Kapitulo Once

92.5K 3.1K 1.1K
                                    

Ruined

Maria Clarita Sihurano's

"Really, Daddy? I can come to work? I'm not fired anymore?"

My eyes widened with glee right after I heard Daddy said those words. Nagulat talaga ako dahil Monday morning iyon at wala akong planong gawin sa buhay ko sa araw na iyon kundi ang manood ng tv kasama si Spica. Si Mary Jane ay hindi pa rin umuuwi – ang sabi ni Picang ay baka daw si Juaning naman ang naglayas ngayon pero hindi ko muna iyon inintindi, mas masarap pakinggan ang sinabi ni Daddy na pwede akong bumalik sa trabaho kahit kalian ko gustuhin.

"Yes, Clari. You are my best adviser, always remember that." Napatayo ako mula sa dining chair at saka lumapit sa kanya para halikan at yakapin siya. I so love my father, alam ko namang mahal niya rin ako, patunay diyan itong pagpapabalik niya sa akin sa work.

"I will work harder this time, Daddy!"

"No!" He said. "Kailangan magpahinga ka para sa apo ko." Sabi sa akin ni Dad. "Clarita, you are very capable in whatever you are doing, hindi mo kailangan magtrabaho sa ngayon, you just have to rest. You have to be healthy, hindi ka pwede sa stressful environment."

"My office isn't stressful!" Giit ko pa.

"Wow!" Sabi pa ni Spica. "It's like you've evolve. Hindi ka na kabute, Claring, damo ka na! Nilalamon mo si Daddy!"

Binawalan ni Mommy si Spica. "Totoo naman, Mom! Teka, napuyat ako kagabi, did you and dad had sex?!"


"Jusko! Pidong! Ano ba naman itong anak mo?!" Mommy exclaimed. Natawa naman ako tapos ay muli nang naupo. Tinapos ko lang ang pagkain ko saka ako umakyat sa silid ko para magpalit ng damit. I am going to work with Daddy today, ang alam ko may session ngayon sa senate, makikibalita lang naman ako sa mga nangyayari. I am too excited.

I wore my black knee length dress that morning. Hindi ako nag-heels, sabi kasi ni Mommy, bawal daw. Naglagay ako ng kaunting make-up. Nabasa ko sa isang pregnancy book na as much as possible kailangan skin friendly at natural products ang gagamitin ko dahil nga sa buntis ako. I also took my vitamins with me.

Bumaba ako nang dahan-dahan sa hagdan. Naabutan ko si Daddy na nasa pinto. Inihatid siya ni Mommy, inayaos pa ni Mommy iyong tie ni Dad tapos ay humalik silang dalawa sa isa't isa.

"Dad, sama ako. Makikibalita lang, please..." I smiled at him. Nagkatinginan silang dalawa ni Mom. Mom smiled, pagkatapos noon ay tumango si Daddy. Hinawakan niya ako sa braso at sumakay na kaming dalawa sa kotse na nag-aabang malapit sa front door. I am so happy. Sabi ni Yaya Ninay kahapon sa akin, swerte daw ang buntis, at mukhang totoo nga dahil nga napabalik ako sa trabaho. This is my life talaga, well maliban doon sa night life ko.

I don't think gusto ko pang balikan iyon. Magiging mommy na ako, gusto ko, maging mabuti ako sa anak ko. I sighed.

"Dad, thank you so much." Humilig ako sa braso niya pagkatapos ay ngumiti. I am very excited. Ilan linggo rin akong hindi nakapunta sa senado. Naisip kong baka may pagbabago roon. I could feel the excitement in my bones. I feel giddy.

Finally, we arrived at the senate. Inalalayan pa ako ni Daddy pababa ng SUV. Agad naman kaming sinalubong ng press. Si Daddy ang puntirya nila. Itinatanong kung anong sasabihin ni Dad mamaya sa privilege speec niya but he kept on saying no comment. I could feel some of their eyes on me. Hindi ko naman pinansin ang mahalaga, okay ako, at okay kami ni Dad.

"Are you alright?" He asked me.

"Yes, Dad. Where's our team?" Tanong ko. Natigilan ako nang makita kong papalapit si Cornelius Calimbao sa direksyon namin. He was with his team. Our eyes met. Nakikipag-usap siya sa assistant niya pero natigil iyon nang makita ako.

In love but I hate itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon