Kapitulo Sais

103K 3.4K 331
                                    

Let him live

Maria Clarita Sihurano's

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Maria Clarita Sihurano's

"Healed na iyong wound mo. Pwede ka nang maggagalaw."

Ngumiti si Mona sa akin pagkatapos niyang tanggalin ang benda ko. Napatingin nga rin ako kung may peklat ba, meron nga at medyo malaki iyon. Napangiwi lang ako saka nagpasalamat kay Mona. Halos isang linggo na akong nanunuluyan sa kanila. Hindi na rin ako tumawag sa bahay. Hindi ko alam kung hinahanap ba ako sa amin pero palagay ko ay hindi dahil malamang nasabi nang mga baliw kong kapatid na tumawag na ako and maybe by that maisip ni Dad na okay lang naman ako.

"Thank you, Mona for being so kind."

"Sus, wala iyon, napakamaliit na bagay." She smiled. Bumukas ang pinto ng silid na inilaan para sa akin. Actually, hindi lang ako ang natutulog roon, pati na rin si Paolo. We, well, we're adults, we know what we're doing.

"Ano, ampon, kamusta ang pasyente ko?"

"Okay na siya, Kuya Paolo." Wika naman ni Mona. Pinanlakihan ko siya nang mga mata.

"Oh, ano pang hinihintay mo? Alis na. Eepal ka na naman." Mona just smiled at him tapos ay nagpaalam na sa akin. Naaawa naman ako sa huli, ilang beses na siyang ginaganoon ni Paolo at parang wala lang kay Gago na ganoon ang trato niya kay Monaliza. Tumabi sa akin si Gago at hinalikan ang peklat ng sugat ko.

"Gago ka, bakit naman ganoon ang trato mo kay Mona. Legally adopated ba siya?"

"Oo. Pero hindi pa rin siya Arandia para sa akin. Plus, she doesn't mind. Magreklamo siya baka sampalin ko pa siya."

Hinampas ko siya sa bibig. Tumawa lang si Paolo tapos ay hinalikan na ako. I kissed him back. Ang daming beses ko nang gustong itanong sa kanya kung bakit kami naghahalikan, kung bakit may nangyayari sa amin, kung bakit umaakto kami ng ganito pero natatakot ako kaya imbes na magtanong, ginalingan ko na lang sa pakikipaghalikan sa kanya. Nilaliman koi yon, ibinuka ko pa ang bibig ko para mas masaya.

Napaungol siya. Bigla siyang lumayo. Nakangisi ang gago.

"Uy, gumugusto."

"Ulol." Sabi ko. Pinunasan ko ang bibig ko saka isinara ko ang buttons ng damit ko. Paolo just watched me. There was something in his eyes while he was watching me. Nakangisi lang siya habang tahimik na nakatingin sa akin.

"Bakit?" I asked.

"Wala." Nagulat ako nang iayos niya ang buhok ko. Inilagay niya sa liko ng tainga ko iyong ilang hiblang napunta sa mukha ko. Then, he touched my lips. He was just smiling. Wala siyang kibo, feeling ko nga kumikinang pa ang mga mata niya.

"Let's go." He said.

"Huh? Saan?"

"Kakausapin ka daw ni Uncle Paeng. Let's go."

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napilitan akong sumama sa kanya. We went to the third floor of that mansion. Doon, matatagpuan ang office at conference room ng Uncle ni Paolo. When we got to his office, naroon na siya at nakaupo sa swivel chair. He was reading something. Ibinaba niya ang libro at saka ngumiti nang makita ako.

In love but I hate itWhere stories live. Discover now