Epilogo

176K 5.5K 993
                                    


House party

Maria Clarita Sihurano's

"Ang ganda – ganda ni Clara."


Hindi ko alam kung ilang beses nang inulit ni Mommy sa akin iyon pero tama siya ang ganda – ganda ng ni Clara. She's just so tiny talaga pero kapag tinitingnan ko siya, naiisip ko ang lahat ng paghihirap ko ay worth it. All my pain and all my joy depend on this little girl.



"Ang ganda rin ng pangalan. May maganda rin palang naidudulot ang utak ni Paolo." Pasaring pa ni Mommy. Natawa na lang ako sa kanya. Nasa kwarto kami sa bahay pa rin ni Paolo. Iyong crib na ginawa niya ang ginagamit ni Clara. Iyong kwarto naming dalawa, naging baby's room na. Puro padede, gatas, pulbos, diaper at kung ano – ano pa. Wala na iyong bakas ng pagiging binata ni Paolo roon. It's been invaded by this little girl.


"Ma... kayo talaga." Sabi ko sa kanya.


"Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi ako makapaniwalang ganoon kaganda ang pangalan ng apo ko." Nakatingin kami parehas kay Clara. She's one month old today. Tulog lang siya madalas pero kapag gising siya ay halos hindi ko siya mahawakan dahil palagi siyang kinukuha ni Paolo. Clara got that big man wrapped in her little fingers. Kaunting iyak lang ni Clara, to the rescue si Paolo. Sinasabihan ko nga siya nab aka ma-spoil ang anak niya but he doesn't seem to mind.


"Hi Mommy, Hi Malibog na sister!"


"Spica!" I hissed at her. Pulam-pula ang mukha ko. Si Mommy naman ay natawa. Yumuko si Spica para tingnan si Clara. "At hi sa pinakamagandang pamangkin ko na sobrang kamukha ko!" Gigil na wika niya. Napangiwi ako.

"Paano mo naman magiging kamukha iyan, ikaw ba ang nanay?"

"Duh? Di mo ba nakita? Maganda siya, maganda ako. E di magkamukha kami. Kapag malaki na iyan at naging malibog, ikaw ang kamukha!"

"Spica ha!" Pinagkukurot siya ni Mommy sa tagiliran. "Totoo naman, My! Hindi sila nagse-sex ni Paolo simula noong manganak siya! Uhaw na siya sa modta."

"Spica! Isang tawag ko pa sa'yo sasabunutan kita!" Si Mommy ulit. Nag-peace sign si Pikang tapos ay niyakap si Mommy. I just sighed.

"Ay, hinahanap ka ni Paolo. Nasa baba siya." Sabi ni Spica.

"Okay.My pakitingin ha."


"Sure, anak." Sabi ni Mommy habang nakangiti. Nagkatinginan sila ni Spica. Para bang may secret sila na di ko alam pero di ko na iyon pinansin. I just went to see Paolo. Pagbaba ko roon ay nakita ko si Molly kasama iyong lalaking pumasok rito sa bahay niya noong nakaraan. Iyong binasag iyong window glass sa sala tapos sinira iyong coffee table namin, pati na rin iyong mga displays roon.

Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ipinapagawa ni Paolo iyong part na iyon ng bahay. Binanggit ko na sa kanya iyon noong nakaraan pero ngumisi lang siya sabay hinalikan ko.

"Oh she's here." Molly said. Ngumiti siya tapos ay hinalikan ako.

"Hi." I said. Tinitigan ko iyong lalaki. "Siya iyong kaaway mo." Sabi ko kay Paolo. Nagtawanan sila.

"Clari, this is Dio, Molly's boyfriend."

"Nice to meet you." He offered me his hand.

"Please keep your shirt on." Wika ni Molly. Tumawa si Dio.

In love but I hate itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon