Kapitulo Nueve

97.9K 3.5K 899
                                    

Lesser Evil

Maria Clarita Sihurano's

"Kain lang nang kain, hija. Baka mamaya may gusto ka pang kainin, sabihin mo lang well go and get it for you."

I was smiling at Paolo's parents while eating. Naroon na rin ang mga kapatid niya. Mcbeth was with his girlfriend, si Sophia, tapos ako, si Paolo at si Yves. Si Paolo, halatang wala siya sa huwisyo. He wasn't even eating. Nakatingin lang siya sa kanin at ulam sa plato niya. Wala rin naman akong ganang kumain. Nakakawalan ng gana ang nangyayari sa akin ngayon.

"Are you craving for anything?" Tanong ng Mama ni Paolo. Umiling ako. "Hija, 'wag ka nang mahiya sa amin. We are going to be families! Dapat masanay ka na! Tingnan mo itong si Pia, sanay na sanay na sa amin!"


"Ma naman," Wika ni Pia. "Mula seven years old po ako kasama ninyo na ako, hindi na talaga ako nahihiya." She even giggled. I just smiled at her pero hindi talaga ako komportable. Ayoko nang ganito, ayoko sa kanilang lahat.

Laking pasasalamat ko nang matapos na ang hapunan. His mother wanted to drink tea in their garden pero nag-aya na akong umuwi. Mukhang ikinabigla ng lahat iyon.

"Sorry po, medyo masama ang pakiramdam ko." I said.


"Do you need to go to the hospital?" Tanong ng Papa ni Paolo.

"Hindi po. Napagod lang po ako. I just need to rest."

"Dito ka na matulog." Sabi ulit ng Mama ni Paolo. "Kaysa magda-drive pa si Paolo. I will call Vana para malaman niyang nandito ka."

"Naku, hindi na po. I really want to go home."


"No, that's not acceptable. Dito ka na---"

"Ma, the girl wants to go home! Anong bang problema ninyo roon?" Bahagyang tumaas ang boses ni Paolo. Natigilan ang Mama niya. I looked at the old woman apologetically. Inirapan ko si Paolo pagkatapos. "Hindi pa kami kasal, hindi pa dapat siya nandito. Kung tutuusin, wala nga dapat siya sa buhay ko. I'm just too stupid."

"Uuwi na lang ako mag-isa." Sabi ko. Hindi nakahuma ang mga magulang ni Paolo. I didn't even bother saying goodbye. Lumabas akong mag-isa sa bahay nila, nag-aabang ako ng taxi nang bigla akong makarinig ng busina sa aking likuran. Mula sa kulay asul na sasakyan ay lumabas si Yves. He was looking sad too – walang iniwan sa nararamdaman ko ngayon.

"Ihahatid kita."

"Hindi na. May taxi naman."

"Ihahatid kita. Please, Clari, I insist." Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse ni Yves. Agad naman niyang pinasibad ang kotse. Nakalayo kami sa bahay nila. Binaybay namin ang daan patungo sa bahay namin. Walang nagsasalita. Nag-iisip siguro kami pareho, but then, Yves broke the silence.

"Anong gusto mong kainin?" Biglaan niyang tanong. Napatingin ako sa kanya. I smiled.


"Uuwi na lang ako."

"Hindi. Kakain muna tayo. Hindi ka naman nakakain kanina. Kahit Jollibee lang. Ano, tara?"

Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Nagugutom rin naman kasi ako. We ended up eating at the said food joint. Nag-order ako ng chicken and spaghetti and pineapple, si Yves naman ay ice cream at burger lang.

"Pasensya ka na nga pala kay Kuya. He's out of his wits. Maraming iniisip, stressed." Sabi niya pa sa akin. Kain lang naman ako nang kain. Tama naman kasi siya, hindi ako nakakain kanina. Sobrang naiinis ako kay Paolo. Para kasing pinalalabas niyang ako pa ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang mga plano niya kasama si Mary samantalang dekada nang unsyami ang mga ito. "Pero mabait naman si Kuya."

In love but I hate itWhere stories live. Discover now