cutterpillow19

23 6 4
                                    

              Araw-araw humaharap ka sa iba't ibang tao at nakakabasa ng milyun-milyong pangalan, kahit ikaw may sarili ka ring pangalan, lahat naman siguro ng tao may pangalan. Pero nakakubli sa likod ng makata at magandang pangalan na ito ang totoong ako, simpleng tao. Lahat ng kilala mo at kilala ko sasabihing pangkaraniwan lang sila, nagugutom, nauuhaw, tumatawa, umiiyak, nasasaktan at nagmamahal, HARO JUSKO! OA noh?! Daming drama. Pero oo, gaya din ako ng ibang tao, minsang nangarap na makilala sa lahat. Ang problema nga lang di naman ako kagandahan gaya ni Liza Soberano, kakinisan gaya ng model ng Belo, katalinuhan gaya nung nag top-1 sa Engineering board exam. Alam ko na! *may naisip na brilliant idea ang peg* baka sakaling dito sa ikwekwento ko eh malay mo, malay nya, malay natin exciting din pala pagusapan ang buhay ko, pero di na tayo mag-uusap tungkol sa acads ha? Kasi dami ko na namang bagsak.

                 Minsan tinatanong ko kung bakit kinakahiya ng ibang pinoy yung kultura natin? Yung musika natin? Sinasabi ng ilan na "EHH? Pinoy? Cheap nyan dude, super baduy". Ano yun sarili mong wika, kultura at bansa kinakahiya mo? Haist, tsk tsk tsk Pilipino talaga.

                Lahat ng millennials ngayon adik sa K-pop, at kung itatanong mo kung naging isa ako sa kanila? Abay oo ulit ang sagot ko, apat na taon din akong nakiki-oppa at saranghae. Fan ako ng magihit na isang daang solo artist, actor, boy at girl group, pero sa tingin ko din ako itinakdang maging isang avid k-pop fan eh. Mas nakilala ko ang sarili ko at naintindihan ito sa musika natin, musika ng sarili nating wika. Dalawang taon na akong fan ng OPM, pero may sasabihin ako atin-atin lang to ha? Baduy talaga yung music sa mainstream, daming hugot, mas ok yung mga underground at indie bands, mas solid at mas malupet. Anyway, di ko rin alam kung paano nagsimula itong hilig ko dahil sa totoo lang isa din kasi ako nun sa mga pilipinong kinakahiya ang musika natin, sa madaling sabi, basher din ako ng OPM noon. Nakakatawang isipin na kinain ko din ang mga sinabi ko noon, nilunok at sinahog pa sa kanin ang mga malulutong at masasakit na salitang binabato ko sa sarili nating kultura. Huwag nga kasing magsalita ng tapos besh, ayan tuloy.

               Pero teka, di nyo pa pala alam ang ultraelectromagnetic dream ko, yun ay ang maging isang director. Weird noh? Kasi yung iba gustong-gusto ang maging isang pulis, engineer, accountant o kaya artista. Dati pa kasi naiisip ko na napakagaan at napakasaya siguro nung makakagawa ako ng isang pelikula, ito din ang naging daan sa pagkakadiskobre ko sa abilidad ko sa pagsulat. Isa nga pala akong Amateur Writer, apat na taon na din simula nung naisulat ko ang pinakauna kong story na hanggang ngayon eh nananatiling draft. Nung nagsimula akong magsulat inisip ko lang yung isang nabasa kong story sa wattpad, tapos sinulat ko yun sa kung ano ang gusto kong ending. Dati di ko inisip na magsulat para sa iba, yung ano ang maganda para sa iba, kung ano ang sasabihin ng iba. Hanggang ngayon nagsusulat pa rin ako ng mula sa puso, isinusulat ko kung ano ang binibigkas at sinisigaw ng puso ko, at ibinabahagi ko ito upang mas maintindihan ako ng lahat ng taong nasa paligid ko.

                 Bilang isang manunulat pangarap ko rin na maging isang Versatile Writer, na kayang gumawa ng kaaliw-aliw at magagandang story sa iba't ibang genre. Paano naman ako makakaabot sa ganyang estado ng pagiging isang manunulat ng wala man lang akong kahit na anong magandang pagsasanay, ni hindi ko nga maisulat ng maayos ang isang simpleng scenario. Sa dalawang taon kong paglalakbay sa mundo ng Wattpad ay nakilala ko ng isang simpleng grupo. Layunin ng grupong ito na matulungan ang lahat ng baguhang manunulat upang mas mahasa at maipamalas pa ang kanilang naiibang talento, yun ay ang WWG. Naisipan kong sumali dito kasi baka matulungan nila akong gumanda pa ang mga gawa ko, matulungannila akong maging isang magaling na manunulat at baka din sa pamamagitan nito makilala ako sa larangan ng pagsulat. Pero nagkamali ako, ang WWG pala ay di lang isang grupo ng mga manunulat, kundi isang pamilya, isang pamilyang may malaking puso at laging nandyan na handang tumulong sa lahat. Nung una di ako nakakapagpasa mga ginagawa nilang activity kasi naiisip ko na ano naman na gagawa nito para sa akin? Nadadagdagan ba nito ang votes at views sa story ko? Magiging daan ba ito para maging sikat ako? Oo di nga nito nabibigay ang mga bagay na yan dahil karunungan, puso, tiwala sa sarili at pangarap ang nabibigay ng pamilyang ito. Binago nito ang mga paniniwala at hangarin ko bilang isang manunulat. Binigyan nito ng halaga ang bawat salitang aking sinusulat. Di ko rin malilimutan ang sinabi ng isang Admin nito sa amin "Huwag kang magsulat para lang lamangan ang iba, kundi magsulat ka upang mahigitan ang iyong sarili". Binigyan ako nito ng pamilyang dadamayan ako sa panahong lugmok na lugmok ako, handa silang tumulong sa akin sa kahit anong paraan.

                  Sa lahat ng bumubuo ng WWG family, sa Admins, at co-members ko maraming maraming salamat sa inyo. Kahit na makulit at non-sense minsan ang pinagsasabi ko eh andyan pa rin kayo, at sinasabayan ang lahat ng trip ko. Maraming-maraming thank you rin kay ate Apol na palaging umiintindi sa akin kahit na dami ko ng late na naipapasang activities, salamat din po pala sa lahat ng pakain at medical mission, ay hahahahaha di pala, salamat pala sa lahat ng payo nyo po sa akin, tatandaan ko po yun lahat. Di ko kayo makakalimutan guys, sana tumagal pa ang pamilya natin at mas lumaki pa tayo. (Sorry sa magulong message o essay o kung ano man tong sinulat ko XD) Lab lab Guys :3

[HI ANGEL. cutterpillow19. APOL TO. ALAM MO BA SOBRANG NAPABILIB AKO SA FIRST EVER ENTRY MO. SABI KO BUTI NALANG BINIGYAN KO TO NG CHANCE KASI KUNG HINDI SAYANG ANG TALENTO MO. MALAKI RIN ANG POTENTIAL MO. HALOS LAHAT NAMAN MALAKI POTENTIAL PERO DI LAHAT CONSISTENT ANG ENTRIES. MERON KASI NA TALAGANG NEVER AKO NA-DISAPPOINT SA MGA ENTRY AT ISA KA SA MGA YON. SANA PAGBUTIHIN MO PA SA KABILA NG BUSY MONG BUHAY ESTUDYANTE. PUSH LANG! MUAH.]

WWG: What happened after 1 year?Where stories live. Discover now