mystshade

40 7 4
                                    

I am Shade. Para sa iba isa akong weirdong tao. Mahilig ako sa music,hindi ko yata maimagine ang sarili ko nang walang musika. Hindi ako palakwento sa mga tao,pero nagsusulat ako ng kuwento. Weird,right? Pero alam ko may iba sa inyo na katulad din nang sa akin. Mahilg ako sa kpop at k-drama,mas gusto kong manood ng kdrama dahil unique ang stories nila,talagang pinag-isipan ang plot,twist,at talagang nakakaakit panoorin.

13 years old lang ako nang mahilig ako sa pagsusulat ng story. Naalala ko noon,may napanood akong tv series tapos nabitin ako kaya gumawa ako ng sarili kong story,nataon pa noon na marami akong notebook kaya gumawa ako, tapos parang scriptwriting pa ang ginawa ko.xD pero go lang ako kasi gusto ko ang ginagawa ko.

Pero hindi ko naisip na makakagawa ako ng three stories,hindi ko iyon sinasabi sa parents ko at matapos kong magawa iyong story,binabasa ko saka pinupunit at ginagawang pandingas. Ayaw ko kasing malaman ng parents ko na nagsusulat ako ng gano'n,feeling ko kasi hindi nila ako maiintindihan.

Then after that,nagkuwento sa akin ang lola ko na 10 years old pa lang siya,nagsusulat na siya ng stories tapos nagtatanghal sila tuwing fiesta,holiday o kung anumang okasyon. Writer na,director pa siya. Kung nakapag-aral nga lang siguro siya,baka isa na siyang professional director pero wala eh,Mahirap ang buhay nila.

Doon ako nag-isip na hindi naman pala ako nag-iisa sa family namin. Tapos nabasa ko pa ang huling story na ginawa ni lola. Nakasulat lang iyon sa yellow pad tapos may cover lang ng white folder.

Noong nag-aaral ako,nabubully ako sa school dahil nga sa tahimik ako at sa physical appearance ko. Idinadaan ko na lang sa pagsusulat o di kaya ay pagbabasa. Gusto ko talaga lagi ang magsulat pero minsan nakakatamad rin.

Fourth year ako nang madiscover ko ang wattpad. Nagpapasa pa ako noon ng ebook sa classmate ko kahit hindi ko siya ganoon ka-close. Kumakapal ang mukha ko para lang makabasa ng stories. Hindi ko alam kung paano gumawa ng wattpad account noon.

Nang mabasa ko ang mga gawa ni SGwannabe,haveyouseenthisgirl,and alyloony,nag decide ako na gumawa ng account. Pero hindi naging madali para sa akin noon ang gumawa ng story. Wala kasi akong android phone noon at umaasa lang ako sa internet. Kapag nasa harap naman na ako ng computer,nawawala na ang story sa utak ko. Kaya naman nag-lie low muna ako.

Year 2015 nang bumalik ako sa wattpad world. Hindi ako nakakatapos ng stories kasi kung anu-ano ang pumapasok na sa isip ko. Akala ko noon, magiging madali ang lahat ,nagkamali ako. Every time na magsusulat ako, kinabukasan no'n ay buburahin ko rin lalo na kapag walang reads ang story.

Inaamin ko noon na gusto ko ring sumikat,dumami ang followers, makilala ang story ko at maging movie kagaya ng nangyari kay Denny. Nagkaroon ako ng inggit factor at sinabi sa sarili kong walang-wala ako sa mga writers na iyon kaya naman hindi na ako umasa na sisikat ako or what. Nagsulat na lang ako kahit na walang reads or votes. Pagkatapos,delete agad kapag nagsawa na ako.

May sinalihan akong wattpad group. Isa siyang clan for writers. Iyon ang unang group na sinalihan ko bago ang WWG. Hanggang ngayon,nandoon parin ako kahit hindi na masyadong active ang mga members at ang iba,nagsialisan na. Ako kasi yung tao na kapag gusto ko,hindi ako umaalis at nagtatagal ako hanggang dulo kahit na umalis ako ng ilang beses sa group chat nila,bumabalik pa rin naman ako.

Sila ang unang nagturo sa akin na hindi ko dapat intindihin kung sisikat man ako o hindi. Ang pagsusulat ay isang art. Ginagamitan mo dapat ng Head,Hand and Heart,hindi mo rin dapat isipin na mapapasaya mo ang readers kung sa sarili mo nga,hindi ka masaya.

Isang member din ng group na iyon ang dahilan kung bakit ako napasali sa guild. May nabasa akong post niya na nag-invite kaya sumali ako. Gusto ko talagang makakilala ng mga taong may kaparehas ko ng kinahihiligan. Akala ko hindi ako makakapasa kasi parang may initiation pa,(hahaha) pero ayon,nakasali ako. Gusto ko sumali lagi sa mga activity,Gusto kong nakakabasa ng mga critique good man or bad. Natutuwa ako kapag nakakaline up ang mga nagawa ko kasi hindi ko akalaing may magkakagusto sa mga gawa ko.

Sa ngayon isang story pa lang ang natapos ko,puro flaws pa iyon kaya hindi ko kayang ipromote. Nagawa ko ang story na iyon dahil sa mga fb friends ko na nagmotivate sa akin. Kahit lima lang sila,masaya ako kasi may nag-aabang parin sa story ko kahit ilang linggo pa akong hindi mag-update. Alam niyo,kahit isang reader lang ang nagbabasa sa story mo,be proud kasi kahit paano may naka-appreciate ng gawa mo.

Nakakatuwa lang na kahit hindi gaanong kagandahan ang story ko at ika nga sa ibang ranters 'pabebe story' ay may nagbabasa parin. Wala akong pakialam sa rants,kasi mahal ko ang gawa ko. Kung may mali man,kaya kong ayusin iyon,maiintindihan ko naman.

Marami akong natutunan sa guild. Marami rin akong naencounter na pare-parehong hilig na magkakaibang personality. Mababait at responsible ang admins. Kung tutuusin mahirap ibalanse ang work/studies sa wattpad gaya ng nararanasan ko ngayon kaya naiintindihan ko ang admins kung medyo naiirita sila sa mga late magsend ng entries for activities. Salamat sa paglalaan ng oras at sa paghihintay admins.

Sa mga co-members,salamat sa inyo. Marami akong natutunan,humanga rin ako sa inyo lalo na sa mga writers na bata pa pero may potential na. Keep it up guys. Alam kong hindi ako close sa inyo,pero nagpapasalamat parin ako na nakilala ko kayo. Hindi ako isa sa mga original members,wala na rin akong balita sa mga nangyayari sa inyo pero nandito pa rin naman ako. Hahaha.

Sa mga aspiring writers out there,wag kayong titigil kung gusto niyo talaga maging isang author. Hindi naman kasi minamadali ang lahat. Huwag kayong maghangad na sumikat agad, hindi dapat kayo nagsusulat just for fame,dapat nagsusulat kayo dahil gusto niyo.

May mga nagbago sa akin simula nang sumali ako sa guild. Gaya ng tamang spacing, tamang words or sentences, nalaman kong maraming technicalities sa works ko,kaya naman natutunan kong maging maingat sa pag-construct ng sentence. Minsan nakakalimutan ko,haha.

Simula nang pumasok ako sa guild,nag-open na rin ako sa parents ko na nagsusulat ako ng stories. Hindi naman sila nagtaka dahil alam na raw nila iyon. Gusto lang daw nilang ako ang magsabi sa kanila kasi ang awkward naman daw noon kung sila ang mag-oopen para sa akin,napakasupportive nila pati sa pagiging kpop fan ko. Sobrang bait ko kasi, bwahaha. Char lang,hindi ako mabait.

Nagkaroon nga ng christmas party sa trabaho namin at nagpresent kami ng pictures namin. Ipinakita ko ang emblem ko at sinabing may group ako sa wattpad at isa akong amateur writer. Ganoon ako ka-proud sa pagiging WWG member. At ganoon ako kaproud bilang isang wattpader.:)

Yakapin niyo ang talent na mayroon kayo,wag niyong ikahiya,ibinigay iyan ng Diyos hindi para itago mo,kundi para ipagmalaki mo.

[HI  mystshade! MELA TO. ISA KA SA PINAKAMAGAGALING NA WRITER SA WWG. KAYA INAANTAY KO ANG PAGBABALIK MO/PAGIGING ACTIVE MO ULIT. I WANT TO SEE MORE OF YOUR WORKS. GUSTO KITANG MAKITA NA GUMAWA NG KWENTO NA MALAYO PA SA MGA GINAGAWA MO. ALAM KO MALAYO ANG MARARATING MO. SOBRANG GALING MO MAG-ISIP NG UNIQUE CONCEPTS. DITO LANG AKO FOR YOU IF NEED MO KAUSAP. GOODLUCK SA PERSONAL LIFE MO. SANA MA-OVERCOME MO NA YUNG MGA TAKOT MO O ANO PA MAN. SALAMAT SA PAGMAMAHAL SA WWG, MAHAL KA RIN NAMIN. :) ]

WWG: What happened after 1 year?Where stories live. Discover now