Kapitulo Trece

96.1K 3.4K 723
                                    


Suffer

Maria Clarita Sihurano's

"Ano ba iyang pinapanood mo?"

Nadatnan ko si Spica sa loob ng silid ko nang gabing iyon. We have connecting rooms pero palagi siyang nag-stay sa kwarto ko. Tabi nga kaming matulog ngayon, napansin ko rin na mag-iisang buwan na siyang nandito sa bahay at hindi naglalayas. Hindi naman ako nagtatanong at baka ultukin na naman si Spica at umalis. Sabi niya sa akin noong nakaraan, ninang daw siya ng baby ko.

"Ewan ko ba dito pero natatawa ako sa tawag nila sa boss nila. Iyong isa Supremo, iyong isa Emperador. Mapapatanong ka kung long neck o litro o kaya man, lights or brandy. Tang ina, ang cheesy." Sinabayan niya iyon ng tawa. Napailing na lang ako tapos ay nahiga na ako sa tabi niya. Umunan si Spica malapit sa tummy ko tapos ay hinaplos niya iyon.

"Ate, ang tagal ng labas ni baby no. Siguro magbabago iyong bahay kapag nandito na siya."

"Pamihado iyon." Wika ko. "Dad is excited. Narinig ko siyang sinabi kay Mommy na ipaayos na iyong isang guest room para nursery siya ni Baby." Nakangiting wika ko.

"Excited ako talaga. I will stay for the baby." She told me. Napatingin ako sa kanya.

"Why do you always leave, Spica?"


"Wala lang." She said. "Minsan nasasakal ako kay Mommy at kay Daddy. They always compare me to the two of you. Hindi naman ako kasing prim and proper mo, or kasing talion ni Mary Jane, I have my own unique talents. But I don't hate you two, ganoon talaga ang buhay. I love the family so much but I love it more now because of this baby." She told me. "A baby can change everything, Claring, it can even melt the hardest heart and the thickest wall, believe me."

Matapos niyang sabihin iyon ay bumalik na siya sa panonood ng tv. Ako naman ay kinuha ang librong kagabi ko pa binabasa pero hindi naman ako makapag-concentrate dahil bigla kong natanaw iyong roses na bigay ni Cornelius Calimbao. Why would he give me flowers?

"Why would he give me flowers?" I asked Spica again. Pinatay ko iyong tv para sa akin ang atensyon niya.

"Ay! Ano ba?! Dalawa na si Supremo eh!" Napakamot pa siya ng ulo.

"Why would he send me flowers?!" I asked again.

"I don't know. How would I know? Hindi naman kami iisa ng utak!" Sigaw niya sa akin sabay agaw sa remote. Binuksan niya iyong tv at muling nanood. Nakatingin lang din naman ako sa pinapanood niya, nakakita ako ng kulay red bigla kong naisip ang strawberry. Nananakam ako. Masarap iyong strawberry jam sa skyflakes tapos may jasmine tea. O kaya man, strawberry tapos isasawsaw sa condensed milk.

Biglang kumalam ang tyan ko.

"Pikang..." Dinutdot ko iyong braso niya.


"Oh!"

"Gusto ko ng strawberry."

"Tsk, ito naman e di kumuha ka sa ibaba. Mayroon sa ref. Nakita ko kanina. Feeling ko nagsesex si Mom and Dad na may strawberry at chocolates, like eww pero maingay sila minsan."

"Ihhh! Ayaw ko noon! Gusto ko galing ng Baguio. Punta tayo ng Baguio. Ngayon."


Tiningnan niya ako na para bang nakakikita siya ng multo.


"Sa Baguio? Para lang sa strawberries?! Gago ka ba?!"

"Hindi. Si Paolo iyon." Sabi ko. "Tara na kasi!"


"Ayoko! Sinong magda-drive?! Ako? Ayoko!"

"Sige na kasi! Magbibihis lang ako! Tumayo ka na diyan!"

In love but I hate itTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang