Miss251

49 7 1
                                    

1. Myself:

Isa akong komplikadong tao, na ang tanging gusto lamang na matuldukan ang mga problemang tinatahak ng aking pamilya, na mukhang malabong mangyari. Bata pa lamang ako ngunit, kitang-kita ko na kung gaano kakomplikado ang aking buhay, masyado kaming gipit. Ang hirap maging masaya kung ganito ang aking sitwasyon. Parang tele-drama ang buhay ko, puno ng kasinungalingan at masyadong maraming kalaban ang pamilya ko kaya't pati ako ay nadadamay. Kaya ang tanging ginagawa ko lamang para matakasan ang grabehang reyalidad na 'to kahit panandalian lang eh, ang pagtatago sa isang sulok at pagsusulat ng aking saloobin. Para kahit doon manlang ay maging payapa ang magulo kong isipan. Kahit gusto kong makatulong sa pamilya ko, hindi ko kaya. Masyadong komplikado ang aming buhay na parang gusto ko nang maglaho nang parang bula sa mundong 'to.

Tanging sa pagsusulat lamang ako nakakaramdam ng kasiyahan. Do'n ko inilalagay lahat ng galit na kinikimkim ko sa aking mga kamag-anak na walang ginawa kundi pahirapan kami. Isinusulat ko din roon ang mga kaibigan ko na pinagplastikan lang naman pala ako. Halos pinatay ko na nga sila do'n. Hindi ko na nga lang ito pinapabasa sa aking mga magulang dahil baka may gawin silang masama sa'kin. Do'n ko kinahilingan ang kategoryang non-fiction. Sinusulat ko ang aking buhay kasama na rin ang aking mga kahilingan o hinaing sa buhay.

Sa aking buhay ako mismo kumukuha ng inspirasyon para makapagsulat, kasama na rin do'n ang hangarin kong maging isang manunulat balang araw. Bilang isang batang na ang pangarap ang maging isang manunulat at bilang ako mismo, ang masasabi ko sa aking sarili ay, "Isa akong tao na ang tanging hiling lamang ay makaalis sa kulungang kinalalagyan ko upang ako'y maging malaya at masaya magpakailanman."

2. Message:

Marami akong mensaheng gustong iparating, pero hindi ko na iisa-isahin pa at magpapaligoy-ligoy dahil masyado itong mapapahaba. Ang tanging mensahe ko para sa inyong lahat pati na rin sa aking sarili ay, 'wag tayong sumuko kahit anong mangyari. Kahit nahihirapan ka na, 'wag kang sumuko kung tingin mo ay ang pagsusulat talaga ang passion mo, na ito talaga ang talento mo. Kasi kapag sinukuan mo ang pagsubok na ito, baka maging dahilan iyon upang masira ang pangarap mo o kaya'y hangarin maging manunulat balang araw, mawawala ang lahat ng pinaghirapan mo. Kahit bata ka pa lamang, 'wag kang sumuko, para sa iyong pagtanda, may mga armas ka nang dala para sa mga makakalaban mo sa larangan ng pagsusulat. Alam kong mahirap, kasi dinaranas ko rin 'yan. Mas mahirap ang patuloy na paglaban kaysa sa sumuko. Pero 'wag kang bibitaw, bumangon ka lang nang bumangon. Malay mo balang araw maitaas mo na ang iyong watawat bilang isang manunulat na iniidolo ng mga tao. Tsaka kasama mo ang Diyos, nandiyan siya sa tabi mo upang ika'y bantayan at tulungan. Hinding-hindi ka niya iiwanan hanggang sa huling paghinga mo at huling pagtakip ng talukap ng iyong mga mata.

Alam kong hindi pa ako isang manunulat pero, malakas ang aking paniniwala na maabot mo rin ang iyong pangarap, maabot natin ang ating pangarap, basta't lumaban lang tayo nang lumaban, walang atrasan, walang sukuan. Hanggang sa maabot natin ang ating inaasam.

Hindi lamang tungkol sa pagsusulat ang iyong ipaglalaban, ipaglaban mo rin ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay. Kadugo mo man 'yan o hindi. 'Wag mong sukuan ang mga pagsubok na ibibigay sa iyo ng Diyos, dahil para iyon sa iyong ikakabuti. Katulad na lamang ng aming Guild Master, kahit na hirap na hirap na siya sa kanyang tungkulin, hinding-hindi niya binitawan ang guild. Kasi ayaw niya na masira ang pangarap naming mga miyembro niya. Kahit gipit na ang kanyang mga oras, pilit niya kaming isinisingit sa kanyang mga tungkulin, gano'n niya kami kamahal. Kahit na pagod na siya sa buong araw, hindi niya kami sinusukuan. Sana gano'n rin ang gawin ninyong lahat. Basta magtiwala lamang kayo sa inyong mga sarili na makakaya mo ang iyong mga pagsubok sa buhay.

3. Changes the guild has made to me:

Dati, isa lamang akong tao na nakakulong sa isang malaki at komplikadong suliranin. Puro na lamang paghihinagpis at pagluluksa ang aking nadarama. Wala akong mapaglabasan ng damdamin, hindi naman ako pagtutuunan ng pansin ng aking magulang dahil nga sa aming mga problema, wala naman akong kaibigan na mapagsasabihan ng aking saloobin. Pakiramdam ko nga'y nag-iisa lang ako sa mundong ibabaw. Walang tao ang gustong lumapit sa'kin. Sabagay, sinong tao ba ang lalapit sa akin na mayroong masamang kapalaran?

Hanggang sa may isang malaking milagro ang nangyari sa aking buhay. Milagrong ikinaglaho ng halos lahat ng aking mga suliranin.

Niyaya ako ng Guild Master ng isang guild ng mga manunulat na sumali sa kanilang samahan. At talaga namang hilig ko ang pagsusulat at mula pagkabata ay hangarin kong maging manunulat, kaya mabilis akong pumayag sa kanyang suhestiyon. At doon nang nag-umpisang magbago ang buhay ko.

Mayroon na akong napaglalabasan ng damdamin, unting-unti ko na ring nakikita ang pagbabago sa aking pagsusulat. Mula sa isang maiikli na mga essay, nakakaya ko nang gumawa ng isang one-shot na istorya. Natututo na rin akong maglarawan ng mga bagay-bagay ng paisa-isa. Napapalawak ko na rin ang isang simpleng bagay. Unting-unti na ring lumalawak ang imahinasyon ko. Natututunan ko na rin ang mga batas sa pagsusulat na dati'y hindi ko alam. Napapahaba ko na rin ang isang simpleng pangungusap. Naiilabas ko na rin ang mga saloobin ko nang hindi nagwawala ng lubusan. Talagang nagpapasalamat ako sa WWG, lalong-lalo na sa miyembro nito na walang sawang sumusuporta sa samahan hanggang ngayon.

Hindi lamang ako tinulungan ng samahang ito sa pagsusulat, nagkaroon din ako ng mga kaibigan na lubos kong kinasasaya. Isa itong napakagandang biyayang aking nakamit sa buong buhay ko. Lubusan akong nagpapasalamat sa samahang ito, binago ninyo ang buhay ko na puno ng kalungkutan. Pakiramdam ko ay parang nakalaya ako sa isang kulungan, ang sarap at ang gaan sa pakiramdam. Marahil ay marami itong matutulungang mga tao na may hangaring maging manunulat. Sana'y magtagal pa ang samahan na 'to dahil marahil marami pa itong magagawa para sa hinaharap.

[HI BEAAAAAAAAAAAA! Miss251. LOVE NA LOVE KITANG BATA KA, PERO MINSAN KULANG KA SA TIWALA SA KAKAYAHAN MO. BEA ALAM MO, UNANG ENTRY MO PALANG HANGA NA AKO SA'YO. NAPABILIB MO AKO SOBRA. SABI KO PARANG HINDI BATA ANG NAGSULAT NITO. MAS MAGALING KA PA ATA SA AKIN EH. HAHAHAHA. YON LANG NAMAN ANG MAIPAPAYO KO SAYO, WAG KANG MAWAWALAN NG TIWALA SA SARILI MO KASI ALAM MO MAGALING KA. MAY TALENTO KA AT MALAYO ANG MARARATING MO. TIWALA LANG PALAGI HA?  MUAH. ATE APOL TO.]

WWG: What happened after 1 year?Where stories live. Discover now