Watty Writer's Guild History

72 13 6
                                    

January 12, 2017 nang buuin ang isang group chat sa messenger ni ButiNalangTanga at  pinangalanan niya itong Watty Writer's Guild o WWG. Pinagsama-sama niya roon ang bawat writer sa Wattpad na kilala niya at kaibigan. May ilang mga umalis agad dahil hindi nila nais makipagsalamuha. Mayroon namang mga nanatili at nakipagkilala sa isa't isa. Nagkwentuhan tungkol sa kanya kanyang kwento sa Wattpad. Hanggang sa magsimula na ang pagkakaibigan at pag-suporta sa kanya kanyang istorya sa pamamagitan ng pag-follow sa isa't isa, pagbabasa, pagco-comment, pag-vote at paglalagay sa reading lists ng storya ng bawat isa. 

Akala ng lahat ay ganoon lamang iyon. Araw-araw na kwentuhan at pagtatanong tungkol sa ibang genre, paghingi ng tips at mga advice para sa mas maayos na pagsulat. Mayroon ring mga konsultasyon at pag-critic para maisaayos ang mga mali sa istorya. Ngunit, nabigla ang lahat ng ang Guild Master na si ButiNalangTanga o tinatawag ng lahat na Aki ay nag-send ng isang picture na naglalaman ng tema at mga dapat makita sa isang storya. 

Nagkaroon ng komosyon sa gc at sari-saring tanong. Pero sa huli, may mga kumasa sa challenge ng unang activity. 

Bago pa man matapos ang inilaang panahon para sa unang aktibidad ay doon itinalaga ni Aki bilang Admin  si PrincessMela na tinatawag ng lahat bilang Apol o Mela. Bilang Admin, naging katuwang ni Aki si Mela sa bawat aktibidad na ginagawa ng samahang ito at sa pagre-recruit ng mga writer na nais pang mapabilang sa WWG. 

Sa pagtatapos ng unang aktibidad noong January 20, 2017, ang akala ng lahat na babasahin, iboboto at magco-comment lamang ay ic-critic pala ng bawat isa. Noong January 21, 2017 naganap ang kauna-unahang critic session sa WWG na ginawa lamang sa GC. Hanggang sa ngayon ay tradisyunal ng ginagawa ito sa bawat aktibidad upang masiguro na may maitutulong ang bawat isa sa paraan ng pagsulat ng may akda ng kwento.

Ang unang aktibidad na ito ay paraan ng Guild Master upang malaman kung sino talaga ang interesado na sumali sa grupong kanyang binuo. Ito ang ginawa niyang daan upang maging official member ng WWG ang mga nagsisali. Sa kabuuan, 12 ang kauna-unahang mga miyembro nito. Sila ang tinatawag na pioneers ng Guild. Sila ay sina PrincessMelaamer0127Lovely_EljeymsAturaBabyChinRyGabCo_someonesnothing, WriternasiCJ, ButiNalangTangafabG07Jennyoniichan at WhiteIsToLight. 

Sila rin ang mga kauna-unahang miyembro na nagkamit ng emblem na gawa mismo ng Guild Master. Ito ang simbolo o pagkakakilanlan ng bawat isa na sila ay myembro ng WWG. Naka-publish ito sa Journal kasama ng mga bio ng mga member. Ang Journal ay isang libro kung saan naroroon ang lahat ng bio ng members at mga entry sa bawat aktibidad. Ito ay unang ipinublish sa account ng Guild Master at kalaunan ay napagdesisyunan na gumawa ng sariling account ang WWG noong February 22, 2017.

Di nagtagal, ang Moderator na si GabCo_ at amer0127 ay naging Admin na rin na kilala ng lahat bilang Gab at Glen. 

Makalipas lamang ang ilang araw, January 25, 2017, nang gawin naman ang Facebook Group ng WWG ng GM na si Aki. Noong una ay hindi ito nagagamit ng grupo ngunit bago pa man makatuloy sa pangalawang aktibidad ay napagkasunduan ng mga Admin na doon i-post ang mga Announcements at doon gawin ang critic session nang sa gayon ay siguradong mababasa ng lahat. 

Ang naunang Admins ay nadagdagan ng umalis ang Admin na si Gab. Naging Admin si unsolvedestiny at  sumunod na naging Admin si RengRnsy na naging Moderator muna at Guard ng GC. 

Sa paglipas ng mga buwan, pahirap ng pahirap ang bawat aktibidad habang dumadami ang mga nais na mapabilang sa Guild. Ngunit, sa kalagitnaan ng taon, pagkatapos umalis at bumalik ang Admin na si Mela. Naging Acting GM siya nang magsimulang maging busy ang GM na si Aki. Ang pagaantay ng lahat sa kanyang pagbabalik bilang GM ay natuldukan nang siya ay umalis dahil sa mga personal na rason at naiwan si Mela bilang GM at ang Admins na sila Glen, Shane at Reng. Ngunit si Admin Shane ay nag-resign na bilang Admin kamakailan lamang dahil sa mga personal na rason. Ngayong mismong araw ng Anibersaryo ng Guild ay nagbitiw sa pwesto bilang Admin, Graphic Artist at miyembro ng Guild si RengRnsy.

Marahil ito na ang isa sa lowest point ng Guild. Dahil sa biglaang pagpapalit ng Guild Master, tila nanibago ang lahat at kinailangang magsimula ulit sa umpisa. Hindi pa man nagtatagal ang panunungkulan ni Mela bilang GM at hindi pa man natatanggap ng lahat ang pag-alis ng naunang GM, panibagong pagsubok na naman para sa lahat. Isang gulo sa pagitan ng isang member ng WWG at ibang Guild na nag-ugat dahil sa mga personal na issue hanggang madamay ang Guild ng isa't isa. 

Nang matapos ang nasabing gulo, panibagong dagok na naman para sa lahat ang sunod-sunod na paglisan ng mga myembro. Tila ba ito na ang katapusan ng Watty Writer's Guild. Sa pagalis ng haligi nito, unti-unti na ring gumuho ang kanyang itinayo. 

Ngunit hindi ito nangyari, dahil ito ang WWG, patuloy na nagbibigay ng mga aktibidad na nawa ay nakakatulong para sa mga myembro nito. Ito ang WWG, umabot ng isang taon dahil ang grupo ng mga manunulat na nagsimula sa isang simple group chat ay hindi binitawan ang isa't isa. Sa halip, sila ay nagtulungan upang maipagpatuloy ang naiwan na samahan. Hindi sila bumitaw para sa isa't isa. Dahil ang Guild na ito ay hindi basta samahan o grupo ng mga manunulat na nangangarap na maging propesyunal balang araw at may mabago sa mundo ng literaturang filipino, dahil ang Watty Writer's Guild ay isang pamilyang binubuo ng mga manunulat na hindi kailanman bibitaw sa kanilang mga pangarap. 

WWG: What happened after 1 year?Where stories live. Discover now