Chapter 34

2.5K 206 42
                                    


Sinuot kong muli ang aking damit kanina dahil hindi ako pwedeng lumabas ng bahay na yung damit ni Alas ang suot ko.

Nagsuot naman ng cap si Alas at malaking salamin. Ang hot niya! Samantalang nilugay ko naman ang aking mahabang buhok para kahit paano ay matakpan ang aking mukha nagsuot naman ako facemask para mas sigurado, mukha tuloy akong may sakit.

Lumapit sa akin si Alas "A-anong ginagawa mo?" tanong ko. Sinuot niya sa akin ang isa pang cap. Napailing ako, konting konti nalang at wala na akong makita! Natawa naman si Alas sa itsura ko. Sige pagtawanan mo lang ako busit ka!

Naglakad ako palabas ng bahay at nauna na sa sasakyan. Agad naman ay nakasunod siya at ngumingiti ngiti. What the heck is wrong with him? A lunatic prince.

"I'm so happy, I've never been in a grocery store. This is my first time, and I'm glad that I'm with you" parang umakyat sa mukha ko ang lahat ng aking dugo. Biglang nawala ang aking pagkainis sa kaniya, My Goodness!

Nakakatawang isipin na first time ni Alas ngayon sa grocery at masaya din ako dahil ako ang kasama niya sa kaniyang unang pagpunta sa grocery. "The price is so cheap" he said with an amusement in his eyes.

Banang bana siya sa nakikita niya ngayon, para siyang bata na excited sa pamimili ng kung ano ano. Napaka childish niya minsan lalo na kapag kasama ako.

"Ang cute naman ng couple na iyon"

"Oo nga parang may kamukha sila no? Hindi ko lang mapinpoint kung sino pero meron talaga e"

Rinig naming bulungan nung dalawang babae sa bandang likuran namin. Nasa may bandang shampoo section kami. Ako nalang ang bibili non dahil meron pala si Alas sa kaniyang bathroom, naalala niya.

Pagkakuha ko nang tube ng shampoo ay agad kaming umalis don at baka makilala pa kami nung dalawang babae.

Gabi na nang makauwi kami dahil dumaan pa kami sa isang boutique para bumili ng aking mga damit .

Nagring ang kaniyang cellphone, hindi niya ito masagot dahil bitbit niya ang aming pinamili "Can you answer it?" tanong ni Alas sa akin. Tumango naman ako at kinuha sa bulsa niya ang kaniyang cellphone. Ipinasok naman niya sa bahay ang aming pinamili.

Tinignan ko ang screen at si Timothy pala iyon kaya sinagot ko na.

Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako Timothy: [What the fuck Lewis? Iniwan mo ang trono para kay Abcidii?! At dinamay mo pa talaga si Abcidii dito?! Mas mahal ko siya higit pa sa mahal mo siya kaya wag mong iisiping wala lang akong gagawin para sa kaniya! ] sigaw niya.

Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa sinabi niya

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Abcidii: [S-sinabi mo bang m-mahal mo ako?] tanong ko. Narinig ko ang malutong na mura sa kabilang linya bago niya ito patayin.

Dinial ko ulit ang number ni Timothy pero hindi niya man lang ito sinasagot! Napahawak ako sa aking ulo. Sinabi niya bang mahal niya ako higit pa sa magmamahal ni Alas sa akin?!

"Abcidii" halos mapatalon ako sa gulat. Hinampas ko siya ng bahagya sa kaniyang dibdib.

"Ginulat mo ako!" natawa naman siya ng kaonti. Wala sa sariling pumasok ako sa bahay.

"Why so serious Princess?" Tanong niya at umiling naman ako. Alam ba ni Alas na mahal ako ni Timothy?

"I have something for you Princess" kinuha niya ang isang maliit na box sa kaniyang bulsa.

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito "I know this is just a simple ring and I know you're still mad at me. But this ring is my promise to you, Gagawin ko ang lahat para maayos ang lahat" isinuot niya sa aking palasingsingan ang isang candy na singsing. "This is nothing compare to the other ring I gave you but this is special. I hope you like it" hinalikan niya ako sa aking noo. Lumambot ang aking puso lahat ng mga kasalanan niya sa akin pati na nung naghalikan sila ni Gwen ay biglang nawala. This man really know how to make me smile!

"This is the best ring I ever worn!" masayang sabi ko. At hinalikan ko siya sa pisngi na siyang ikanapula ng kaniyang mukha.

Huminga ako ng malalim, kinuha ko ang aking cellphone at humandang umalis. "Where are you going Princess?"Nagaaalalang tanong niya. "May pupuntahan lang ako, Babalik ako mamayang dinner. I'll come back, promise" pupuntahan ko si Timothy gusto kong malaman kung totoo yung sinabi niya.

Gusto niya pang samahan ako pero sinabi kong wag na lang at wala na siyang nagawa kundi magstay sa bahay.

"Sabihin mo sa lahat na ako ang hahali sa Hari at kay Alas, Ako na ang bahala sa Apethorpe" sabi ni Mhiles sa buong Royal council. Nagbulungan naman ang mga kasapi nito

Pagkatapos ng meeting ay lumapit si Gwen sa kaniyang ina. "Mom! Umalis si Lewis kasama si Abcidii! Hindi iyon ang pinangako mo sa akin! Sinabi mo kapag inexposed natin yung sekretong iyon ay mas pipiliin ni Lewis ang trono kesa kay Abcidii?! Anong nangyayari? At bakit ikaw ang hahalili sa hari?" takang tanong niya.

Ang alam kasi niya ay kapag ibinulgar na nila ang pagiging adapted nang ama ni Abcidii ay iiwan na niya ito at mas pipiliin ang trono at magkakatuluyan na kaming dalawa ni Lewis pagkatapos non.

Hindi ko rin inaasahang papalitan niya ang Hari sa trono. "Nasaan si Lewis?" tanong ko.

Inirapan naman ni Mhiles si Gwen "Wala na akong pakealam. Im taking over the Palace now at wala akong panahon sa mga problema mo." Hindi makapaniwala si Gwen sa kaniyang narinig.

"Mom, ginawa mo ang lahat ng ito para sa pansarili mo?" tanong nito habang umiiling"Hindi mo talaga planong tulungan ako o si Auntie Geneva, ginawa mo ito sa pansarili mo!" humalakhak naman si Mhiles dito

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

"Mom, ginawa mo ang lahat ng ito para sa pansarili mo?" tanong nito habang umiiling"Hindi mo talaga planong tulungan ako o si Auntie Geneva, ginawa mo ito sa pansarili mo!" humalakhak naman si Mhiles dito.

"I'm so proud to you my daughter, biruin mo mas mabilis mong nagets ito kesa sa Reyna ng Apethorpe" muli itong humalakahak.

"Mom, paano mo nagawang gawin ito sa iyong sariling u..unica hija!" nagsimulang humikbi si Gwen.

"Tandaan mo hindi kita anak, ampon kalang" sabi nito at ngumiti.

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


-

A/n: Don't forget to vote :) Comments are. highly appreciated

HELLO! glimpser This chapter is for you! <3

Marrying The Prince(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora