Lovely_Eljey

50 8 0
                                    

1. Tell me something about yourself

Bilang ako

Kapag na-meet niyo ako sa personal, isa po akong shy type na nilalang na palaging naka-isolate sa mga taong may pinaglalaban sa sarili buhay man ang maging kapalit. Haha! Sabi ng mga classmates ko dati, mataray daw ang first impression nila sa akin pero nagkamali raw sila ng akala dahil hindi naman daw pala ako gano'n. Sadyang tahimik at seryoso ako sa mga bagay na ginagawa ko pero kapag nakausap mo na ako, doon na lalabas ang kadaldalan ko lalong-lalo na kung may kapareho akong interes sa buhay. Loka-loka rin ako kapag kasa-kasama ko ang mga kaibigan ko. May stage fright po ako. Takot akong ibahagi 'yong mga ideya at opinyon ko sa lahat dahil feeling ko baka masamain 'yon ng mga tao. Pero minsan nagtry akong i-express ang opinyon ko sa comment section ng YouTube (hindi ko na maalala kung tungkol saan 'yong comment ko) pero sa dinami-rami ng mga nagcomment doon, 'yong akin pa ang napansin at medyo natuligsa (that's ouch! xD) kaya ayon, nadala na ako at hindi na umulit haha!

Isa po akong dakilang taong-bahay. Hindi kasi ako mahilig lumabas-labas ng bahay. Saka lang ako lalabas ng bahay kapag niyaya ng mga kaibigan o kapag may mga aasikasuhin akong importante sa trabaho ko. Dahil taong-bahay ako, madalas din akong maligaw dahil hindi ako masyadong bumibyahe ng sobrang layo. Mahilig din akong magbasa. Meron akong kabinet kung saan doon nakatabi lahat ng mga binabasa kong libro. Syempre, kasama riyan sa collections ko ang Watty books. Mas suportado ko ang mga manunulat na Pilipino. Sobra kong naa-appreciate ang mga likha nila dahil nakakatulong sila sa pag-unlad ng literatura ('wag lang jeje utang-na-loob T^T).

I am also a licensed teacher major in Filipino na naligaw sa IT field. Pagkatapos ko kasing magtapos sa kolehiyo, marami kaming in-apply-an na private schools. Unfortunately, hindi sila nagha-hire ng major in Filipino dahil kaya na raw 'yon ng English Teachers. May iba naman na ibang major ang offer sa amin kaso hindi ko naman gamay 'yon. Kaya ayon, sa paggagala-gala naming magkakaibigan (sa Star Mall yata 'yon? Basta, sa isang mall 'yon haha!), hinarang kami ng mga taong namimigay ng flyers haha! Ayon, nagtry, pinalad makapasa sa exam at interview at ngayon, malapit na akong magtatlong taon dito sa pinagtatrabahuan ko.

I love animes. Sailor Moon ang pinakapaborito ko sa lahat. Haha! Nagandahan kasi ako sa friendship ng Sailor Warriors kaya lahat ng ginagawa kong stories ay nangingibabaw ang friendship goals. I love Jpop music bago dumating ang Kpop. Ayumi Hamasaki is my QUEEN! I collect her albums through buying online. I'm also a fan of Hey! Say! JUMP and my bias is Yuya Takaki beybeh! Sa sobrang hilig ko sa bansang Japan, nag-aral ako ng Basic 1 Japanese lesson sa isang Nihongo Center (hindi na ito nasundan dahil hindi na kaya ng schedule ko ang magtake ng basic 2). Sa Kpop naman, fan ako 2NE1 (bias CL), BIGBANG (bias TOP), BTS (bias V), and BlackPink (bias Lisa). I'm also a Taylor Swift fan at dahil ongoing ang sinusulat kong HisFic story, nahilig na rin akong makinig ng Spanish songs lalo na sa mga awitin ni Lali Esposito, my favorite Argentinian singer. Syempre, number one sa puso ko ang OPM. Kahit na marami akong favorite songs sa ibang bansa, walang makakatalo sa kantahing Pinoy. Mahal ko ang sarili nating awitin.

Bilang Manunulat

"You fail only if you stop writing." ― Ray Bradbury

2011 - I became a member in Wattpad as a reader. Na-introduced lang sa akin ang Wattpad noong pagkatapos kong magtapos sa high school ng isa kong kaibigan. Sabi ng friend ko, doon ko raw i-post 'yong mga stories na ginagawa ko para mabasa rin daw ng iba. Iisipin ko pa lang na ipo-post ko ang mga stories ko, tinamad na ako. Haha! Hindi sa ayaw kong i-share. Bago kasi nauso ang Wattpad, nauso na noon sa amin ang magsulat ng stories sa notebook ('tapos ipapabasa ko lang sa mga friends o classmates ko hehe). Taghirap pa lang kami noon. Walang sariling laptop at magastos kung rerenta ng oras sa computer shop para doon magtype ng kwento. In the end, nagsilbi lang akong masugid na tagabasa ng mga legendary authors.

2013 - Dito na nagsimula ang pagpo-post ko ng sarili kong kwento. Sobra akong na-inspired sa quote ni Ray Bradbury. Iyan ang mga panahong pinanghihinaan ako ng loob lalo na kapag may nagsasabi sa akin na walang patutunguhan ang mga sinusulat ko. Balak ko noong huminto sa pagsusulat at magfocus na lang sa pag-aaral at sa ibang bagay. Pero hindi 'yon nangyari. Palagi akong ginugulo ng mga ideas na naiisip ko at gusto ko 'yong isatitik. Doon ko lang na-realized na pagsusulat pa rin ang gusto ng puso ko (naks! xD) at ang Kapitan Makata (February 15, 2013) ang kauna-unahang story na in-upload ko rito sa Wattpad (pasensya na po pala kung marami akong grammar error sa English). Then pak ganern! Nasundan ang kwentong 'yan ng marami pang iba.

Ang gusto ko lang sabihin sa mga pinagdadaldal ko ay mahalin natin ang talentong ipinagkaloob sa atin ng Panginoon. Huwag nating isantabi iyon sapagkat iyon ang tinitibok ng puso mo (okay na akong maging single forever pero hindi mawawala ang katapatan ko sa pagsusulat). Pagyabungin, pagyamanin, paunlarin at ibahagi sa lahat ng mga nais makabasa ng mga isinulat mo na nagmula sa ating puso. Sa lahat ng mga natatanggap kong feedback mula sa mga mambabasa ko, doon ko lang na-realized na naghahatid pala ng saya at ngiti sa ibang tao ang mga sinusulat na pinanghihinaan ng loob, nalulumbay at lalo na sa mga OFWs na nangungulila sa kanilang pamilya na naiwan nila rito sa Pilipinas.

Ito marahil ang tunay na ginagampanan kong papel sa sariling kwento ng aking buhay.

2. Messages

Sa aking sarili - ipagpapatuloy ko ang aking pagsusulat hangga't mayroon pang napipiga ang aking isip.

Kapwa kasapi ng guild - sobra akong nagpapasalamat sa inyong lahat dahil kayo ang unang takbuhan ko kapag meron akong kinakaharap na problema sa sinusulat ko. Lalong-lalo na sa suporta na binibigay niyo sa HisFic ko. Maraming salamat.

Sa Admin - unang-una sa lahat, nais kong humingi ng paumanhin kung palagi akong inactive sa messenger at sa ibang guild activities natin. Mahirap talaga para sa akin ang magsulat nang sabay-sabay at hindi nagfa-function nang maayos ang utak ko kapag ganern haha! Ipagpatuloy ninyo ang magandang layunin ng ating guild. Malaki ang naitulong ninyo sa akin at sobra akong nagpapasalamat sa inyo.

Aspiring Writers - 'Wag kayong hihinto sa pagsusulat. Magbasa nang magbasa para meron kayong matutunan sa tamang paraan ng pagsusulat at matuto tayong tumanggap ng puna hindi dahil para mapahiya tayo kundi para maitama at mapagbuti pa ang ating pagsusulat.

3. Paano nabago ng WWG ang writer life mo?

Ito ang pinaka-climax para sa akin. 'Yong Writing Duo Reloaded talaga ang dahilan kung bakit nabago niyo ang normal kong pagsusulat. Okay na kasi ako sa humor/romance genre pero hindi inakalang magagawa ninyo akong pagsulatin ng historical fiction. Ilag talaga ako sa genre na 'yan kasi pangalan pa lang ng genre ay mabigat na sa pakiramdam kahit na isa sa paborito ko ang History. Dahil sa activity na 'yon, nakabuo ako ng sarili kong ongoing HisFic story. Hindi ko magagawa 'yon kung wala kayo. Salamat sa magandang feedback ninyo sa short story namin ni Anna_Marie_Marata. Kung hindi dahil sa activity na 'to, hindi ko mare-realized na kaya ko palang magsulat ng story na may touch of HisFic. Maraming salamat WWG Family. More power!

[HI ATE Lovely_Eljey! MELA HERE. GUSTO KO LANG SABIHIN NA ISA AKO SA MGA TAONG SOBRANG PROUD SA HISFIC MO. AT LEAST MAY ISANG BAGAY AKONG MAKIKITA NA ALAM KONG NABUO DAHIL SA GUILD. SOBRANG PROUD AKO. AS IN NILO-LOOK FORWARD KO ANG MGA MEMBERS NA MAKAGAWA RIN NG KWENTO DAHIL NA-INSPIRE O MAY NATUTUNAN SILA MULA SA ACTIVITIES. ISA KA ATE SA MGA PATUNAY NA MAY NAGAGAWA ANG WWG, ISA KA SA MAITUTURING NA SUCCESS O ACHIEVEMENT NG GUILD NA ITO SA LOOB NG ISANG TAON. :) ]

WWG: What happened after 1 year?Där berättelser lever. Upptäck nu