Kapitulo Diecisiete

103K 3.6K 386
                                    

Maria Clarita Sihurano's

I opened my eyes only to find myself inside a four-walled bedroom with high ceilings and white walls. There was a window on my far left. I could see the buildings outside my room. I wondered where am I and what happened to me – and it suddenly hit me. Napahawak ako sa tyan ko. Napakagat – labi. I was about to cry when I turned and saw Paolo on th couch. Naalimpungatan siya pagkatapos ay agad na bumangon para lumapit sa akin. Tumutulo na ang luha ko but in onw swift move, Paolo wiped my tears and then he cupped my face.

"Don't cry, the baby is fine."

"It-It's still there?" Mahinang tanong ko. He nodded. I took a deep breath. Hinaplos – haplos ni Paolo ang ulo ko, hindi naman nagtagal ay dumating na ang doctor ko. I smiled at her. Umalis si Paolo sa pagkakaupo sa tabi ko at tumayo sa gilid.

"The baby is fine. You don't need to worry, kaya lang, Mrs. Kailangan mong mag-bed rest. Mahina ang kapit ni Baby at kapag na-stress ka, o napagod, o nabigla sa kung ano-anong gawain, maaaring tuluyan na siyang mawala. Number rule dito, hindi ka pwedeng ma-stress, so I suggest na magpahinga ka until makasigurado tayo na okay na si Baby sa tyan mo."

I wiped my tears again.

"Healthy food, happy environment, lahat iyon, Mister, kailangan po ni Mrs, para na rin po sa baby niyo."

"Alright, doc, maraming Salamat po." He even smiled at the doctor. Naiwan na kaming dalawa. Pinahid ko ang luha ko pagkatapos ay tumingin sa kanya. Hinahanap ko ang pamilya ko, wala kasi kahit isa sa kanila dito.

"Nasaan sila Mommy?" I asked him.

"Umalis sila sandali." Sagot niya sa akin. "There's a certain Uncle Nilo that got shot..."

"What?" Tumaas ang boses ko.

"Hey! You don't get to be stressed. I know, siguro mahalaga sa'yo iyong Uncle Nilo, but the baby is also important. Whatever happes, I'm sure it's gonna be fine, nandoon ang pamilya mo, everything will be fine." Wika niya pa sa akin. Huminga ako nang malalim at pilit kinalma ang sarili ko. May punto si Paolo... Lahat magiging maayos.

Muli akong nahiga at nagpahinga. He was still standing beside the bed. Nakaramdam ako ng pagkailang. I looked at him.

"Do you need anything?" He asked. "Food? May gusto ka ba?"

Ngumuso pa ako.

"Jolly hotdog." Sagot ko. Napangisi siya.

"I will be back. Okay?" Nagulat ako nang yumuko siya para hagkan ang tyan ko. "Hey, Peanut, don't ever scare Dad like that again? Alright? I love you." Again, he kissed my tummy. Nagkatinginan kaming dalawa, bigla siyang ngumiti tapos ay umalis na.

My heart is racing. Bakit natutulala ako sa lalaking iyon? Hindi dapat, wala naman kaming relasyon at hindi kami kahit kalian magkakaroon noon. He made it clear that he was only here for the baby, hindi para sa akin, o kahit kanino, para sa baby lang. Ako rin naman, pinagtitiisan ko si Paolo para lang din sa anak naming dalawa.

Hindi ako dapat nag-iisip nang kung ano – ano. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko.

So, I waited for him, hindi naman nagtagal ay nakabalik na siya. May dala siyang prutas, tubig, gatas at kung ano – ano pa. But I smiled wide, when he handed me the jolly hotdog.

"Thank you." Sabi ko sa kanya. Nilantakan ko agad iyong hotdog. Habang ginagawa ko iyon, bigla kong naalala iyong hotdog ni Paolo – este iyong sinabi ni Paolo tungkolkay Uncle Nilo. I wanted to ask questions pero kumakabog ang dibdib ko kaya hindi ko na lang itinuloy.

In love but I hate itDonde viven las historias. Descúbrelo ahora