Kapitulo Ocho

96.4K 3.2K 1.1K
                                    


Para kay

Paolo Enrique Arandia's

"You got her pregnant. Sana maging maayos ka na. Nagparaya na sa'yo ang kapatid mo. Nakakahiya naman sa pamilya nila Sophia."

Nakauwi ako, pero sa bahay nila Papa. He was lecturing me while still inside the car, pati pagpasok sa bahay ay hindi niya ako tinitigilan. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa major twist ng buhay ko. I got Clarita Sihurano pregnant at kahit ilang beses kong ulitin sa isipan ko iyon, para bang hindi koi yon maintindihan.

Paanong nabuntis ko siya that night? I used a condom... but then, I suddenly remembered the morning after, we did it again, three times, once in the bed, in the shower and then in the kitchen. All of those, we did it bare back.

Damn! Kung minsan hindi ko talaga iniisip ang mga ginagawa ko! I thought that she was safe. She never told me to pull out.

"What do you have to say for yourself, Paolo?" Papa asked. I shook my head. "Good. You rest, bukas pumunta kayo sa doctor ni Yves, ipatingin mo iyang mata mo, baka mamaya may internal bleeding." Iniwanan ako ni Papa sa living room. I found myself walking towards Papa's bar. Kinuha ko iyong isang bote ng whiskey at tinungga iyon.

Lumabas ako sa may pool. I drank from the bottle, and then I took my shirt of and went to the pool. Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin.

"Fuck!" I hissed.

"Kahit magsisigaw ka dyan, it will never change the fact that you got her pregnant." Noon ako natigilan. Nang lumingon ako ay nakita ko si Yves, kasama si Mcbeth. Nakakabwisit para sa akin ang makita silang dalawa ngayon. Hindi ko sila pinansin. Lumubog ako sa tubig at nagbilang ng bente saka ako muling lumutang. Naroon pa rin sila, iniinom ang pinakamahal na whiskey ni Papa.

"You got her pregnant, bro. Congrats." Mcbeth said. "Kami nga ni Sophia, nagta-try na, pero wala pa rin. We've been trying for four months now, pera ayun, punla lang nang punla ayaw naman magbunga." Nagtawanan silang dalawa ni Yves. "Swerte ka nga, Kuya, mukhang mabait si Clarita. Wala nga lang siyang kibo."

"I don't need to marry Clarita. I need Mary in my life."


"Mary rin naman iyong papakasalan mo. Mary Clarita nga lang." Banat ni Yves. Tumawa si Mcbeth. Hindi ko maitindihan kung anong parte sa pasakit ko ang nakakatawa.

Just yesterday, I was wanted for almost raping the woman I love, ngayon naman, gusto akong patayin dahil sa nabuntis ko iyong babang willingly naman nakipagsex sa akin. Hindi ba dapat kapag nakipagsex sa isang lalaki ang babae at wala silang relasyon, the man won't be held responsible for whatever it is that will happen? Kahit pa mabuntis iyong babae – kung no strings attached, no strings attached, hindi iyong kapag nabuntis, magbabago bigla iyong buhay noong lalaki. Napaka-unfair noon para sa akin.

Pwede namang sustentuhan ko na lang silang dalawa pero hindi lalapit at magpapakita sa akin iyong bata. I still have my values, alam kong ang pagpapalaglag ay out of the question. Mabait naman ako, hindi ko hihingin iyon kay Clarita. Hindi ako masamang tao, I wanted the child to live pero I want that child to live away from me.

Makakasira lang sila sa mga plano ko.

"Oy! May IG post si Kairos!" Sigaw ni Yves. Napatingin ako sa kanya. Iniharap niya sa akin ang phone niya. It was Kairos and Mariake, they were sitting side by side while holding a glass of champagne. "May caption. Champagne, happiness and the love of your life. What more can I ask for #bluemoon #gravity #loveofmylife."

"May pa champagne si Mayor!" Sigaw ni Mcbeth. "Hindi halatang masaya si Kupal!"

"Paanong hindi sasaya, Mcbeth? Iyong pinakamakulit na manliligaw ng asawa niya, nakabuntis ng ibang babae! Kung ako iyan, magpapa-party ako!"

In love but I hate itWhere stories live. Discover now