QueenDollybird

21 7 1
                                    

1. Tell me something about yourself. Ipakilala mo ang sarili mo sa akin. (Bilang writer at bilang ikaw mismo)

Ako bilang kabuuan ay isang alien, de vampire at wolf pala, char lang. Isa akong taong mabait, pero hindi naman lahat ng tao BAIT LANG ang mayroon sa atin, masama rin ako, mostly yun yung lagi kong sinasabi or pinanghaharangan kapag may gustong makipagkaibigan or may gusto sa akin. Childish ako kase ayaw kong laging seryoso kahit sa loob-loob ko ang seryoso at ang lungkot. Syempre ayaw kong laging seryoso, gusto ko nakikita ako ng ibang tao na masayahin at parang bata lang. Kahit yung iba tingin sa akin inosente, bahala sila, pero minsan naririndi na rin ako sa mga taong kala nila bata talaga ang isip ko, nakakainis yung mga ganun. Parang ano ba? Alam ko yung mundong ginagalawan ko no, alam kong yung iba gagamitin ka lang, pero may totoong tao pa rin sa paligid, alam ko din na hindi naman mali ang pag-ibig sadyang yung mga desisyon ng tao ang nagkakamali dahil umiibig, alam ko din na kung wala kang pera wala kang kapangyarihan, pero dito lang yan sa mundo, hindi yan mahalaga kapag kaluluwa mo na ang sinentensyahan kung sa langit o impyerno ka ba. Ang sinasabi ko lang ay, realistic ako, kaso minsan sa sobrang pagiging realistic nagiging negative minded ako, napaka pessimist madalas, hanggang sa nawawalan na ako ng pake sa ibang bagay lalo na sa sarili ko, hanggang sa nagiging manhid na tipong saksaktan mo yung ibang tao kahit alam mong mahalaga sila sayo dahil ang iniisip mo mas masasaktan sila kung nasa side mo sila. Kailangan mo minsan maging matatag kung hindi kaya ng iba, kailangan mong saktan yung iba para matuto naman silang hindi lahat nakukuha, naging karma ako sa iba sabi nila dahil daw natuto sila ng mga aral at nagbago dahil nakilala nila ako, kaya iniisip ko hindi sila lahat magi-stay sa akin, kailangan lang namin matuto sa isa't isa pagkatapos tapos na. Dati optimistic ako kaso unti-unti yun nawawala, masayahin talaga ako, kaso minsan pinepeke ko na lang, ayaw ko ng ganun, kaya kung anu yung nararamdaman ko ipapakita ko na lang kaso nga lang hindi mo maiiwasan na pekein yung tawa o ngiti mo kapag nasa maraming tao, mas mahirap kase mag-explain kaya ang gagawin mo,ipapakita mo na lang sa kanila yung nakasanayan nilang "ikaw". Dumating ako sa point na nadepressed ako hanggang ngayon naman ata, pero nalalabanan ko naman, nung mga nakaraang buwan iniisip ko na lang na mamatay, tipong napaglalaruan lang naman ako e, masaya ka tapos bigla ka pang palulungkutin? Para saan pa ang maging masaya kung kukunin lang din naman agad?! Kaya nagalit ako, nainis, ang hira mabuhay ang daling mamatay, tipong kapag nabubuhay ka kailangan mo mag-aral, maghanapbuhay, kumita, kumain lahat, pero kung magpakamatay kahit yung shampoo o bareta lang sa Cr kainin o lunukin mo patay ka na e, or magbigti ka lang ganun, pero kahit na gusto ko ng hindi mabuhay, may humihila sa akin –konsensya. Sobrang laki ng konsensya ko, pero ngayon ata lumiliit na rin, dahil nga sa nawawalan ako ng pake, mas ok kase yun kung minsan para hindi ka na mag-isip o magalala sa iba. Nagbabago talaga ang tao, nakakalungkot kung iisipin pero Malaki rin minsan ang naitutulong ng pagbabago. Pero ang hindi naman nawala sa akin yung palakaibigan, mapagmahal ako sa kainigan ko kahit hindi ako showy, kahit mukhang wala akong pake sa kanila pero naiintindihan naman nila na mahal ko sila bilang mga kapatid. Hindi rin nagbago yung pagkagusto ko sa mga stories bata pa lang ako gumagawa na ako ng kwento kahit hindi ko pa alam yung spelling ng "nang at ng" hahah oo dahil don naiinis ako kinder ata ako nun hindi ako makapagsulat ng maayos dahil may mga spelling na hindi ko alam hahaha, tapos natigil yun, pero naging journalist ako tapos g8 ako bumalik sa pagsusulat ng istorya, kaso mahirap kase ang dami kong ideas, yung personality hindi tugma sa isang magandang istorya, gusto ko laging sad ending, parang gusto ko ako yung character, pero hindi ko magawa kase hindi ako magaling, hindi ako marunong magpalawak ng mga salita o kahit ipaintindi sa mambabasa yung gusto kong ipahiwatig. Ang lawak ng gusto kong marating sa pagsusulat pero minsan iniisip ko na hobby lang naman to, ano bang matutulong nito? di naman ako magkaka- career dito, kapag naiisip ko yun nalulungkot ako, nawawalan ako ng gana. Ginagawa ko yung makakaya ko pero hindi nga siguro ang best ko dahil may iba pang kailangan iprayoridad. Pero dahil sa pagsusulat naeexpress ko yung gusto ko, mahirap nga lang ipaintindi sa iba, pero gagaling din ako, someday yung story ko mararamdaman rin ng mga mambabasa.

WWG: What happened after 1 year?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon