Chapter 1

17.9K 629 290
                                    

Noong unang panahon may isang prinsesa sa kanyang kaharian na kinagigiliwan ng kanyang nasasakupan. Ang prinsesang ito ay may taglay na kagandahan at ginintuang puso.

Bumaba sa balkonahe ang mahal na prinsesa at kumaway sa kanyang nasasakupan. Mahal na mahal siya ng mga tao dahil napakamapagkumbaba niya.

Yun lagi ang kinukwento ni Papa sa akin bago matulog.

Minulat ko ang aking mga mata, sana magkatotoo iyon.

Ngunit ang panaginip ay tinawag na panaginip dahil malabong mangyari iyon.

Anong oras na? Napabalikwas ako sa aking pagkahiga ng makitang pasado alas syete na.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Late na ako sa skwelahan! Madali akong tumayo para makapag ayos.

Nadatnan ko si Mama sa sala na abala sa panonood ng balita.

"Anak nakita mo na ba ang balita ngayo-" di ko na siya pinatapos dahil wala na akong pake sa balita dahil late na ako. Hinalikan ko siya sa pisngi at umalis na.

HEADLINE

Ngayong araw, may nakitang sulat ang Royal Family na nakalagay pa sa isang capsule. Sinasabing ang laman ng capsule na ito ay naglalaman ng testamento ng dating hari na si King William Markinswell. Sinasabi din na naglalaman ito tungkol sa pagaasawa ng Prinsipe. Stay tuned! At mangngalap pa kami ng bagong balita para sa inyo!

Ringgggggg

Nakarating din ako sa skwelahan sa wakas! Pinuntahan ko ang aking klase, pagtingin ko sa aking orasan ay sakto lang ang aking pagdating. Nadatnan kong lahat ng aking mga estudyante ay nakatutok sa kanilang mga cellphone.

"Goodmorning class!" bati ko sa aking mga estudyante.

"Goodmorning Ma'am" sabay naman nilang sabi.

"Ms. Harridan? Nalate po ba kayo dahil pinanood nyo yung balita ngayong araw?" Tanong ni Lizzy na mukhang siya din ay alam kung anong balita ngayon.

Ano nga ba ang balita ngayon? Hindi ba't lahat nalang ng balita ngayon ay ang mga natotokhang? Hays.

"Hindi ako interesado kung ano man ang balita ngayon at hindi ako late sakto lang ang aking pagdating. Simulan na natin ang klase" natawa ako sa reaksyon nila, mukhang hindi pa sila handang magklase dahil Lunes ngayon. Well, hahaha.

Katapos ng aking klase ay pinatawag ako sa Principal's Office. Hayy Abcidii lunes na lunes.

"You were late Ms. Harridan" simula ni Principal George. Mahinahon lang siya pero mukha siyang mangangain ng tao. Wth?

"I'm not late sir, I made it just in time before the bell rang" sagot ko naman, totoo naman diba? Oa naman netong principal
nato kala mo naman 30 minutes akong nalate.

"The students were waiting for you Ms. Harridan, still you're late." napailing nalang ako.

-
Ngayon nandito ako sa stock room at naglilinis warning daw sa ginawa ko kanina. Hayy nako!

"Nabalita mo na ba!?" halos mapatalon ako sa gulat.

"Busit ka ginulat moko!" sabi ko kay Jona, co teacher ko.

"Ang tinakdang gwapong prinsipe ay pupunta ngayon sa skwelahan! Tara hanapin natin siya!" Wow excited. Gusto ko sanang sumama sakanya kaya lang ay kailangan ko pang tapusin yung ginawa ko dahil baka mas malala pa ang pagawa ni Principal George sa akin pag nagkataon.

"Gusto ko sana kaso kailangan kong tapusin ito" sabi ko ng hindi siya nililigon.

Kinuha ko ang mga kahon na nakatambak sa tabi ng tukador nasa mga tatlo ito pero hindi naman ito gaanong mabigat dahil wala na itong laman.

"Tulungan mo nga ako dito di ko makita yung daan sa harap e" kinuha naman niya ang mga kahon sa akin "Ilagay mo nalang jan yung mga kahon, diyan sa tabi ng pintuan"  tumalikod na siya at ... T-teka lang?! Hindi iyon si Jona! Nasaan siya?

Humarap siya sa akin na siyang kinagulat ko.

"Ang gwapong prinsipe!"

Teka lang? N-nasabi ko ba iyon ng malakas?

**
Pavote thank you 🌹

Marrying The Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now