lineart21

19 7 2
                                    

1. Tell me something about yourself. Ipakilala mo ang sarili mo sa akin. (Bilang writer at bilang ikaw mismo)

Noon pa man ay ginusto ko nang magsulat ng mga kakaiba at may bagong konsepto mga kwento. Bilang isang writer masasabi kong wala pa akong gaanong karanasan sa pagsusulat.

Kadalasan sa mga sinusulat ko ay horror,mystery at fantasy ang genre kung saan pangrap kong maging sanay gawing movie ang isa sa mga kwento ko.

Di ako gaanong nagsusulat sapagkat busy sa trabaho at kung minsan naman ay tinatamad. Magsusulat lang ako kapag may bagong idea na pumasok sa aking isipan ,kaya naman halos lahat ng mga gawa ko ay di pa tapos.

As a writer aim kong makagawa ng libro o nobela na may mysteryong dala sa mga mambabasa.

Ang una kong sinulat na story ay pinamagatan kong Erupa kung saan natapos ko ito noong 2016 ngunit hanggang ngayon di ko pa naedit.hehe

2. Message for yourself, for your co-members, for the Admins and for all the aspiring writers out there.

Message for my self:

Kahit lazy kang magsulat wag na wag mong bibitawan ang pangarap mong maging manunulat sapagkat mahahasa at mahahasa mo rin yan.

Sa mga co-members naman:

Sabay sabay tayong maglearn at gumawa ng mga bagong kwento na magiging part ng history.

For the admins:

Hi mga admin sensya di tlaga ako updated. Happy new year na pala haha sensya na pero salamat sa patience, sa pagtuturo at critique kung saan marami kaming natutunan. Ipagpatuloy nyo ang magandang gawain nyo at sanay mas gaganda pa lalo at exciting ang activity natin this 2018. Aja!!!!!

3. Write an essay about this: "PAANO NABAGO NG WWG ANG WRITER LIFE MO?"

Alam nyo ba ang pakiramdam na nangangapa sa dilim? Ako alam ko, yung alam mong may kakayanan kang gumawa ng kwento ngunit di mo alam kong paano erelay ang storya sa mga mambabasa.

Dalawang taon pa lamang ako sa wattpad kaya naman di pa ako gaanong eksperto sa mga basic na tagalog at pagamit ng different style sa pagsusulat.

Di ko na maalala kung sino ang una kong nakausap ngunit naalala ko ang panahon kung saan bagong pasok ako sa grupo ng WWG. Wala akong idea kung anong grupo yon ang tanging nasa isip ko lang ay makakapagtanong ako sa mga member at admin kung paano gumawa ng maganda at malinis na kwento.

Di naging sapat ang mga konsepto at plot ng story ko sapagkat dapat alam mo ang basic na tagalog at kung paano gawing madali ang kwento para maramdaman ng mga mambabasa ang bawat eksena.

Inaamin kong nahirapan ako sa unang activity namin at nadiscourage sa mga kritik na sinabi nila. Nasabi ko sa sarili kong wala akong talento sa pagsusulat ngunit on the other side naging exciting at challenging 'yun para sa akin , na sa susunod na activity ay pagbubutihin ko na.

Di naglaon naging active ako at dahan dahan kong inaral ang mga kritik sa dati kong mga gawa. Masasabi kong dahan dahan na din akong gumaling although may mga lapses parin ngunit nasiyahan ako nong nanalo ako sa isang activity na di ko inaasahang magugustuhan nila.

Sabi nga nila "theres gotta be more to life" at totoo yan at itong grupong WWG ay may mga bagay pang hindi naituro sa akin kaya naman patuloyako sa pagpaparticipate sa mga activity kasi alam kong may mapipiga akong kaalaman sa mga myembro at admin ng grupo.

Naging masaya ako sapagkat nabigyan ako ng oportonidad na matutong magsulat. Naging ilaw ang WWG sa aking paglalakbay bilang isang manunulat na gumagabay sa akin patungo sa kung saan ako tatahakin ng daang ito. Hindi man madali ang daanang ito ngunit naging masaya ako sapagkat may mga kasama akong bumubuhay sa alab ng aking pangarap bilang isang manunulat.

[KUYA LINE! lineart21. MELA TO. SANA BUMALIK KA NA SA GC AT MAGING ACTIVE KA NA ULIT. HAHA. SOBRANG NAPAPABILIB AKO PALAGI SA MGA ENTRY MO KAHIT PA SABIHIN MONG PANGET. DI TALAGA AKO NANINIWALA KASI SOBRANG UNIQUE NG IDEAS MO. NABIBIGYAN MO NG BUHAY O NG BAGONG MUKHA YUNG MGA BAGAY NA HINDI NAPAPANSIN NG IBA. KAYA SOBRANG DESERVE MO LAHAT LAHAT NG PANALO MO AT PAPURI SA CRITICS. GOOD LUCK SA PERSONAL LIFE MO KUYA LINE. SUPPORT LANG AKO PALAGI SA'YO.]

WWG: What happened after 1 year?Där berättelser lever. Upptäck nu