be supporting you. Also, once na rumami-rami na po ang kaalaman niyo tungkol sa pagsusulat, if you see something wrong in someone's story that you learned from WWG, point out the mistake then point out the thing she/he did right. Mas okay ang point-out ng mali at tama kaysa sa pagpoint-out ng mali lang.

For the Admins: thanks sa pagtanggap sa akin! Hahaha. Sobra po akong kinabahan nang ichat ko si Ate Reign, 'yon pa lang akala ko mamamatay na ako. Natakot ako, hanggang ngayon takot pa rin ako kasi feeling ko matatanggal na lang po ako bigla dahil sa lack of writing skills ko.

For All the Aspiring Writers Out There: ako nga, hindi pa rin sumusuko kahit wala akong natatapos na story, ikaw pa kaya? Kapag gusto mo, gumawa ka ng paraan para makuha mo 'yon. Don't keep making excuses. Dapat alam niyo rin na mahirap ang pagsusulat, pero kapag natapos mo 'yong story na ginagawa mo, it's so worth it.

3. Nabago? Iniba ng WWG ang buhay ko. Dati kasi, gusto ko ang pagsusulat at akala ko basta makapagsulat, okay na. Nang makarating ako sa WWG, naisip ko na parajg basura lang pala ang ginawa ko. First entry ko 'yong Allegory, grabe. Dahil first time ko pa lang 'yon, nasaktan ako sa critique. I thought of leaving but I never did because I'm scared. Tinanggap ako tapos aalis ako agad? That's just.... bad. Confession: After 2 critiques, hindi ko na binasa ang ibang criticism ng iba. But now, I accept critiques. Just give them in a very nice way kasi sensitive ako. Hahaha. Thank you, everyone, for accepting me. Sorry sa hindi pagchat sa GC masyado. Hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako, eh.

[HI galawangbabae! GUMAMELA 'TO. WAG MONG SASABIHIN NA KULANG ANG WRITING SKILLS MO. DAHIL LAHAT TAYONG NANDITO AY MAY POTENTIAL SA LARANGAN NG PAGSULAT KAILANGAN LANG NATING PAGBUTIHIN UPANG LUMAGO ANG MGA TALENTONG BIGAY SA ATIN. :) WAG KA RING AALIS SA GUILD JUST BECAUSE NASAKTAN KA SA CRITICS. PAANO KA MAGI-IMPROVE KUNG HINDI MO TATANGGAPIN ANG MGA SINASABI SA'YO? GANOON NALANG BA 'YON? HINDI NAMAN NAGC-CRITIC PARA SAKTAN ANG WRITER. KUNDI PARA MA-IMPROVE PA ANG KWENTO. ANYWAYS, WAG KANG MAHIHIYA SA MGA TAO SA GC, DI NAMAN SILA NANGANGAGAT. YOU CAN TELL THEM ANYTHING AS LONG AS HINDI NALALABAG ANG RULES NG WWG. BE OPEN LANG BEBE, DAHIL HINDI KA LALAGO BILANG WRITER KUNG PATULOY KANG MAGKUKUBLI SA ISANG KAHON. :) ]

WWG: What happened after 1 year?Where stories live. Discover now