Kapitulo Veinte

127K 3.8K 1K
                                    

Why

Maria Clarita Sihurano's

"Ang cute ng panty! Ang liit! Bili mo si Baby niyan! Isang dosena!"

Pinanlakihan ko ng mata si Spica nang ibalandra niya kay Paolo iyong isang dosenang panty ng baby. Puro yellow at pink iyon. Natawa lang si Paolo sa reaksyon ko pero hindi naman niya ako pinansin. Pinabalik ko kay Spica iyong panty ng baby at lumabas na kami ng store.

It was a Saturday at napagpasyahan namin ni Paolo na mamasyal. Sumama si Spica dahil ayaw niyang maiwang mag-isa sa bahay ni Paolo, halos doon na nga siya nakatira sa bahay ni Paolo, kung minsan ay nahihiya na ako. Doon na rin siya natutulog sa silid na inilaan ni Paolo sa akin, ako, sa room na ni Paolo natutulog. Mag-aarte pa ba ako? Nagse-sex na nga kami, so wala na akong iaarte pa. Nasasarapan naman ako.

"Hindi pa nga namin alam kung boy or girl. Pero sana girl." Paolo said again. Natawa na naman si Pikang.

"Boy kasi gusto namin, wala kaming boy sa family. Nagkakaboy lang kami kapag nakakapangasawa kami, siyempre, ang latest namin si Kairos Vejar, oy, diba karibal mo iyon?! Boom!"

I rolled my eyes right after hearing what Spica had to say. Kulang na lang ay kurutin ko siya sa singit. Kung ano - anong lumalabas sa bibig niya. Kaninang lunch ay kung ano - anong inorder. Hindi man lang siya nahihiya kay Paolo, si Paolo ang magbabayad, tapos nag-order siya ng meal na pwede nang maging hapunan ng apat na pamilya sa loob ng dalawang linggo.

"Those were the times, huh." Sabi ni Paolo.

"Yeah!" Wika naman ni Spica. Nasa underground floor kami ng mall. "Oy, Paolo, maglaro tayo! Timezone!"

"Spica nga ha!" Binawalan ko na siya. "Act your age. Para kang bata." Sabi ko. Napatingin ako kay Paolo. He seemed to be really nice right now, isang bagay na talagang ikinagugulat ko.

"Okay lang naman. Walking dead tayo."

"Weak! Tekken 4!"

"Sige ba!"

"Hoy!" Hinatak ko si Paolo sa braso. "Akala ko ba maniningin tayo ng gamit ng baby."

"Saglit lang naman ito." Sabi niya sa akin. Napailing ako.

"Hindi na. Sa bahay na lang kayo maglaro. Nagugutom ulit ako."

Kumunot ang noo ng kapatid ko.

"Yots, ang takaw talaga kapg buntis. Mauubos ang pera ni Paolo kakabili niya ng pagkain mo," Alam kong inaasar niya lang ako at hindi ako dapat mapikon kasi nga kapatid ko si Pikang at alam ko naman ang ugali niya kaya lang buntis ako, I have hormonal issues right now and that really irritated me. Aawayin ko na ng asana siya nang bigla akong akbayan ni Paolo. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"What do you wanna eat now, Clari?" He asked me in a very calm tone. Nagugulat talaga ako sa kanya. Kung minsan naitatanong ko sa sarili ko kung si Paolo ba talaga siya? Kasi ibang - iba siya sa Paolo na nakilala ko noong day one.

"Uhm... Jollibee." Mahinang sagot ko. Paolo nodded.

"Let's go. Spica, keep up." Wika niya pa. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko habang naglalakad. Madalas niyang ginagawa iyon, lalo na kapag maglalakad kami sa village tuwing hapon. He makes sure we walk kasi sabi ng doctor sa kanya, isang paraan daw iyon para hindi ako mahirapang manganak.

In love but I hate itWhere stories live. Discover now