Kapitulo Catorce

98.4K 3.2K 225
                                    


Seems like

Maria Clarita Sihurano's

"Akala ko ba may check – up ka?"

Nginitian ko lang si Spica habang isinasawsaw ko iying nabiling strawberry sa ube jam nang umagang iyon. I am dressed for work today. Wala naman akong check – up. Ayoko lang maging masaya si Paolo. Ano? Siya magpapakasarap sa kandungan ng babaeng iyon tapos ako mayayamot sa work?! Hindi na oy! Kung hindi ako magiging masaya, lalong hindi ko hahayaan na maging masaya si Paolo Gago.

"Ang sarap nitong ube jam." Sabi ko kay Spica.

"Sarap na sarap ka hindi naman para sa'yo iyan. Para iyon doon kay Molly." Pang-iinis niya sa akin. Napangiwi ako tapos ay inirapan ko siya. Wala naman akong pakialam kung para kanino itong ube jam, basta kinakain ko ito ngayon at nasasarapan ako. Sobrang sarap talaga nitong ube jam na may strawberry, feeling ko ang creamy tapos iyong lasa ng strawberry, manimis – namis na maasim – asim, perfect combination. Kahit para kanino pa binili ito ni Paolo, wala akong pakialam basta akin na ito ngayon.

"Bakit nakasimangot ka? Napahiya kaya si Paolo doon kay Molly kasi nangako siya ng pasalubong kinuha mo naman." Sabi ni Spica. Inirapan ko lang ulit siya. "Bakit ba irap ka nang irap? Hindi naman por que buntis ka magpapa-childish ka." Sabi niya pa sa akin.

"Akala ko ba kakampi kita? Kapatid kita dapat kakampi kita." Wika ko sa kanya. Tinigilan ko ang pagkain ng strawberry at tiningnan si Spica.

"Ay! Oo nga pala, pero kahit na, isipin mo pa rin iyang mga ginagawa mo, ha?"

I just made a face. Kinuha ko na iyong bag ko at nagpaalam na akong papasok sa trabaho. I wore an olive green corporate jumpsuit. Itinali ko ang buhok ko tapos naglagay lang ako ng kaunting make-up and I am good to go. I am excited to go back to work today, I missed my desk, my chair and the smell of my office. I also missed my cactus.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Paolo Gago. He was leaning on his motorcycle, nakatingin siya sa akin. Naka-cross arms habang tila inip na inip. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing makikita kong nakatingin siya sa akin nang ganoon ay kinakabahan ako. Wala naman akong dapat ikakaba, wala akong ginagawang masama sa kanya. Pasakay na ako doon sa kotse ko pero hindi natuloy kasi nandoon nga siya. When he saw me, naglakad na siya palapit sa akin.

Bagong gupit si Paolo. He was wearing a navy blue v-neck shirt and a pair of semi-fitted jeans.

"Let's go." He said.

"Huh?"

"Sabi mo may check – up ka ngayon."

"Ay! Wala pala, Paolo.You can just go now." I smiled at him. "Hindi kita kailangan." He just looked at me. Hinihintay kong may sabihin siya sa akin pero huminga lang siya nang malalim at saka tumalikod. Napailing ako. Wala naman pala siyang say sa kahit ano, akala ko makikipag-away siya sa akin. Akala ko magpapagago siya pero tiningnan niya lang ako pagkatapos ay umalis na. Sumakay na ako sa kotse. Si Damian ang kasama ko. I was only looking at him through my car window. Pasakay na siya sa motor niya pero napansin kong may kausap siya sa phone. Napakunot ang noo ko.

"Who is he talki---" Nanlaki ang mga mata ko nang maisip ko kung sinong kausap niya. "Argh! Tang ina Claring! Hindi ka nag-iisip!" Muli akong bumaba ng kotse at saka sumigaw. "Hoy! Putang ina!"

Napalingon naman kaagad siya. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. May kausap pa rin siya sa phone. Nang magkatapat na kami ay kinuha ko iyong phone niya at kinausap ang kung sinoman ang nasa kabilang linya.

"Hello?" I said.

"Paolo?"

Babae ang kausap. Si Molly ito.

In love but I hate itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon