Striver_Amber

28 6 1
                                    

(Sorry po sa mga grammatically incorrect dito. Sa lahat ng errors... Hindi po ako naniniwala sa mga sinasabi nilang, 'wag ipilit kung hindi kaya. Kasi po, paano matututo ang isang tao kung hindi mo susubukan? Wala ka naman pong sinasaktang tao, subukan mo...Kung alam mong diyan ka talaga matututo. Share ko lang po)

1. Tell me something about yourself. Ipakilala mo ang sarili mo sa akin. (Bilang writer at bilang ikaw mismo).

Answer: About myself a writer...

Minsan, mahirap magsulat ng storya. Kailangan may kabuluhan, hindi puwedeng sulat nalang ako ng sulat. As a writer, pansin niyo po sigurong madalas na may emoji akong naka-smile o kaya tumatawa. Minsan, may 'hahahaha!'. Minsan rin, nagre-react ako sa mga messages ng tawa. Pero kapag nage-explain, minsan seryoso ako, bilang isang writer pa rin 'yan. Madalas, nawawalan ako ng pag-asang ituloy ang mga stories ko, feeling ko kasi, hindi ito ang passion ko. Pero ang username ko, StriverAmber. Hindi ako madaling sumuko, passion ko ang pagsusulat. Beginner man, alam kong kaya ko. Sumasali ako sa activities kasi gusto kong mai-express ang nararamdaman ko kahit na maraming problema, hindi ko mapigilan ang sarili kong magsulat ng entry. Mas magandang makapagpasa ng storyang nilikha ng malikhain kong isip kahit na alam kong hindi man ito aangat, at least may nakapagbasa nito.

Dito ko rin natutunang makipagkaibigan sa iba. Not bad, nakapag-enjoy naman ako at marami akong nalaman.

Bilang ako naman...

Sa totoong buhay, ako ay manhid, tumatawa pero pinapakita ko lang sa mga napagkakatiwalaang tao. Seryoso ako at takbuhan nalang sila kapag alam nilang galit ako o kaya tahimik lang ako. Kasi kapag po tahimik ako at bad shot ang mukha ko, alam na po nila. Minsan lalayo sila o kaya may awkward silence na nakapagitan. Hindi po pakitang tao ang mga messages ko sa gc, totoo po lahat ng mga sinasabi ko roon. Mas nailalabas ko ang nararamdaman ko kapag nagsusulat ako at may nakakabasang iba. Friendly 'siguro' ako sa chat, pero sa totoo lang po, seen-er ako sa mga taong magha-hi lang. Madami po akong personalities, lahat po totoo. Kahit bad mood ako, kahit maraming problema, as a writer, tawa pa rin ako ng tawa sa chat pero sa totoong buhay, down na down ako. Ayoko man sa drama pero kapag nagsulat ako, mapapansin ko nalang na sobrang dramatic ng story na naisulat ko. Sa totoo po, madali akong magtiwala sa iba pero hindi na ngayon. Mahirap kasing mapaasa, iwanan at minsan 'di naman totoo ang mga pinapakita nila. Madaling pindutin ang smileys para ipakita ang emosyon sa chat, hindi pa rin maipagkakailang sa totoong buhay...Hindi ako okay. Alam ko pong hindi lang ako ang tao sa mundo na napapagod, lahat tayo napapagod. Kaya pinipili ko nalang na tumawa para lumakas naman ang loob ko. Mahiyain rin po talaga akong tao, kaya ganito ako. Yung totoo po, kaya kong itago ang totoong nararamdaman ko para lang 'wag makasakit ng tao. Pero kapag lumalagpas na sila, hindi ako magsasayang ng oras na ipamukha sa kanila ang katotohanan. Yung mga pinapakita ko sa gc, bilang writer pero kapag nagbibigay ng explanation at advice, bilang ako sa totoong buhay.

2. Message for yourself, for your co-members, for the Admins and for the aspiring writers out there.

Answer: For myself...

Umayos ka, Shaun. Char lang! I know, it isn't funny. Okay, 'wag kang tumigil na magbigay ng advice sa ibang tao kahit hindi nila ito hinihingi. Hindi na baleng ikaw ang nakakaramdam ng sakit, basta matulungan mo silang magkaroon pa ng kahulugan kung bakit nandito sila sa mundong ito at kung bakit 'wag dapat sumuko. It's better to endure the pain inside myself than watching them...suffering from the pain I'm showing them.

For my co-members...

Heeeellllooo!!! My co-members, alam kong baguhan palang ako noong november pero masasabi kong nag-enjoy akong naka-chat kayo sa gc. Marami akong natutunan. Ang gagaling niyo rin pong writers, alam niyo yun? Promise, kapag po sinasabi niyong sabog yung mga entry niyo...Hindi po ako naniniwala. Kasi po kapag binabasa ko yung entry niyo, maganda naman po. Wala akong mahanap na kamalian sa mga ginawa ninyo. Alam ko kasing nag-effort kayo at ginawa niyo ang lahat para maisulat ang storya. Naiintindihan ko po lahat ng mga messages doon. All I want to say...Thank you🙂Thank you kasi feeling ko, tinuturing niyo akong kaibigan kahit sa chat lang. Kaibigan ko na rin kayo, salamat kasi pinakita niyo sa akin na puwedeng maging masaya kahit na anong problema pa ang dumaan sa buhay. Sorry sa mga humingi ng favor sa akin at hindi ko nagawa. Nagkakataong nagkakaproblema. Pero pangako, sa uulitin, gagawa ako ng paraan para gawin ang favor niyo. Alam kong kahit na nakakairita ako sa gc dahil sa maingay ako doon, nagagawa niyo pa ring mag message. Haha! Salamat talaga...Malay niyo kapag naging author na kayo at may book signing na, it will be my pleasure para suportahan kayo at maging no. 1 niyo...Lahat po kayo pati na rin ang mga Admins. Kasi ngayon pa lang, no. 1 fan niyo na ako☺️

For the Admins...

Hello po mga Admin! Naks! Kahit po nagpa-panic kayo sa mga tambak-tambak na trabaho, nagagawa niyo pa rin pong asikasuhin ang guild. Thank you po sa mga activities na ibinigay niyo sa amin, nakaka-tense minsan pero at least nakaka-enjoy at marami kaming natutunan. Sabog na sabog lahat ng mga entry ko, pero salamat pa rin po kasi binasa niyo pa rin po. Salamat sa mga advice sa pagsusulat...Salamat po. Nakikita ko po kayo as a friend, kahit po Admin kayo, tinuturing niyo kaming kaibigan. Bakit ang bait niyo po? Pahingi naman...Char! 'Di po kayo nagsasawang magbigay ng chance kapag may na-late na nagpasa ng entry. Sorry po kasi minsan kapag pasahan na, nagkakaproblema. Pasensya na po talaga. Pero kahit po ganoon, sige lang po kayo ng sige, hindi niyo po magawang magalit. Lahat po ng isinakripisyong oras niyo para po sa guild, sa lahat po ng inyo ginawa, masasabi ko pong...Deserve niyo kung bakit po kayo nandiyan ngayon. I salute you all.☺️'Wag po kayong sumuko, alam ko pong kaya niyo 'yan.

For the aspiring writers out there...

Being a writer is not easy. You have to think deep before you have to create your story. I know, you'll be a great writer someday. Don't stop, think positive and you'll be an Author in the future. English 'yan ha😂 Maiba tayo, sa inyong mga aspiring writers, alam kong magiging isang bihasa kayong manunulat. Sulat lang sulat ng mga makabuluhang storya, diyan kayo mag-iimprove.

3. Write an essay about this: "PAANO NABAGO NG WWG ANG WRITER LIFE MO?"

Answer: Paano nga ba nabago ang buhay ko? Maraming nabago. First of all, natuto akong maging friendly dahil sa kanila at tumawa na parang ewan na kaharap lang ang aking cellphone. Nagawa akong pasayahin. Second, mas natuto ako kung paano ang pasikut-sikot sa paraan ng pagsusulat. Paano nga bam as mapapaganda ang storya. Third, pinaintindi sa akin ang lahat-lahat kung bakit nga ba isa kang manunulat. Isa kang manunulat para mabigyang diin ang kahulugan ng isang pilipinong manunulat sa literatura ng Pilipinas. Madalas kasi ngayon, pawang mga kagustuhan ng karamihan. Kung ano ang mas nagugustuhan, iyon ang gagawin. Hindi na natatandaan kung ano nga ba ang tunay na kahulugan. Dito sa guild, natuto ako sa lahat-lahat. Hindi lang bilang manunulat kundi bilang ako na rin. Fourth, sa writing battle. Laking pasasalamat ko at umabot ako hanggang sa Round 2. It was fun and meaningful. Walang personalan, friendly battle, ganoon. Ang ganda kasi dito, nai-express ko yung tunay na gusto kong iparating sa bawat genre ng story. Fifth, dito...natutunan kong hindi lang dapat sa iisa ka lang nakatutok. Kung isa kang vampire writer, hindi ka lang dapat nakatutok diyan. Mas natuto akong magsulat pa ng iba genre at ang ganda. Ang dating maliit kong mundo bilang manunulat ay ngayon, lumawak. Hindi pa dito nagtatapos ngunit alam ko, marami pang mababago sa aking buhay bilang manunulat dahil sa WWG. 

[HI SHAUN Striver_Amber . MELA TO. SALAMAT SA MESSAGE MO PARA SA ADMINS. NA-TOUCH AKO. MAY NAKAKAKITA PALA, NAKAKAPANSIN O NAKAKA-APPRECIATE NG MGA GINAGAWA NAMIN. SOBRANG SALAMAT. PAGPATULOY MO LANG ANG MGA GINAGAWA MO, ISA KA RIN SA MGA MEMBER NA MALAKI ANG POTENTIAL KAHIT NA BAGO KA PALANG, MAY IBUBUGA KA. ;) WALANG SUKUAN SHAUN, FIGHT LANG NG FIGHT.] 

WWG: What happened after 1 year?Where stories live. Discover now