Kapitulo Dos

128K 3.4K 532
                                    


Five Star


Maria Clarita Sihurano's

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maria Clarita Sihurano's

"Where have you been, Clari?"

I found Maria Juana inside my bedroom. Galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Kanina pa tawag nang tawag si Dad! Pati ako naistrobo dahil sa pinagagawa mo sa buhay?! Saan ka ba nagpunta?!" She screamed. Hindi ko siya pinansin. Tinanggal ko ang blazer ko at hinubad ko ang sapatos ko sabay higa sa kama ko. "You don't get to do that to me?! Saan ka nga galing?!"

Saan ako galing? Galing lang naman ako sa isang restaurant sa Antipolo kasama iyong Paolo Gago na iyon. Gago kasi siya. I thought that he was blackmailing me for sex kaya ako sumama sa kanya but we ended up eating in a restaurant in Antipolo. Nagugutom lang daw pala siya. I rolled my eyes. The nerve of that man! Ang kapal talaga ng mukha niya. But what can I expect? Gago nga kasi siya.

"I went out okay? I needed to breathe. Nasasakal na kasi ako, so I went out." Malungkot na paliwanag ko. Mary Jane stared at me. Para bang nakukulangan pa siya sa sagot ko. I needed to go to the details so I continued. "Dad was disappointed in me. Muntik na siyang mapahiya on national tv so he sent me home. I didn't want to go home feeling shitty and all so I roamed around."

"What do you mean?" Mary Jane asked. "Like Dad was mas at you? He yelled at you and all? Weh? We have Spica to provide Dad enough disappointment. Ikaw, you're intelligent, prim and benevolent. Kaya, weh? Totoo nga?"

"Oo nga kasi!" Inis na sabi ko. Binato ko pa siya ng unan. I closed my eyes. I want to rest my mind and my body pero kahit sa pagpikit ko nakikita ko ang hambog na mukha ni Paolo Arandia. I could still remember how our conversation went and it was enough para kumulo sa inis ang dugo ko! I had to walk a long road na walang dumadaang taxi masyado para lang makalayo sa kanya!

Ano bang aasahan ko?! Paolo Gago nga kasi!

"So, I was right, you were living a double life." He told me. We were sitting inside a restaurant. Iyong malapit sa malaking window kung saan makikita na halos ang buong siyudad. Napansin kong parang mahilig si Paolo sa mataas na lugar.

"I am not living a double life. Hindi ko lang sinasabi sa daddy ko ang pag-gimik ko kasi hindi naman iyon connected sa buhay senador niya." I snapped at him. Tumawa lang ang gago. Nagsimula na siyang kumain. Kumakalam na rin naman ang sikmura ko pero hindi ako kakain dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.


May hitsura si Paolo Arandia. Matangos ang ilong niya, mapula ang labi – siguro hindi siya naninigarilyo, makapal ang kilay niya pero sure akong mas makapal ang mukha niya. Gago nga siya. Feeling ko nga nananalaytay na sa dugo niya ang pagiging gago niya.

"Pero ganoon na rin iyon diba? If people find out—"

"No one will fucking find out?!" I hissed at him. Sa inis ko ay kinuha ko iyong kamote fries na side dish ng chicken at ibinato sa kanya.

In love but I hate itWhere stories live. Discover now