gutinstinct

21 7 4
                                    

Silent writer and silent reader. Siguro, ganito ako idescribe ng mga tao lalo na kung kilala nila ako sa personal man o hindi. 50/50 tahimik at maingay. May time na tinatamad akong magsalita kaya nakikinig lang ako, may time rin na kapag gusto ko ang topic, ako lang ang nagsasalita tapos 'yong iba tango lang ng tango kahit hindi naman nakakarelate sa pinagsasabi ko, hahahaha! Mahilig din ako mag-daydream. Kung saan-saan nga nakakaabot mga pinag-iisip ko eh pero wala naman nangyayari. Dinadaan ko na lang sa sulat kasi alam kong suntok sa buwan lahat ng iyon. Through writing, I can escape from reality. Kaya naiintindihan ko ang mga writers na sobra kung maglagay ng emosyon sa sinusulat nila. Sila rin ang naging inspirasyon ko sa pagsusulat. Hindi ko man naisasatinig ang mga salitang nais kong sabihin, at least nagagawa ko ito sa paraang pagsulat. I write for myself, not to impress but to express what I feel. I write with the heart. Kaya for me, positive or negative man ang reaction ng mga readers sa gawa ko, tanggap ko iyon ng buong puso and thankful ako sa kanila kasi natututo ako at the same time nalalaman ko kung ano ang mga mali ko. Kaya rin excited ako palagi kapag critic session na! Haha basta kung ano ang pinapakita kong attitude sa inyo, ganoon din naman sa personal. Mahinhin at seryoso pero mabait ako haha. Ano pa ba pwede kong sabihin? Uhm, sa mga paborito ko naman, syempre alam niyo naaa. Love na love ko sina Avril Lavigne at Bamboo hahaha. Sila ang lagi kong iniistalk sa IG, Twitter, FB and Youtube. Tapos lahat ng songs at music videos nila meron ako sa memory card ko. Sila ang nakakapuno niyon hahahaha. Tsaka marami rin akong posters nila sa bahay. Ang wala lang ako ay album nila. Sad huhu. Anyway, mahilig din ako mangolekta ng mga libro. Specifically, wattpad books. Mayroon na akong books ni jonaxx and ilang books ni maxinejiji. Goal kong makumpleto lahat ng books nilang dalawa kasi sila ang mga favorites kong authors sa wattpad. Tsaka pala, maganda mga stories nila. Recommend ko sainyo! Hehe iyon lang naman mga pinagkakaabalahan ko sa buhay. Wala na akong masabi eh. By the way, maliit lang po ako. Iyon ang katangian ko na hindi ko sinasabi sa lahat. Charot. Ako po si Pyey with the penname "gutinstinct". Hello sainyo!

Message ko lang para sa sarili ko, "Self, sana tumangkad na ako. Sana kumain na ako ng marami. Sana huwag na akong maging tamad. Sana rin mag-update na ako sa story ko dahil ang tagal ko nang hindi nagpaparamdam hahahaha. Stay humble kuno. Stay pretty? Charot jk lang hahaha." Message ko to all my co-Guild, thank you! Salamat sa pagshare ng mga gawa ninyong stories. Sa critic ninyo sa bawat isa. Keep on writing guys! Huwag kayong titigil magsulat kasi alam kong may patutunguhan ang lahat ng sakripisyong ginawa ninyo. Sana marami pa tayong matutunan dito sa Guild. Sana walang susuko. Message ko sa mga admins, thank you so much! Sa lahat. Sa patient, sa care, sa suporta at sa pagmamahal ninyo sa amin. Alam ko na ang nais niyo lang eh matuto kami at maging mahusay kami sa pagsusulat. Worth it. Worth it na sumali ako rito sa WWG, dahil sainyo. Dahil sainyong walang sawang pagbibigay sa amin ng gabay at pagsuporta. Sa pag-asa na lagi ninyong sinasabi, na huwag kaming susuko. Saludo po ako sainyo. Lalo na kay ate Apol. Huhu. Thanks ate sa chances na lagi mong binibigay sa akin. Thank you. Kay Professor Amer haha, thank you kuya sa pagiging cool at gwapong admin hahaha! Marami rin akong natutunan saiyo. Kay kuya Aki, thank you kuya sa pag-invite sa akin ditto sa Guild. At sa mga admins, thank you guys sa lahat! Para sa mga nais matuto, sa mga manunulat sa Pilipinas, keep on writing! Make the most out of it, write it to the fullest! Hahahaha nabasa ko lang 'yan hehe. Love you guys.



Watty Writer's Guild. Una kong nakita 'yan sa messenger ko. I think inadd ako ni kuya Aki diyan tapos hindi ko binubuksan kasi nahihiya ako sumali sa usapan nila. That time kasi browser lang gamit ko at mahina lang ang data kaya late kapag nagsesend so hindi ako nakikisali sa mga gc or what. Hinahayaan ko lang na mag-pop up mga messages nila. Noong tumagal na, syempre nagtanong na ako kung ano iyon at nalaman kong para iyon sa mga writers na gustong matuto sa pagsusulat. Naging interesado ako kasi gusto ko rin matuto so sumali ako nagpasa ng entry. Kaya ayun, naging parte na akong ng Guild hanggang ngayon. Paano nga ba nabago ng WWG ang life ko? Dahil sa WWG, naging mataas na ang standard ko pagdating sa mga stories na binabasa ko. Nagiging jeje na sa paningin ko ang mga kwento with emoticons. Iyong mga konting errors sa binabasa ko, napapansin ko na rin. Tapos kapag medyo cliché ang story, hindi ko na ipinagpapatuloy. Thankful ako dahil naging parte ako nitong Guild. Nakilala ko ang mga mahuhusay na writers sa wattpad. Natutunan ko ang mga bagay na rito ko lang nalaman. Most specially, naging better ako as a writer and reader. Thanks to WWG. Thanks to them. I learned a lot.

[HI gutinstinct. GUSTO KONG MALAMAN MO NA ISA KA SA MGA MEMBER NA SOBRANG NAPAPAHANGA AKO SA MGA NAISUSULAT MO MULA PA SA FIRST EVER ENTRY MO. KAYA SANA WAG KANG MAWAWALAN NG TIWALA SA SARILI MO AT SANA MAKITA KO PA ANG MGA GAWA MO. MAKABUO KA SANA NG SARILI MONG KWENTO DAHIL GUSTO KONG MABASA. ;) WAG MO SANANG IWAN ANG PAGSUSULAT, DAHIL MALAYO ANG LILIPARIN MO SA LARANGANG ITO. ATE APOL TO. :) ]

WWG: What happened after 1 year?Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum