Chapter 12

4.4K 252 60
                                    

•This chapter is dedicated to MissJnny reading my story :) Lovelots!

"Anak gising ka na ba?!" rinig kong sigaw ni Mama sa baba. "May hinatid na dress ang driver galing daw kay Prince Lewis!" sht nananaginip nanaman ba ako? Kinurot ko ang pisngi ko. Ay oo nga pala! So seryoso talaga siya dito?

Bumaba ako at nakita ko ang isang malaking box na may lamang kulay mint green na dress. Waaaaah ang cute!

May sulat na nakalagay sa loob ng box

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


May sulat na nakalagay sa loob ng box. Binuksan ko ito.

Goodmorning Princess, I pick this dress myself I hope you like it. I know you will look gorgeous if you wear this. -Alas

This is wow isusuot ko ba ito? Syempre no! Sus tinatanong pa ba iyon? Hahahaha.

Nagayos na ako at isinuot ang dress na bigay ni Alas. Tinignan ko ang aking kabuuan sa salamin. "Ang ganda ko" yun ang  unang lumabas sa aking mga labi.

Narinig kong may bumisina sa labas kaya lumabas na ako di ko na din nadatnan si Mama sa baba, baka namalengke siya.

Paglabas ko may nakita akong sasakyan, kung hindi ako nagkakamali ay ito yung 2017 Jaguar XE. wow

Lumabas si Alas mula doon "Goodmorning Princess" bati niya sa akin. Nagulat ako sa totoo lang. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Mukhang naguluhan naman siya sa tanong ko. "Akala ko ang driver mo ang magsusundo sa akin" dagdag ko.

Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kilay "My driver isn't the one going out a date with you... I am" naramdaman kong uminit ang aking pisngi. Sht Abcidii wag kang kikiligin!

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Naconcious tuloy ako sa aking itsura. "You really look beautiful in that dress" he said shyly. Wahhh why so cute Prince Alas?! Napangiti naman ako "It's even better on you than I could imagined" dagdag pa niya. Anong meron? Tandaan mo Abcidii wag kang kikiligin!

"Thank you" sabi ko. Hinawakan niya akobsa beywang at inalalayan papunta sa sasakyan. Pero bago pa kami makapasok ay biglang dumating ang mga Paparazzi at ilang mga reporter. Nanlaki ang aking mga mata. Saan sila galing?!

"Ang ganda mo Abcidii!"

"Maaari ka ba naming hingan ng mas madaming picture?"

"You look stunning today!" komento nila sa akin.

Tumingin ako kay Alas "Hey, Im here alright?" bulong niya sa akin. Nafeel ko naman na ligtas ako basta kasama ko siya.

Lumapit ang isang reporter sa amin. "Abcidii!" napahawak ako sa damit ni Alas. "May date ba kayo ng mahal na Prinsipe?" tanong nito. Tinignan ko naman si Alas. Mukhang cool naman siya. Ilang sandali pa ay naramdaman kong hinawakan niya ang aking mga kamay at pinagsaklop ang mga ito. Ang lambot ng kaniya! Abcidii, focus.

Marrying The Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now