Simon_John

36 8 6
                                    

"Change Has Came"

              Sa panahon ngayon, iba't-iba ang basehan ng pagiging 'jejemon'. May mga tinatawag na 'jeje' dahil sa pananamit, sa musikang pinapakinggan at sa mga ipino-post sa facebook. Noong itinipa ko ang unang salita ng unang nobelang isinusulat, hindi ko lubos naisip na sa paglipas ng panahon habang humahaba ang nobela ay nagiging dagdag ako sa bilang ng mga 'jeje' hindi dahil sa pananamit, sa musika o sa mga post sa facebook. Naging dagdag ako sa kanilang bilang dahil sa paraan ng pagsulat ko.

             Noon, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, sulat lang ng sulat. Matatawag na nga siguro akong famewhore dahil reads, votes at comments ang basehan ko kung maganda ba ang nobelang isinusulat ko. Sa bawat araw na nadadagdagan ang reads at votes ay updated ang mga kaklase ko. Nagpo-post pa nga ako sa facebook ng pagpapasalamat sa mga readers kasama ang screen shot ng nobela ko. Nagpo-post din ako ng promotion at gumagawa ng iba pang account para i-vote ang novel ko. Famewhore, 'di ba?

              Doon ko rin nakita ang account ng WWG. Nakita ko ito sa following section sa account ni Reign. Naisip ko, ita-try ko lang naman. Nag-pm ako kay kuya Aki na sasali ako. Little did I know na do'n magsisimula ang pagbabago sa writing career ko. Doon ko napatunayang mali ang mindset ko noon. Hindi ko akalaing sasabihin kong hindi reads, votes o comments ang basehan ng ganda ng isang akda. Nagre-read ako at natawa na lang sa story ko. Sinabi ko ie-edit ko na lang pero hindi ko pala kaya kasi malala na siya. Dahil din sa WWG ay natuto akong magpuyat na hindi ko gawain dati. Natuto akong magtago sa ilalim ng dalawang makakapal na kumot para hindi maabutang nagce-cellphone nang madaling araw. WWG really changed my life.

               I keep telling myself, "Keep on writing kahit walang magbasa." kasi iyon yung itinuro sa akin ng guild. Iyan lang ang masasabi ko sa sarili ko kasi iyan ang kahinaan ko. Pero dahil sa mga co-members ko ay namo-motivate akong magsulat. Kaya sa inyo, co-members ko, "Keep on writing. Walang makapipigil sa atin. Salamat sa pagmo-motivate sa akin. Thanks for the joy mula no'ng April 13, 2017 na una kong pagsali sa guild. I love you all guys." And finally, to all writers out there, "Write something new. Be the best through your own work. Always accept criticisms at siyempre, sali na sa WWG!"

###

Written by Simon John Serrano

[ HI MON Simon_John. ATE APOL TO. SANA WAG MONG SUKUAN ANG PAGSULAT. KAHIT ILANG BESES MONG SABIHIN NA HINDI PARA SA'YO ANG PAGSULAT, HINDI AKO MANINIWALA. KASI AKO NAKIKITA KO ANG POTENTIAL AT IMPROVEMENTS MO. ISA LANG TALAGA PROBLEMA MO, HINDI MO ISINAPUSO ANG BAWAT SINUSULAT MO, IBIG KONG SABIHIN, KULANG KA PALAGI SA EMOTIONS. MORE ON UTAK ANG NAKIKITA KO SA BAWAT SINUSULAT MO, FOCUS KA SA TECHNICALITIES, SOBRA THAT YOU TEND TO FORGOT WHY YOU'RE WRITING THAT STORY. YUNG FRUSTRATIONS MO, OKAY LANG 'YON. I'VE BEEN THERE. DAMI KONG PLOT. CHECK MY BOOK NA "STORIES IN THE BOX" DIBA MAY MGA PROLOGUE DON, YUNG MGA YON, NASULAT KO DIN NUNG MGA PANAHONG GUSTONG GUSTO KONG MAKABUO NG KWENTO. DAMI KONG IDEAS PERO NI ISA WALANG NATUTULOY. HANGGANG SA DUMATING YUNG RIGHT TIME SA AKIN, NABUO KO ANG THE QUEENS KO. KAYA WAG KANG SUSUKO. KASI HINDI KA MAKAKARATING SA FINISH LINE KUNG UMPISA PALANG SUSUKO KA NA. ;) ]

WWG: What happened after 1 year?Where stories live. Discover now