Kapitulo Dieciséis

108K 3.5K 482
                                    

Oh no!

Paolo Enrique Arandia's

"May dala kang kotse, Clari?"

I am having goosebumps as I listen to Clari and Molly talking. We were about to leave the grocery and I really thought that they'd be parting ways pero mukhang balak isama ni Molly si Clarita sa sasakyan ko. I looked at Clarita, she was wearing an oversized shirt and leggings, her baby bump is showing, sa baby bump niya nagtagal ang mga mata ko. I was thinking about Peanut, naririnig niya kaya kami ng Nanay niya kapag nag-aaway kami? Molly said that the baby can hear us already, noon lang ako naniwala sa kanya, Molly knows a lot about baby things kahit na...

I sighed.

"Oo. I drove myself here. Nainip na kasi ako sa bahay."

"I see. Paopao, ihatid na natin siya sa bahay nila."

"Out of the way." Wika ko. "Isa pa may sasakyan naman siya. She drove here, she should get herself home." I told Molly. Nakita kong tumaas ang kilay ni Clarita. Hinihintay ko siyang mainis sa akin, iyong tipong sisigawan at sasampalin na naman niya ako pero hindi niya ginawa. She just smiled, napansin kong hinawakan niya ang umbok ng tyan niya.

"Okay lang naman, Molly. Kaya ko pa namang mag-drive mag-isa."

"But you might get tired. Stressing din kaya ang pagda-drive, baka mapano si Baby Peanut."


"We're really calling the baby that huh?" Clari giggled. I took a deep breath and faced Clarita. Kinuha ko ang pinamili niya tapos ay lumakad na ako papunta sa sasakyan ko. Nakita kong nagkatinginan ang dalawang babae.

"What are we waiting for? Christmas, get in the fucking car." I hissed at them. Sumimangot si Clarita pero sumunod rin siya. Si Molly ay natatawang lumapit sa akin.

"Clari, sit in front, doon sa tabi ng driver. Mauuna naman akong bumaba." Nagpanting ang tainga ko.

"Uunahin ko siyang iuwi. Out of the way siya. Para babalik na lang kita."

"Diba sabi mo nasa Antipolo ka ngayon, so mas out of the way ako. Sige na, ako na muna ang ihatid mo."

Wala akong nagawa. Binuksan ko ang pinto para makapasok na si Molly. Nang si Clari na ay hinayaan ko na lang siyang buksan ang pinto. Nakairap na naman siya pero hindi naman niya ako inaway.

We were all inside the car. Inayos ko na ang seatbelt ko. Napayingin ako kay Clarita, hindi niya maayos ang sa kanya. Nagbuntong – hininga muna ako bago ko inayos iyong seatbealt niya. Simpleng bagay, hindi niya magawa, sana hindi magmana sa kanya ang anak ko.

I drove in silence. Tulad ng gusto ni Molly, una ko siyang ihahatid. Habang na-stuck sa traffic, nagkukwentuhan silang dalawa. Hindi naman ako nakikisali.

"May pinaglilihan ka maliban sa strawberry?" Molly asked.

"Uhm wala naman. Gusto ko lang ngayon ng green tea na lasa. I bought some green tea wafers and some green tea kitkats. I love the smell and the taste." Clari answered. Napasin kong hinaplos na naman niya ang tyan niya. Palagian niyang ginagawa iyon. I twitched my lips. Naisip kong hindi ko pa pala nahahawakan iyong tyan ni Clarita, and I really want to touch it. Anak ko naman iyon, kailangan ko rin iyon mahawakan at some point in time.

"Hindi masyadong weird iyon. Iyong kapatid ko naglihi sa kalamansi, as in laat nilalagyan niya ng kalamansi, even spaghetti." The two laughed. I only looked at them. Kanina, inis na inis si Molly kay Clarita pero ngayon friends na sila. I shook my head. Iba na talaga ang panahon ngayon, ang bilis ng mga pangyayari, ang bilis magbago ng isip ng mga babae, parang itong dalawang ito lang.

In love but I hate itजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें