Anna_Marie_Marata

31 7 12
                                    

1. Tell me something about yourself.

Hmmm, Hi! I'm Anna Marie R. Marata. I'm twenteen years of age. Di joke! ^_^ 20 po yan kung di niyo po halata. XD Hahaha. Alam niyo na, mukhang pang 16 years old ugaling pang Kinder. Hahahaha. Nilait ba naman ang sarili? Pffftt XD Ito na po talaga. Seryoso na'to XD Kasalukuyan po akong nag-aaral sa Kolehiyo. Kolehiyo po ha? Di po hayskul! XD Expose po ako sa hospital. Ako po kasi ang pasyente este ako po ang nag-aalaga sa pasyente. XD Hilig ko po ang magsulat sa notebook ng kung anu-ano. Madalas akong magvandalize sa huling bahagi at unahan ng notebook. Scammer din po ako ng ballpen. Hahahaha. Pero di po sa lahat ng oras pagnawala ballpen mo, ako po ang kumuha ha? XD August 01 nga pala 'yong birthday ko. Minsan ko lang sabihin yong birthday ko sa iba kaya pagsinabi ko sa'yo? Malamang magpapahanda ako ng regalo. Hahaha. Akala po ng iba matalino ako pero di po talaga. Promise! Masipag lang po akong mag-aral. Magkaiba po 'yon. Pakitandaan nalang, Thank You! Ayokong nakikitang mahina ako kasi mahina naman talaga ako ey. Pagpinakita ko pa masyado nang halata, diba? XD. NGSB nga pala ako, I mean NBSB pala. Hahahaha. No Boyfriend Since Break-up. Pero seryoso, NBSB nga ako. Hindi dahil babae gusto ko ha? Dahil may rason lang ako kung bakit ayokong magkaboyfriend. Ang kadalasang sinasabi nila sa'kin "Iba daw ako sa lahat ng babae" dahil siguro galing ako ng ibang planeta kaya ganon. Nagsimula nga pala akong magsulat nong 4th yr. Highschool ako at gaya ng ibang writer dumaan ako sa pagiging Jeje. Halata naman siguro. Hahahaha. 4'11 nga pala ako pero baka tumangkad na'ko. Hahahaha. 5 flat na ata ako ngayon. Hahahaha. 23 nga pala waistline ko at wala akong hinaharap. Hahahaha. Lalaki po kasi noon. Hahaha. Langya lang talaga! XD Bahala na nga kayong mag-isip. Pffftt XD Sabi nga pala ng kapatid ko paasa daw ako. Malay ko ba na ang pagtanong pala ng "Kumain kana ba?" nagbibigay na nang pag-asa sa kanila. Parating na din daw 'yong Karma ko sabi ng katrabaho ko noon kasi lagi nalang daw akong nambabasted. Kaya nga hanggang ngayon inaantay ko pa din siya. Baka kagaya din ng ka-forever ng iba nabangga pa sa puno. Pfffttt. Maganda nga pala ako sa paningin ko, malabo po kasi 'yong mga mata nila kaya ako nalang ang magsasabi ng totoo. Payat din po pala ako basta mataba yong katabi ko. Ite-tape ko na po pala 'yong bunganga ko baka di pa'to matapos. Mag-iiwan nga pala ako ng mensaheng "Pag naging thankful kang nakilala mo ang isang katulad ko, mas thankful ako sa Diyos na gumawa sa'tin at nagbigay daan para makilala natin ang isa't isa. Isa kang biyaya!" Seryoso to ha?

2. Message for Everyone.

First of All, I would like to thank myself for not giving up until now. Like srsly, ilang beses ka nang napahiya. Ilang beses ka nang umiyak. Ilang beses ka nang nasaktan. Ilang beses ka nang nagpakapal ng mukha para humingi nang tulong sa iba. Ilang beses ka nang nagpagamit. Ilang beses ka nang tinapakan. Ilang beses ka nang nagpakumbaba. Ilang beses ka nang ngumiti kahit ang sarap nang umiyak. Ilang beses ka nang nagpasensya. Andyan ka pa din nakatayo nang masaya. Thank you for the continued care that you always offered. Thank you for always fighting this battle even though you don't know how these things will end. Thank you for always reaching those hands that was almost drowning. Thank you for being an angel to those who are lost. Thank you for not giving up your faith. Thank you for being me!

Secondly, Nagpapasalamat ako nang sobrang laki sa mga Co-members ko sa guild. Parang nagkaroon ako ng ibang pamilya. Nagpapasalamat talaga ako na nagkaroon ako ng mga bagong kapatid. Minsan siguro namimisinterpret niyo 'yong care na binibigay ko pero it was a "Sibling's Love" sa mga wala pang alam. Pffttt. Thank you for the shared laughter as we chitchat. For the support that you've always rendered. Thank You! Madaming bago kaya madami akong di pa close pero as far as I know when I entered this guild every member gusto kong makaclose and I don't want to lose the connection I build. Hanggang ngayon close ko pa din 'yong ibang former member ng guild and I want to build that kind of friendship to those who are new. Huwag ka'yong matakot na lumapit sa'kin, nanghahampas lang naman po ako ng durian sa mukha. Pffttt XD

Next on line, Thank you Admins! 'Yon lang. K bye~

Pffttt XD Joke lang! Ito na. Nagpapasalamat ako sa Former GM ng guild na'to. Dahil kung di niya ko sinali wala ako dito ngayon. Napulot niya lang ako sa kung saan at pinasali sa guild niya. 'Don ko nakilala si Apol at Kuya Glen na Admin pa nong mga panahon na 'yon. Sila 'yong mga matatanda na sa Guild na hanggang ngayon andito parin at di nang-iiwan. Sila talaga 'yong naabutan ko pagkasali ko palang. Nagpapasalamat ako nang malaki dahil tinaguyod parin ni Apol ang guild at sumusuporta parin si Kuya Glen at Ate Shane kasama ang mga bagong Admins ng guild. Oo nabasa niyo! First set of Admins sila na hanggang ngayon matatag paring andyan para itaas ang bandera ng guild na'to. Hanggang sa nadagdagan at nadagdagan sila. Meron mang umaalis atleast naman maraming dumadating. Hanggang andon na si Mamon at Rain Reng Go Away! Noong una palang nakitaan ko na ng potential ang dalawang batang 'to. Lagi kong pinagmamalaki sila sa Former GM 'non. Malamang, Ang jeje ko pa 'non ey. Ang haba na nang kwento ko. Basta ito lang tandaan niyo "Di maipagpapatuloy ang Guild na ito kung walang "Kayo" na nagpapatakbo nito."

Last but not the least, Sa lahat ng Writers dyan! Di ko na papahabain pa. Just continue writing with joy. Dapat masaya ka sa ginagawa mo dahil walang kwenta ang gawa kung ikaw mismo hindi na masaya. Kagaya ng pag-ibig. Walang kwenta ang isang relasyon kung di kana maligaya kaya minsan nagto-two time kana at ang mas malala pa naghanap ka pa ng iba. Mananahimik na'ko. Hahahaha.

3. Paano nabago ng WWG ang writer life mo?

Ito lang masasagot ko dito. Sumali ka sa WWG nang malaman mo mismo dahil mula sa unang epic na story'ng gawa ko hanggang sa bago? Malaki ang kaibahan at sobrang nakakapanibago.

P.S. Apol, tinamad na ako sa last part. Mahaba naman 'yong una ey. Lab you with kiss na malagkit na may freebie pa na laway. :* Hahahaha. Lagpas na 'yong iba ey. Magiging boring na pag pinahaba ko pa. Thank You! Hahahaha.

(HOY RIE Anna_Marie_Marata! SI APOL ITO. DI KO KAILANGAN NG LAWAY MO. IYONG IYO NA YAN LETCHON KA.

GUSTO KO LANG MAGPASALAMAT SA MESSAGE MO. NAPANGITI AKO. PWE. SERYOSO, NAPANGITI MO AKO. ISA KA SA MGA MEMBER NG GUILD NA AYOKONG MAWALA. PARA NA KASI KITANG KAKAMBAL/KAPATID/SISTER/BROTHER/LOLA/NANAY/TATAY. IKAW ANG KAUNA-UNAHANG MEMBER NG GUILD NA NAG-ALALA SA AKIN NONG HINDI AKO KUMAKAIN SA GABI. TANDA MO BA? NANDOON PA SI AKI SA GC, TAYONG TATLO MAGKAUSAP AT NAGIINGAY. SINEND KO PA YUNG PICTURE NG BISCUIT NA KINAKAIN KO. HAHAHA. ILOVEYOU, RIE. FOR REAL. ISA KA SA MGA TAONG NAKILALA KO SA GUILD NA GUSTO KONG MAKITA AT MAYAKAP. YAKAP NA MULA SA ISANG KAPATID AT NAGSASABING, MAGIGING MAAYOS ANG LAHAT. BALANG ARAW, EVERYTHING WILL FALL INTO ITS RIGHT PLACE. :) PAGKATAPOS NON, BABATUKAN KITA. MUAH!)

WWG: What happened after 1 year?Where stories live. Discover now