Kapitulo Doce

97K 3.3K 723
                                    

Shifted

Paulo Enrique Arandia's

"Miss Clarita Sihurano needed help that moment, I just did what I had to do. I'll do it again if I have to. Even if she's considered as a political enemy, she is a woman and women should always be respected."

I made a face before I turned the tv off. They were showing Cornelius Calimbao's interview. Iyon ay iyong tungkol sa nangyari sa pagitan namin ni Clarita sa senado. Eskandalo daw iyon ayon sa mga magulang ko. Ipinakita ko lang daw kung gaano ako kawalag modo. Hindi naman daw nila ako ganoong pinalaki, why do I have to act like that. Mama was so disappointed. Hindi lang naman siya ang disappointed sa akin, pati na rin ako mismo.

I sighed. May hawak akong ice pack at nakalagay iyon sa may mata ko. Mulan ang makilala ko si Clarita. Hindi na nawalan ng pasa ang mukha ko. Para bang trip na trip akong saktan ng buong pamilya niya pati na rin ng mga tao sa paligid niya.

Inis na inis pa rin ako kay Clarita at sa buong pamilya niya. I tried getting her back, using my charms and the sexual tension between us. We made out, I kissed her, I was so sure that I was going to get her but then, she spat on my face. Tinawag niya akong gago at sinabi niyang kahit anong gawin ko, hindi ko siya makukuha, that she would love to see me try. Inis na inis ako, sa sobrang inis ko, I walked out. Walang nagawa ang mga magulang ko para mapabalik ako roon.

I hate her so much! No, hate is an understatement. I loathe Clarita so much that I wanted to hurt her in anyway that I can pero hindi ko pa magagawa iyon sa ngayon. Kailangan ko maisakatuparan ng plano ko. I need to get into her life – their lives, I need to make her see that I am a better man now, I need to make her feel safe around me. Kailangan kong gawin ang lahat ng iyon para maging palagay ang loob niya sa akin.

I will do everything. Kailangan kong kalimutang inis ako sa kanya at sa pamilya niya.

Huminga ako nang malalim at muling binuksan ang tv. Napangiwi ako nang ipakita ang mukha ni Cornelius Calimbao. He was still being interviewed. May suot siyang ray ban. Itinatago niya iyong Ibang news show pero same content. Mas pinahaba pa. Nagtatanong sila tungkol sa eskandalo kahapon.

"Any message for Miss Sihurano?"

"What can I say, if she needs anything, she can always call me. I'll never hesistate."

Napangisi ako. Tingnan mo nga naman... talagang mapagbiro ang tadhana – of there ever is destiny – I'm not sure about that – mukhang may gusto pa itong si Calimbao kay Clarita. Maybe he is smitten, hindi naman siguro niya ako sasapakin kahapon, hindi niya itataya ang pangalan niya para lang makigulo sa buhay na wala naman siyang kinalaman. Muli kong pinatay ang tv at saka tumayo na. I feel so bored. Kumuha ako ng alak sa ref at saka tumayo sa balcony ng bahay ko. I can see everything.

Ipinatayo ko iong bahay sa pinakamataas na parte ng village na ito. I wanted Mary to see everything too. I want this home to be her sanctuary, to be her kingdom. Gusto kong makita niya na paulit – ulit ko siyang ilalagay sa pedestal kahit na anuman ang mangyari.

I really planned on marrying her. Nagsipag ako noon sa PBA para makaipon. Ginalingan ko para makakuha ng maraming sponsors, lahat ng perang ginastos ko para sa bahay na ito, galing sa dugo at pawis ko. Inuna ko itong bahay, bago ako nag-propose sa kanya. But she turned me down. Pero hindi talaga ako susuko.

I am always thinking about the version of our story kung saan, ako na ang pipiliin niya, ako na ang mamahalin niya pero mukhang Malabo pang mangyari. Malabong – malabo talaga. Pero kaya kong magtyaga, kaya kong maghintay, isang dekada na nga akong nagpapakatanga, hindi naman makakabawas sa akin kung dadagdagan ko pa ang paghihintay sa kanya. Hihintayin kong maalala ni Mariake na ako ang tunay niyang mahal.

In love but I hate itWhere stories live. Discover now